chapter 38

7.3K 230 20
                                    



"Kelsey's pov"






"Good morning ma'am."

"Good morning ma'am."

Bati sakin ng mga empleyadong nakasalubong ko. Simpleng tango lang ang sinasagot ko sa kanila habang naglalakad parin patungo sa office ni dad. Pinapatawag daw niya kase ako, sabi ng Secretary ko.

Sigurado naman akung may kailangan na naman siya sakin kaya niya ako pinapapunta. I know him well.=_=

Hindi na ako kumatok pa at deretso ng pumasok sa loob ng office nito. Nagtaka pa ako ng makita kung nagmamadali niyang tinago sa drawer niya yung mga papeles na binabasa niya.

"What do you want?" Walang ganang tanong ko sa kaniya, pagka upo ko sa upuan sa harap niya. Diko nalang pinagtuunan ng pansin yung gulat sa mukha nito at yung mga papeles na tinago niya. Kahit naman magtanong ako ay wala lang ang isasagot niya.-_-

"Pinapasabi nang mommy ng fiancee mo na dumalaw karaw mamayang gabi sa bahay nila. They want to know you well." Walang imosyong sagot niya.

Tsk. Bakit di nalang nila i search sa Google ang gusto nilang malaman tungkol sakin. Ano pang silbe ng gadget nila. Nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Susunduin karaw ni Errent mamaya sa bahay." Ani pa nito na nagpataas ng kilay ko. Bakit kailangan pa niya ako sunduin e may sasakyan naman ako.=_= ano nalang silbe nun!-_-

"I can go there without her." Malamig na sagot ko.

Seryoso lang ako nitong tinitigan bago nagsalita.

"Let her fetch you. Besides she's your fiacee and soon to be wife." Sagot nito na seryoso lang ang mukha.

Tsk. May magagawa paba ako. Lagi naman siyang nasusunod.=_=

"If wala ka ng kailangan aalis na ako. May mga kailangan pa akung pirmahan sa office ko." Seryso ding ani ko saka tumayo.

"Ok." Maikling tugon nito.

Naglakad na ako palabas ng office niya pero bago ko paman mabuksan ang pinto ay nagsalita na naman siya ulit.

"Umuwe ka na ng maaga para makapag handa ka." Ani nito habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Animoy andun ang kausap niya.

Hindi ko nalang ito sinagot at nagpatuloy na sa paglabas ng office niya. Dumeretso ako sa office ko at minadaling tapusin ang mga papeles na dapat kung mapirmahan. Kailangan ko pang dumaan sa bar na pagmamay ari ko. I checheck ko lang kung wala bang problema dun.

...................

5:30 nang makauwe ako sa bahay. Nadatnan ko si mommy na naka upo sa sala at nagbabasa ng magazine. Hindi niya ako napapansin dahil sa nakafocus lang siya sa binabasa niya.

"Good evening mom. Your too focus on that magazine. Whats new?" Nakangiting bungad ko sa kaniya. Mukha pa itong nagulat dahil nanlaki ang mata nito.

"Nakakagulat ka naman anak. Akala ko ba late ka makakauwe?" Tanong nito pabalik saka binaba ang magazine sa table. Nakuha nito ang attention ko ng makita ko, kung sino ang laman nun. Nakaramdaman ako ng sobrang inis dahil sa larawan ng dalawang babaeng magkayakap duon.

"Baka masunog yan anak. Kawawa naman. Anyway, bakit maaga kang umuwe?" Tanong nito na may kasama  pang mapang asar na ngiti.

"Her parents invited me to join them on a dinner tonight." Sagot ko sa kaniya sabay mosyon sa larawan ng babaeng malandi na nasa magazine.

Nakita kung ngumiti ng nakakaloko si mommy saka nagsalita.

"Thats modeling Kel. Theres no wrong with that. Its her job." Malumanay na ani nito saka tumayo sa pagkakaupo nito.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon