chapter 11

9.3K 319 18
                                    

"Cliff pov"


Nakapangalumbabang nakaupo ako ngayon dito sa canteen ng school namin kasama ang bestfriend ko na lamon lang ng lamon.=_=

Nakatingin lang ako sa kaniya habang ito ay subo lang ng subo ng pagkain niya, parang patay gutom lang kase ang peg nitong bff ko. Pano kung maka subo parang aagawan.=_= Kagandang babae parang isang buwang hindi nakakain.

Napatigil ito sa pagsubo ng mapansin niya siguro na nakatingin lang ako sa kaniya.

"Bhakit ka ganiyan makathingin bess?" Tanong nito habang puno pa ang bibig nito ng pagkain. Talsikan tuloy sa harap niya yung pagkain niya ewwwwwsss. Wala talagang manners ang babaeng to promise.=_=

"Wagmong sabihing na iinlove kana sakin!"0_0 nanlalaki pa ang mga matang dugtong nito."naku bess wag ako ha, wala sa bokabolariyo ko ang mabaliko!" Ani pa nito.

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nito. Nababaliw na talaga ang isang to. Akalain ba namang may gusto ako dito e, pagkain palang niya nakakadiri na hahaha.=_^

"Ohhh anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong pa nito." Pero bess wagkang mag alala hindi naman na kita masisisi, sa ganda ko ba namang ito na pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan, I understand if may crush kana sakin." Mahanging dugtong pa nito saka nagpaypay pa sa mukha.

Feel na feel talaga niya no guys.=_"= buti nalang at matibay tong pagkakagawa ng canteen ng school namin dahil baka pag nagkataon e nilapad na ito ng hangin dahil sa bff kung dinaig pa bagyo.=_/=

Sasagot na sana ako sa mga kalokohang pinagsasabi nito at babarahin na sana siya ng mapansin kung bigla itong napatulala habang nakatingin sa likuran ko.

Kapansin pansin din ang pagtahimik ng mga estudyanteng kanina ay parang nasa palengke sa sobrang ingay.

Nagtatakang napatingin ako sa paligid at nakita silang lahat na nakatulala kagaya ng bff ko habang nakatingin sa iisang direksiyon.

At dahil sa curiosity ko na makita kung anong meron doon, tumingin ako sa bandang likod ko at nakita ang isang babaeng nakapang office attire na malamodelong naglalakad patungo sa direksiyon namin.0_0

HOLLY SHIIITTTTTT!0_0

ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?0_0

DIYOS KOPO!

ANONG GAGAWIN KOOOOOO.....

At dahil sa sari saring emosyong nararamdaman ko ay hindi kona namalayang nasa harap kona pala ito.0_0

"Come with me" maikling ani nito habang nakatingin lang sa akin? Or sa kung saan.

Hindi ko naman kase mawari dahil nakasuot ito ng dark shades kaya hindi ko nakikita ang mata nito. Pero kahit naman hindi siya nakatangin sa akin e alam ko namang ako ang kinakausap niya dahil ako lang naman ang nasa harap niya, bukod sa bestfriend kung hanggang ngayon e nakatulala parin.=_=

Hindi ako kumibo at nanatili lang akung nakatingin dito dahil sa gulat at pagtataka kung bakit ito nandito. Namalayan ko nalang na mas nilapit pa nito ang mukha niya sakin, saka inalis ang suot niyang shades.

Nahigit ko naman ang hininga ko ng mapagmasdan ang mga mata nitong kulay pula. Yum bang parang halimaw na naghahanap ng mabibiktima, ganun yun.0_0

Nang luminga ako sa mga taong nandito sa loob ng canteen para sana humingi ng saklolo, ngunit mas nakaramdam ako ng sobrang takot sa mga nakikita ko.0_0

Lahat na siguro ng pweding tumayo sa katawan ko ay tumayo na maliban sa isa down there.=_0

"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko ng lahat sila ay unti unti ng lumalapit sa akin habang tumutulo ang mga laway na parang mababangis na hayop na gutom na gutom.0_0

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon