chapter 30

8.5K 253 29
                                    


"Kelsey's pov"











"Pick up the phone please! Please.. please." Pa ikot ikot lang ako dito sa may sala habang patuloy paring dinadial ang number ni cliff. Hindi kona rin mabilang kung naka ilang tawag na ako sa kaniya pero nagriring lang ito hanggang sa mamatay na ang call. Kanina pa din walang tigil sa pag agos ang luha ko.

"Iha, kumalma ka. Sigurado akung uuwe rin yung batang yun. Saka ano ba kasing nangyare at hindi kana matigil jan sa kakaiyak?" Saad ni manang saka lumapit sa akin at iginiya ako paupo sa sofa.

"Na-nanay" garalgal ang boses na tawag ko sa kaniya saka yumakap dito ng mahigpit at mas ibinuhos pa ang mga luhang kanina pa walang tigil sa pagragasa.

Yumakap naman siya pabalik sakin kaya mas naiiyak ako ng husto. Feeling ko kase parang pinipiga ang dibdib ko pag naalala ko yung mukha niya pagkabukas ko ng pinto.

Alam kung narinig niya lahat ng pinag usapan namin ni dad dahil umiiyak na ito at puro sakit ang mababasa sa mga mata nito.

"Tahan na anak, hayaan mo at uuwe rin yun pagnahimasmasan na. Ganiyan talaga ang buhay may asawa minsan hindi kayo magka intindihan pero ang importante magkaka ayos din kayo sa huli." Mahabang ani ni nanay habang hinahagod ang likod ko.

Sana nga nay. Sana nga maayos pa namin to.:(

Pinunasan ko muna ang luha ko para makakita ako ng maayos saka hinanap sa contact number ko ang number ng driver namin. Hahanapin ko siya baka ano pang mangyare sa kaniya lalo na at ang lakas pa ng ulan sa labas. Magpapasama nalang ako sa driver namin.

Hindi ako mapapakali kung paupo upo lang ako dito habang siya nasa labas at hindi ko alam kung may nasisilungan ba siya o wala.

Pagkadial ko ng numero niya ay mabilis naman nitong sinagot kaya sinabi kona agad sa kaniya na magmadaling pumunta dito.

Wala pang 15 minuto ay dumating na ito. Malapit lang naman kase ang bahay nila dito sa bahay namin kaya mabilis talaga siyang makakarating.

"Ayy naku naman iha, diba pweding tawagan mo nalang ang mga magulang niya at baka dun lang siya natulog. Dilekado na ngayong bumyahe at napakalakas ng ulan." Nag aalalang pigil pa sakin ni nanay.

"Nay, ok lang po. Mag iingat naman po kami eh. Matulog nalang po kayo at babalitaan ko nalang kayo pag nakita ko na siya." Paos ang boses na sagot ko sa matanda para hindi na ito masyadong mag alala.

"Oh siya sige, simon ingatan mo yang alaga ko at baka bangkay ka ng umuwe sa pamilya mo pagmay nangyaring masama jan." Banta pa nito kay mang simon saka may kasama pang duro. Kung wala lang sana ako sa situwasyong ito ay matatawa talaga ako sa kaniya pero mas nanaig parin talaga ang pag aalala ko kay cliff.

"Grabe ka naman manang. Parang wala kang tiwala sakin eh." Natatawang sagot naman ni mang simon.

"Lets go. We need to hurry." Sabi ko nalang saka nauna ng maglakad papuntang garahe.

"Sige mag iingat kayo ah." Rinig kung bilin pa ni nanay. Kahit kailan talaga napaka concern niya sakin, kaya mahal na mahal ko siya eh.

"Manong wagmong bilisan ang pagmamaneho baka hindi natin siya makita." Ani ko kay manong habang dinadial parin ang number ni cliff.

Sagutin muna please lang babe. Wagmo naman akung pakabahin ng ganito.:(

Ngani ngani ko ng itapon sa kung saan ang cellphone ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.

This is all my fault. Kung sana sinabi kona sa kaniya ng mas maaga pa hindi sana kami aabot sa ganito. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.:( hindi ko sana siya nasaktan ng sobra.:,(

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon