chapter 4

12.5K 396 9
                                    

"Cliff pov"

Kasalukuyan ako ngayong nakasimangot na nag aayos ng mga gamit ko dito sa kwarto namin dahil sa ngayon ang uwe namin sa pinas.

Hindi sa ayaw ko pang umuwe sa pinas kaya ako nakasimangot, ang dahilan kase ng maaga kung pagkabadrip ay dahil sa halimaw kung asawa. =_=

Isama mo narin yung feeling maganda niyang alalay na si vallery daw ang pangalan, if i know balariya ang tunay niyang pangalan medyo pina susyal lang niya."_=

Panong hindi ka mababadrip kung kaaga aga e, pinagtripan ka nung dalawa.

Yung asawa ko kasing halimaw ay nilagyan lang naman ng powdered sili yung kape ko tapos yung magaling niyang alalay na si balariya e puro may sili yung niluto ngayong agahan.

Hindi pa naman ako nakakain kagabi kaya gutom na gutom ang peg ko, tapos ang sasarap pa ng luto nung unggoy kaya yun agad agad na akung sumubo, yun pala may lason na yung mga kinakain ko.=_=

Para po kase sa kaalaman niyo e hindi ako kumakain ng sili dahil nga sa maanghang.

Alam niyo bang sobrang nahirapan akung alisin sa bibig ko yung anghang nung sili. Halos lunurin ko nanga ang sarili ko dun sa may lababo para lang maibsan man lang yung sakit.

Yung dalawa naman ay parang mga sinapian ng maligno dahil sa kakatawa. =_=

Actually, first time kung makitang tumawa yung halimaw kung asawa pero hindi ko nalang pinansin dahil sa nakafocus ako sa bibig ko na parang nag aapoy na sa sobrang anghang. ●0●

Kaya hindi niyo ako masisisi kung kay aga aga palang e nakasimangot na ako.=_/ sisihin niyo yung dalawang halimaw sa bahay nato para naman matuto na sila na hindi magandang inaapi kaming mga gwapo.+^_=

"Ah eh ser, pinapasabi po ni señorita na aalis nadaw po tayo." Nag angat ako ng ulo sa taong nakatayo ngayon sa pinto ng kwarto namin.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil mahahalata mong nagpipigil itong tumawa.

"Hindi moba nakikitang nag aayos pa ako, kung gusto niyo mauna na kayo ng boss mong maldita, magsama kayong mga dumunyu kayo." Pabalyang sagot ko dito, pero syempre bulong lang yung huli baka hindi ako makauwe ng pinas pagnagkataon.

"Ayyy grabe siya, napag utusan lang po ser" nakangisi pa nitong sagot kaya mas lalo akung nairita.

Babatuhin kona sana ito ng sapatos pero mabilis pa sa pagong este kabayo na tumakbo ito palabas.

"Argghhh.... nakakairita talaga ang buhay nato. Nakapangasawa ka naman ng maganda at mayaman, may sa satanas naman ang ugali, nakaka stress!" Himutok ko mag isa sa loob ng kwarto saka sinukbit sa balikat ang bag ko at lumabas na ng kwarto, baka mamaya totohanin ng mga lamang lupa nayun ang sinabi ko.=_=

Paglabas ko ng bahay ay bigla akung kinabahan ng todo ng wala akung makitang sasakyan sa harap ng bahay.

So tinutoo talaga ng bruhildang yun, yung pagdadrama ko,●_'●

maiiyak na sana ako pero joke lang, ng may bumusinang sasakyan banda sa unahan ko at natatakpan nung isang puno. So pinagtripan na naman ako ng mga halimaw nayun.=_=

Nagpapadyak na naglakad ako papunta sa kotse at padabog na pumasok sa loob.

Nagpipigil ang ngiting nakatingin sakin yung dimuniyung alalay ng asawa ko tapos yung halimaw ko namang asawa kuno ay seryoso pero mahahalata mong natutuwa din sa trip nila.

Ang sarap nilang pag untuging dalawa promise. Sila din kase ang magkatabi sa backseat tapos kami naman magkatabi nitong si manong driver na napapangiti din. Isa pato e, dumagdag pa sa mga halimaw nato.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon