Chapter 14

7.9K 275 18
                                    

"Cliff pov"




Hahakbang na sana ako pabalik sa kotse ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng pants ko.

Hindi naman magkandaugagang kinuha ko ito sa bulsa ko na sakto namang pagkamatay ng tawag.=_=  hayst ang gago naman ata ng caller nato.

Napansin ko namang natigil sa pag iingay yung mga kababaihang kanina'y nagtatawanan kaya dahan dahan akung lumingon sa kinaroroonan nila.

Nanlalaki ang mga mata ko ng makita silang lahat na nakatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung nagpipigil ba silang tumawa or natatae dahil sa mga mukha nila, maliban sa Kay bruha na parang wala lang sa isang tabi.

"Ah..eh.. sorry sa distorbo. Sige ituloy niyo na yung kasiyahan niyo." Nahihiyang sabi ko sa kanila.

Nakakatense po mga tol yung sitwasiyon ko ngayon. Pano ba naman parang ako na yata ang pinaka weird na tao sa mundo sa klase ng mga tingin nila.=_=

Hindi kona hinintay na may sumagot pa sa kanila dahil mukhang wala naman silang balak. Nakatingin lang kase sila sakin. Alam mo yun naiilang ka sa hindi malamang dahilan. Ganun yung pakiramdam ko sa mga oras nato.=_=

Hahakbang na naman sana ako ulit pabalik kung saan ako nanggaling, pero hindi sa nanay ko ha? What I mean is sa kotse nalang siguro ako maghihintay kay bruha.

"Wait!" Nabitin ang paghakbang ko, ng isa sa kanila ang sumigaw ng 'wait!'

Tumingin ulit ako sa gawi nila and to my surprise they are all smiling except sa Kay bruha na seryoso paring umiinum ng alak sa baso niya. Wow ha! Parang wala ako dito no.

Oh bakit, gusto mo bang salubungin kapa niya ng kiss or di kaya hug?=_=

Ewww! NO! That's not what I mean, pero kase parang... hayst wala!

Nakikipag usap na naman ako sa bwisit na ego ko, nakakaloka.=_=

"You must be Cliffer, right?" Tumayo pa sa upuang tanong sakin nung isa sa kanila na may berde ang buhok.

Tumingin ako sa likod ko pati narin sa magkabilang gilid ko para siguraduhing ako talaga ang kinakausap niya. Malay natin may kapangalan lang akung naligaw dito edi ako ang pahiya,=_= sayang kapogihan ko no.

"A-ako?" Turo kopa sa sarili ko ng masiguradong wala talagang tao sa likod ko pati narin sa magkabilang gilid ko.

Nagkatinginan naman silang lima, except parin kay bruha, saka humagalpak ng tawa?●'_0 Anong nakakatawa sa tanong ko?●_0

"Tsk! Tanga." Kahit na mahina lang iyon ay narinig ko parin ani ni bruha kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko itong umiinum ng wine sa baso niya na parang walang sinabi na kahindikhindik. Hindi naman na ito narinig nung mga kasama niyang panay parin ang tawa.

Anong nangyare sa mga to?=_'=

Sinapian naba sila ng espirito ng kabaliwan?

"Are you crazy? May nakikita kabang ibang tao na hindi namin nakikita?" Tanong naman nung may pula ang buhok kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

So ako pa ngayon ang baliw? E sila nga itong tumatawa nalang bigla ng walang dahilan.=_=

"We're talking to you, your Cliffer right?" Nagpipigil sa tawang tanong ulit nung nagtanong din kanina.=_= bakit kase pinipigilan pa? Hindi nalang maglupasay sa sahig para matapos na.=_= nasabi ko nalang sa loob loob ko.

Kunot ang noong tumango nalang ako sa tanong niya, baka mahawa pa ako sa kabaliwan ng mga to. Bakit kaya lahat nalang ng closed ng bruha nato nagiging katulad niya no?=_'=

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon