chapter 22

7.4K 261 17
                                    

"Cliff pov"





Naghahanda kami ngayon ng mga dadalhin namin dahil ngayon daw kami mamamasyal sa hasyenda nina Mitch. Oo guys dito rin pala sa kabila nitong resort matatagpuan ang hasyenda nila. Akalain mo yun sa kabila hasyenda tapos resort naman sa kabila, ang talino naman ng naka isip no.

Nalaman ko rin na sa hasyenda nila rin kinukuha ang mga gulay at prutas na inihahanda sa mga resto dito para makasigurado raw silang fresh at walang halong kemekal ang mga to, for the safety of their customers. Oh diba, mapapasana all ka nalang sa sobrang alaga nung may ari diba.^_●

Anyway guys back to reality tayo, isang damit lang ang dinala ko, pamalit kolang kung sakaling pagpawisan ako duon ng sobra. Sabi kase ni Mitch ay tutulong daw kaming umani ng prutas doon kaya talagang pagpapawisan kami diba?^_^

"Cliff ready kana?" Nakadungaw sa pinto na tanong ni Catherine. Ngumiti ako dito sabay tango bilang sagot sa tanong niya. Muli narin itong lumabas kaya sinuot ko na ang maliit na frontbag na dala ko. Syempre isa lang naman ang dala kung damit kaya ito lang, kasya naman e.

Lumabas narin ako at nadatnan sila na naghihintay sa sala habang may mga dalang backpack na medyo may kalakihan?●'●

Magbabakasyon ba sila don? Bakit parang pang dalawang lingguhan na yung mga dala nila eh? Di ako inform.=_=

"Yan lang dala mo?" Maarteng tanong ni Mirra sabay turo sa bag ko.

Nagtataka naman akung nakatingin lang sa kanila na nakatingin din sakin na parang hindi makapaniwala?=_●

"O-Oo?" Patanong na sagot ko sa kaniya saka alanganin pang ngumiti.

"Tsk" rinig kung ani ni bruha. Wow ha kala niya siguro hindi ko siya narinig no tsk..tsk ka jan.='x=

"Let's go, baka gabihin pa tayo dahil sa katangahan ng isang yan." May irap pang ani nito ulit saka nauna ng maglakad. Ngayon ko lang napansin na mukha siyang teenager sa ayos niya ngayon.

Naka over size t-shirt siya ngayon tapos short na maiksi naman ang suot nitong pambaba. May suot din siyang bonnet na talagang nagpa cute sa kaniyang tingnan.

"Baka matunaw." Rinig kung bulong sa tenga ko. Bigla naman bumalik ang kaluluwa ko na lumipad dahil sa narinig ko.

"A-ah..a-ah?"0_0 Natatarantang tanong ko saka napatingin sa taong bumulong sa tenga ko na ngayon ay may ngising nakapaskil sa mukha nito.●_●

"Sabi ko tara na at baka iwanan na nila tayo." Nakangisi parin nitong ani saka nauna ng maglakad palabas.

Tsk. Gogong na Xan yun. Anong akala niya tinititigan ko si bruha? Ewww never tsk.=_^ saka napansin ko rin guys na parang ako lang ang kakaiba ang suot sa kanila. Pareho kase silang lahat ng style ngayon, pero kulay lang ng mga damit nila ang magkakaiba.●'_●

Ako kase ay naka suot ng polo shirt na pinaresan ko ng brown short na hanggang tuhod, tapos nagsuot din ako ng sumbrero para hindi mainitan mamaya. Sabagay ako lang naman ang nilalaki sa kanila kaya ako lang ang kakaiba hahaha...^_^

At bago pa nga nila ako iwanan dito ay sumunod narin ako sa mapang asar na Xan nayun. Ayokong maiwang mag isa dito no.

Paglabas ko ay nadatnan ko silang lahat na nakatayo habang may kaniya kaniyang ginagawa. Napansin naman ako ni Gal kaya lumapit siya sakin.

"Pano mo natitiis kasungitan niyang asawa mo?" Bulong na tanong nito habang nakatingin ng masama kay bruha. Mukhang nabadrip na naman ito dahil dun sa isa.

"Ikaw, pano mo natitiis yang kamalditahan niyang bestfriend mo?" Imbis na sagutin ay tanong ko na lamang pabalik. Hindi ko rin naman kase alam kung pano ko natitiis yang kademonyuhan niyang bruha nayan.=_=

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon