Chapter - 28

3.9K 139 17
                                    

Lee

"Oh anong meron at magkasabay kayo ni Lance pumasok?" Pagbungad ni Yuri sa akin habang ako'y papaupo sa tabi niya.

"Nakiusap sa akin na dun daw ako matulog at wala daw siyang kasama sa bahay." Paliwanag ko naman dito na tinaguan niya lang. "Ikaw? Kamusta yung company niyo?" Pagiiba ko naman ng topic.

"Sa totoo lang, di ko alam ang magiging kinabukasan ng companya namin. Natatakot ako hindi para sa amin kundi sa pangalan ng companyang itinatag pa ng lolo ko. Dugo at pawis ang ginugol niya para don." Saad ni Yuri na may bahid ng kalungkutan.

"Do you want me to help?" Pag o-offer ko pa.

"Hindi na. Kaya nsman sigurong lusutan to nila Papa. Ill ask for your help nalang if hindi na talaga kaya." Sagot niya. Nginitian ko ito at sakto namang dumating ang proff namin sa unang klase.

Wala namang masyadong kaganapan ang nangyari sa buong araw ko. Naibigay na rin sa akin ni Bernadette ang schedule para sa event next week. Ang naka toka lang sa akin ay ang dalawa kong pinsan. Sa iba na binigay ni Bernadette ang lugar kung saan gaganapin ang meet and greet.

Pagkauwi ko sa apartment ay agad kong sinend ang schedule at kung anong oras sila pupunta. Um-oo naman silang dalawa kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

______

Araw na ng Event at lahat ng estudyante ay aligaga sa kanya kanyang pakulo. Matao ngayon ang Quadrangle, maraming booths ang nagbebenta ng kung ano-ano. Pero kami ang may pinaka unique na pakulo.

Sa nagdaang tatlong araw ay wala akong naging balita sa mga pinsan ko kung anong gagawin nila. Ang sabi lang sa akin sa Wednesday ay si ate Misha muna then Thursday si Argo then on friday silang dalawa. Sila na daw bahala sa performance nila.

Wala din naman akong magawa. Maybe it's an artist thing??? Sa loob din nang tatlong araw na yun ay puspusan kaming nagbenta ng ticket para sa meet and greet. Yung iba akala nila scam pero yung ibang die hard fans ay binili ang pinakamahal na ticket.

"Atkin! Anjan na ba si Ms. Misha?" Bungad sa akin ni Bernadette ng siya'y makapasok sa auditorium. Kakatapos lang siguro nilang mag paskil ng meet and greet banners sa labas.

"On the way na daw. Mag cha-chat nalang daw siya kung andito na." Sagot ko naman.

"Sige! Tulungan ko lang sila itayo yung reception area." Sabay labas.

Dito namin sa Auditorium binalak ang meet and greet dahil maluwang ito at kayang umokyupa ng maraming tao. May dalawa din itong palapag. Ang siste ay ang mga bumili ng Bronze ticket ay sa itaas, ang Silver naman ay sa likod ng mga bumili ng Gold ticket sa unang palapag. Yung bumili naman ng VIP ay dun mauupo sa Pit na ginawa namin.

Lahat sila ay may chance na makipag picture at makipag kamayan. Yun nga lang limitado ang oras at tao ang pwedeng makihalobilo. Ang Bronze ay binibigyan namin ng dalawang minuto kada sampung tao, ang Silver ay limang minuto kada pitong tao, ang Gold ay walong minuto kada apat tao at ang VIPs naman ay binibigyan ng sampung minuto kada dalawang tao.

"Misha! Misha! Misha!" Hiyawan ng mga estudyante sa labas. Marahil ay dumating na ito kaya naman nagkakagulo na sa entrada ng school.

Yung mga na atasan bilang bouncer at ushers ay sinalubong ito pababa ng sasakyan upang macontrol na rin ang mga fans ni ate Misha.

Kumaway naman ito sa kanila at nag nakipag selfie na rin sa iba pang estudyante. Iba talaga ang buhay artista. Hassle!

"Ate!" Pag bungad ko ng makasingit ako sa kumpulan ng mga tao. Nginitian naman niya ako pabalik nang ako'y makita.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now