chapter 50

5.8K 156 4
                                    

This scene is before Errent/Cliff, arrived in the hospital.





"Cliff pov"




Pagdating ko sa HQ namin ay dumeretso na agad ako sa kinaroroonan ng magkapatid.

"Pakawalan niyo kami! Magkano ba binabayad sa inyo ng tomboy nayun at dodoblehin ko, pakawalan niyo lang kami!" Rinig kung sigaw ni Jerome sa loob.

Napangisi ako sa loob-loob ko dahil sa narinig. Akala niya siguro ay katulad lang ng mga pipitsugin niyang tauhan ang mga tauhan ko.

"Tumahimik ka, kung ayaw mong pakain ko sayo tong kutsilyong hawak ko!" Inis na sagot sa kaniya ni Alfonso.

"Titriplihin ko, o di kaya name your price nalang." Sagot pa ni ogok.

"Well,well,well. Wag mong igaya sa mga katulad mo ang mga tauhan ko Jerome." Biglang sulpot ko sa usapan nila bago pa siya masapak ni Alfonso na halatang nagpipigil na masaktan siya.

"Boss. Buti naman at nandito kana. Kanina pa ako katingkati na gilitan sa leeg yang gago nayan e." Salubong sakin ni Alfonso saka inambahan pa ng suntok si Jerome.

Yung kapatid naman niya ay nasa tabi lang niya na mukhang tulog pa. Nakatulog siguro sa sobrang sakit na nararamdaman niya matapos itong gawing punching bag ng mga tauhan ko.

"So ano? Gusto niyo nabang magsimula tayo sa paglalaro?" Lapit ko sa kanila at naupo sa mesang nasa harapan nila.

Sinenyasan ko yung isa sa mga kasama ko na gisingin yung isa para naman may idea siya sa gagawin ko sa kanila. Ayoko namang maging unfair sa kanila kaya magbibigay ako ng instructions.

Gulat at pabalikwas na nagising yung kapatid niya matapos siyang buhusan ng tubig nang isa sa mga kasama ko.

"What the..." Mura nito at nilalamig pang nakayakap sa sarili nitong katawan.

Hindi ko naman sila ginapos dahil ang gapos nila ay ang malaking kadena na nasa leeg nila para mag mukha silang aso. They're my pet anyway.(͡°‿ ͡°)

"Tama na cliff. Parang awa muna pakawalan muna ako dito. Si kuya naman ang may malaking atraso sayo diba, Kaya siya nalang ang parusahan mo." Lumuluhang pagmamakaawa ni Erickson.

Masama naman siyang tiningnan ng kapatid niya na sinalubong din niya ng masamang tingin. Mukhang ayos to ah. Para akung nanunood ng teleserye na sila ang mga bida. Yung bang magka away na magkapatid hahaha.

"What the fuck Erick. Kung hindi dahil sayo hindi kona sana sila gagambalahin kaso ikaw tong tanga na nagpakita sa kanila!" Ganting sigaw ni Jerome sa kapatid.

Mas ginaganahan akung panuorin sila habang nagbabangayan. It's like a music in my ears.

"Ikaw naman ang punot-dulo ng gulong to diba? Dahil sa kabaliwan mo sa babaeng yun kaya ka nagka ganiyan!" Ganti naman ni Erick.

"Oh please! Don't talk as if you don't have mistakes. Ikaw itong dahilan kaya na bank crap ang kompaniya ni dad. And because of that nagawa kung magnakaw sa share ng company ng mga Villiarille." Lintaniya naman ni Jerome.

"Sssh..ssshh.ssshh." Awat ko sa kanila kahit na gustong gusto kopa silang panuorin. "Masyado na kayong madaldal. Wag kayong magsisihang dalawa dahil pareho lang kayong nagkasala." Dugtong kopa saka kinuha ang maliit na kutsilyong nakapatong sa mesa kanina. That's one of my favorite toys.

Lumapit ako kay Jerome saka nakangising tumingin dito.

"Madali lang naman ang laro na lalaruin natin. Makinig kayong mabuti ha, dapat sumunod kayo sa instruction ok." Parang guro na sabi ko sa kanila.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon