chapter 2

18.3K 520 63
                                    


Salamat sa pag hihintay! Sana bumalik na sayo yung ex mong Mahal na mahal mopa!^_^



"Cliff pov"

Pagkatapos ng selebrasiyon sa mansiyon ng mga Villiarille dito rin sa bansang ito, ay nagtungo na kami sa honeymoon place namin kuno,nitong babaeng katabi ko na tahimik lamang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin narin sa labas ng bintana. Alam kung malayo na kami sa lugar ng mansion nila  dahil puro taniman nalang tong nadadaanan namin sa gilid ng kalsada.

Maya maya pa ay tumigil na ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay na napapalibutan ng ibat ibang uri ng bulaklak. Ang ganda nitong tingnan lalo pa at may mga hindi kalakihang kahoy ang nakatayo malapit dito na nagsisilbing silong sa may viranda ng bahay.

Pinaghalong puti at gray ang kulay ng bahay na bumagay sa mga bulaklak sa garden nito. Hindi na ako magtataka kung isa rin ito sa pag aari ng babaeng to.

Pinagbuksan siya ng driver dahil nauna na akung lumabas para pagmasdan lang itong magandang bahay sa harap ko.

"Ma'am if you need something just call me and I will come no matter what hour is it" magalang na paalam ng driver saka ito yumuko pa sa amo niya.

"Thank you, you can go" wala man lang kangitingiti na sagot nitong isa. Parang plastic lang yung thank you e, wala man ngiti kahit konti.

Tumango rin sa akin yung driver saka ito pumasok sa kotse at umalis na sa lugar nayun.

So?

Iniwan niya talaga akung mag isa sa babaeng to?

Mamaya katayin pa ako nito ng buhay e.

"Ano pang tinatanga tanga mo jan, papasok ka o pasasagasaan kita jan?" Masama ang tingin na sabi nito sakin saka ako tinalikuran para pumasok sa loob. See? Dimuniyu talaga itong babaeng to na nagbabalat kayong magandang binibini.=_=

Grabe naman tong dimuniyong to. pasasagasaan talaga ako no tsk.

Sumunod nalang ako dito. Baka mamaya tutuhanin niya, ay naku mababawasan ang gwapo sa mundo pagnagkataon. ^_-

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay ay sobrang namangha ako sa mga nakikita ng cute kung mata(sige try niyong umangal pakakasalan ko kayo! Hehehe charr baka kayo unang malibing ng babaeng to kesa sakin hahha).

Sino ba namang hindi ma mamangha kung sa loob nito ay puno ng paintings ng ibat ibang uri ng bulaklak. Di naig pa nito garden namin sa school nung elementary palang ako.

This house is beautiful, nagmana rin sa may ari no, kaso may topak nga lang yung may ari, yun lang hahaha.

Sa sobrang busy ng mata ko sa paglilibot ay may isang painting ang naka agaw ng pansin ko. Bulaklak din ito, ngunit mapapansin mo talagang kakaiba siya.

Panong hindi kakaiba e, dalawang uri ng bulaklak ang nakapaint dito, ngunit isa lamang ang katawan nito, so sa tingin ko ay may malalim itong ipinapahiwatig patungkol sa pintor nito.

Hahaplusin kona sana ito, ngunit hahawakan ko pa lamang ito ng may humawak sa kamay ko na nagdulot ng parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa mga kamay nito.

Hala! Ano kaya yun?

May lahi bang electric itong humawak sakin?

Napabitaw ako dito ng mabilis dahil hindi rin mapakali ang puso ko sa loob ng ribs ko. Parang gusto nitong lumabas mula roon dahil sa lakas ng tibok nito.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon