chapter 23

7.3K 273 13
                                    

JËÄŁŐŰŠ ŤÏMË......

"Cliff pov"

Naiinis na naka masid lang ako ngayon sa dalawang taong naglalandian sa harap ko.=_= oo naglalandian talaga, kahit pa sinabi na nila sakin na bff lang daw silang dalawa. May mag bff ba na todo kung maka asikaso sa isat isa?-_- tsk baka kamo naglalandian na sila. Parang wala ako sa harap nitong bruhang to e. Sino ba asawa dito? Diba ako!? AKO!=_=

"Baka masunog na yang dalawa kakatingin mo jan ng masama sa kanila." Bulong sakin ni Gal.

Siya kase yung katabi ko. Anyway kasalukuyan kami ngayong kumakain ng breakfast namin. Oo dito pala kami hanggang bukas. Di ako na inform yan tuloy isa lang nadala kung damit, e kung na inform ako sana dinala ko nalang yung bag ko. Tsk mga makasarili kase tong mga to, lalo na yung isa jan na parang wala ng pakealam sa paligid. Landi lang ng landi tsk.=/=

Awatin niyo nga ako. Manununtok ako ng chonggo dito pag di ako nakatiis.-_-

"Magdamoves ka narin kase para mapansin ka." Dugtong pa nito na dahilan para napatingin ako sa kaniya. Napaatras naman kaagad ang mukha ko ng mapansing sobrang lapit na pala ng mukha niya sakin na ikinangisi naman niya. Ano na namang ngini-ngisi nito tsk.=_=

"Boggs!" Napatingin naman  kami Kay bruha ng bigla nalang nito binagsak ang kamay sa mesa na gumawa ng may kalakasang ingay.

"Sorry, PINATAY ko lang Kase yung  MALANDING LANGGAM DITO. Nangangagat kase eh!." Madiin ang pagkakasabing hingi niya ng sorry. Pero habang sinasabi niya yung mga salitang yun ay sakin lang siya nakatingin, kaya feeling ko ako yung pinagsasabihan niya.●_'●

Nakatingin lang naman sa kaniya yung iba na parang hindi makapaniwala. Yung chunggo naman na katabi niya ay nagtataka ring nakatingin sa kaniya. Ano na naman kayang problema ng isang to?=_=

"O-ok?" Ani ni ate Farra sa patanong na sagot saka bumalik sa pagkain.

"Tsk jealous time." Mahinang bulong ni Gal saka nakangiting bumalik na sa pagkain.

"Ano?" Mahinang tanong ko dito saka medyo lumapit sa kaniya.

"Wala ang sabi ko, bumalik kana sa pagkain mo at baka di kana sikatan ng araw bukas." Sagot nito saka nginuso ang kinaroroonan ni bruha.

Napatingin naman ulit ako dito. Muntik pa akung mabulunan ng makitang ang sama parin talaga ng tingin nito sakin habang hawak ang tinidor ng sobrang higpit. Buti nalang talaga wala pang laman ang bibig ko kung hindi,  baka ako na ang pinaka una unahang namatay dahil sa nabulunan. Saka feeling ko talaga parang gustong gusto na niyang isaksak sakin yung tinidor na hawak, promise.●'_●

"Hey babe,......I-i mean Kel, are you ok?" Tanong ni chunggo kay bruha. Napataas naman ang kilay ko ng tawagin niyang babe si bruha. Napansin ko namang napatigil yung iba sa pagkain nila at napatingin kay chunggo. Si Mitch lang at Mirra yung parang nag aagawan lang ng pagkain at walang pakealam sa nangyayare sa paligid nila.

"Ye-yeah, I'm ok." Ngumiti pa ng matamis na sagot niya kay chunggo. Wow ha kanina hindi na maipinta ang mukha tapos napatingin lang kay chunggo nakangiti na ng matamis. Tsk lalandi talaga.-_-

Hindi ko nalang pinansin silang dalawa dahil bumalik na sila sa paglalandian nila, kaya kahit hindi ko malasahan yung kinakain ko e pinilit ko nalang ang sarili kung kumain at hindi narin tumingin pa sa gawi nila hanggang sa matapos kaming kumain ay tumahimik  nalang ako at baka makapatay pa ako ng dis oras. =/_=

Pagkatapos naming kumain ay naghiwahiwalay na kaming lahat at nagtungo sa mga silid na naka laan para samin. Magpapalit muna daw kami at Maya maya ay aalis na kami at mamimitas ng mga prutas sa farm.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon