chapter 6

10.8K 392 18
                                    

"Cliff pov"


Ringggggg.........

Nabalik ang aking isipan sa realidad ng marinig ko ang tunog ng bell. Hudyat iyon na ang huling klase namin sa umaga ay nagtapos na.

Kakabalik kopa lamang sa paaralan ngunit ni isang paksa na itinuro sa amin ng mga gurong pumasok ay hindi ko man lamang naintindihan, dahil sa layo ng mga iniisip ko.

Iniisip ko kase kung sasabihin ko ba sa bestfriend ko ang katotohan kung bakit ako nawala ng dalawang linggo o ililihim ko na lamang ito.

Natatakot kase ako na baka pagnalam niyang ikinasal na ako ay magtampo ito. Mahirap pa namang suyuin ang isang to. Tapos ay chismosa pa, baka ikalat pa niya.=_=  

May tiwala naman ako sa bff ko pero kase hindi ko lang talaga maiwasang mag over think lalo na at masyadong kilala ang babaeng napangasawa ko at isa pa pag mamay ari din nila itong paaralan kaya hindi malabong kilala din siya ng mga studyante rito.

Saka isa din sa kinakatakot ko ay baka kapag nalaman ng mga malalapit kung kaibigan ang tungkol doon o nitong bff ko ay bigla nalang silang magbago sa pakikitungo sa akin. Ayokong mangyare yun kaya, siguro ay mas makakabuting ilihim ko na lamang ito.

Dali dali ko ng inayos ang mga gamit ko at isinilid ito sa bag ko.

"May problema kaba bess,  para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina at pati pagtawag sayo ni ma'am e hindi mo man lang pinansin." May pag aalala sa mukhang tanong sakin ng bff ko.

Nagtaka naman ako, so ganun na pala talaga ka lalim yung iniisip ko at pati teacher e hindi ko man lang napansin.

"Ah, bess, wala naman yun. Iniisip ko lang kung San tayo kakain." Medyo alanganing sagot ko sa kaniya.

Mukha naman itong hindi kumbinsido pero hindi nalang siya nagpumilit pang magtanong at hinila nalang ako palabas ng classroom.

"Sa canteen nalang tayo, hindi kase ako nagbaon e, saka yung tatlong itlog e hindi raw makakasabay dahil may pupuntahan paraw sila." Tukoy niya sa tatlo naming kaibigan, habang hinihila na ako papunta sa canteen ng school.

"Siya nga pala, alam naba nilang nakabalik kana?" Tanong pa nito saka binitawan na ako at may kinakalkal na naman sa bag niya.

"Hindi panga e, pero tatawagan ko nalang siguro sila mamaya." Sagot ko sa kaniya sabay kuha ng mga librong dala nito. Nahihirapan na kase itong dalhin ang mga yun dahil sa may kinakalkal nga siya sa bag niya. Kung ano yun, ambot nalang sa kaniya.=_=

Pagdating palang namin sa entrance ng canteen ay nagawi na sa amin ang tingin ng mga taong kumakain sa loob. Hindi ko alam kung sa akin ba sila nakatingin or sa bff ko pero sa amin talaga sila nakatingin.●'_●

Hinila nalang ako ng bff ko paupo sa isa sa mga table roon at pinaupo na ako doon. Siya nalang daw ang oorder ng kakainin namin kaya tumango nalang ako sa kaniya.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob nitong canteen. Sa tanang school year  ko kase dito e naka isang beses lang ata akung napadpad sa canteen nato.

Hindi pa maganda ang first enter ko dito dahil, dahil sa katangahan ko ay nabangga ko lang naman yung isa sa pinaka sikat na student dito na si Maxine, kaya mula noon ay hindi na natahimik ang buhay mag aaral ko dito. I really, really regret that day.=_=

Minsan napapaisip nalang ako kung canteen ba talaga ito or exclusive restaurant dahil sa, bukod sa masasarap nitong pagkain ay puro mayayaman ang kumakain dito.

Yung mga scholar kase katulad ko ay may sariling canteen, unless may kaibigan kang yayamanin at sinama ka dito. Hindi niyo kase natatanong may pagka sikat din tong besty ko dito dahil, bukod sa mayaman na, student president pa.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon