chapter 1

47.2K 727 87
                                    

•••••••••••

Nakatanaw ako ngayon sa napaka gandang tanawin sa aking harapan habang nag iisip ng malalim kung pano ko haharapin ang sitwasiyong ngayoy aking kinalalagyan.

Hindi ko naman ito pweding talikuran na lamang ng basta basta dahil makapangyarihan ang pamilyang aking babanggain kapag nagkataon na ginawa ko iyon.

Wala akung magawa kung hindi ang sumunod nalang sa anumang kagustuhan nila dahil yun ang nararapat upang maging malaya ang mga mahal ko sa buhay.

Ako nga pala si Cliffer Marv 18 years old. Mayaman kami dati pero dahil sa isang malaking pagkakamali ng aking ama ay nalugmok kami sa utang na naging dahilan upang mapunta ako sa sitwasiyong ito.

Nag aaral ako sa isang sikat na eskwelahan na pag mamay ari ng mga Villiarille na isa sa pinagkakautangan ng aking ama.

My father is Clifton Marv. Isa siya dati sa magagaling at tanyag na business man sa pilipinas at maging sa ibang bansa. His a pure American.

And my mother is Carmen Yuni Marv. She's half Korean and half Filipino. Dati itong model ngunit pinatigil siya ng aking ama noong pinagbubuntis niya pa ako.

May dalawa akung kapatid na kambal sina Clifferd and Clarkson. They are 12 years old. Makulit ngunit mababait na bata. Nag aaral din sila sa school na pinapasukan ko kaya sabay sabay din kaming pumapasok sa paaralan.

Nabasag ang malalim na pag iisip ko ng makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwartong pinagbihisan ko.

Lumapit ako dito at binuksan ang Sino mang kumatok doon. Bumungad sa akin ang isang lalaking naka full black at may suot na itim na salamin.

"Sir, lumabas nadaw po kayo" magalang na sabi nito.

"Sige susunod ako" sagot ko dito kaya tumalikod na siya at bumalik sa kung saan man siya galing.

Pumasok ako ulit sa loob at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Napabuntong hininga ako at inayos ang maikling buhok ko pati narin ang necktie ko ay inayos ko narin para magmukha akung representable sa paningin ng mga bisita na naghihintay ngayon sa venue ng kasal.

Anyway I'm a certified lesbian. Since bata pa ako ay ganito na talaga ako. Tanggap naman ako ng mga magulang ko na ganito ako kaya sobrang nagpapasalamat ako na sila ang naging magulang ko.

Lumabas na ako at nakita sa may labas ng elevator ang lalaking kanina ay kumatok. Halatang hinihintay nito Ang paglabas ko kaya ng matanaw niya ako ay yumuko ito bilang paggalang saka binuksan ang elevator. Akala ko umalis nato e.

Tumango rin ako sa kaniya saka pumasok sa loob kaya sumunod nadin ito at tumayo sa likod ko sa gilid. Bumukas ulit ang elevator kaya lumabas na ako. Nakasunod naman sa aking likuran ang bodyguard na sumundo sa akin.

Lahat ng nadadaanan namin sa hallway ng hotel ay napapatingin sa gawi namin or it's better to say sa akin. Pansin ko ang paghanga sa mga mata ng mga kababaihan samantalang pagkainggit naman ang nakikita ko sa mga mata ng kalalakihang nagagawi ang tingin sakin.

Hindi ko sila masisisi, hindi sa pagmamayabang pero parang ganun narin. Sabi ng mga magulang ko ay napaka gwapo ko raw kaya hindi halatang lesbian ako.

Namana ko sa tatay ko ang ilong kung matangos at ang mata kung kulay asul. Namana ko naman sa nanay ko ang makinis na kutis at maninipis na labi. Kaya hindi na katakatakang maganda ang lahi ko dahil maganda at gwapo naman ang mga magulang ko.

Nang makarating kami sa tabi ng dagat na pagdadausan ng seremoniya ay lahat din ng tingin ng mga bisita ay nakatutok sa kinaroroonan ko.

"Omg! His so handsome. Sana kasing gwapo rin niya mapangasawa ko"

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon