Chapter 7 - [Bad mood]

11.8K 358 16
                                    

Chapter 7

It was already 4 in the afternoon ng magising ako at wala pa si Earl sa bahay kaya I decided to re-heat ung ulam na niluto niya kaninang lunch. Habang pinapainit ang ulam at ung kanin ay di ko maiwasang isipin ing mga nangyari kagabi kila Yuri. Si Lance ay may pag asang ma inlove sa kapwa lalake, si Gelo na may gusto sa akin. Isama mo na rin ung pagiging pet ko kay Lance for the whole semester! Ugh. Ang bilis ng araw and a lot of things happened.

Nang matapos kong ipainit ang ulam at kanin ay agad naman akong kumain para masimulan ko na ung mga homeworks ko. Habang nag huhugas ng mga ginamit kong plato ay biglang nag ring ang phone ko.

09062750*** calling

Hmmmm. Sino kaya to? Siguro si Gelo?

"Hello? Gelo?" Tanong ko habang binabalance ang phone sa balikat habang nagpupunas ng kamay.

"Its been a day nung naghiwalay kayo ni Gelo and you seem to already miss him." Sagot ng boses na napaka lalake sa kabilang linya.

"Wait who's this?" Tanong ko ulit.

"Tsk tsk tsk. Its not a good thing to talk to your master like that."

"Omg Lance?! Where did you get my freakin' phone number?!" Sagot ko sa kanya at medyo napataas ang boses ko.

"As my pet you should know better that sooner or later I need to contact you."  Sagot niya sa tanong ko.

"Oo na. I get it na but you dont need a freaking pet, you need a yaya that you can call anytime!"

"Aanhin ko naman ang yaya? Mas gugustuhin ko pa ang alaga kong aso kasi loyal ito."

"Aba! Ginawa mo pa akong asong leche ka!"

"Yes your a dog but not just any dog, youre a pet of Lance Anthony Marquez!"

"Is that supposed to make me feel special?"

"Well, it depends on how you take it."

"Hayyys. Bat kaba kasi tumawag!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.

"I need you here sa school. May ipapagawa ako sayo." Pag uutos niya sa akin.

"Huh? Wala akong pasok ngayon at wala akong planong pumasok ngayon!"

"Papahirapan kita o pupunta ka sa school?"

"Oo na oo na. Just give me 30 mins and i'll be there! Nasaan kaba kasi ngayon?"

"Nandito ako ngayon sa cafè sa loob ng school. Be here or else."

"Oo na oo na. You dont have to remind me twice!" Kasabay nun ay ang pag end call ko sa kanya. Hmmm. Ano bang kailangan nito sa akin? Kaya naman pagkatapos kong iligpit ang mga gamit na pinagkainan ko ay naligo na ako at nag palit ng pang civilian dahil linggo naman ngayon. Wait. Linggo? Wtf linggo?! Pinapapunta niya ako sa school kahit linggo?! Dahil sa pag ka irita ko ay tinawagan ko si Lance at agad niya namang sinagot ang tawag ko.

"Hoy! Shuta ka! Pinapapasok mo ako sa school kahit linggo?!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Oh? May problema ba tayo? Kung meron man, sabihin mo na ng maaga para naman mapahirapan kita."

"O siya siya. Pupunta na ho." Pagkababa ko sa tawag ay sunod ko namang tinawagan si Earl dahil nakauniporme siyang umalis. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot din naman ito.

"Oh? Bat ka napatawag?" Tanong ni Earl sa kabilang linya.

"Damuho ka. Nasaan ka ba ngayon? Linggo ngayon pero may pasok ka?" Pagtatanong ko sa kanya habang kinukuha ko ung bag ko na maliit.

"Oo nstp kasi namin baliw." Sagot niya.

"Ahhhh ok ok. Sige na. Baka mag kita tayo jan sa school ngayon." Sagot ko sa kanya na siya namang ikinabigla niya batay duon sa boses niya.

"Pupunta ka dito sa school kahit wala ka namang pasok at linggo ngayon?"

"Oo. May gagawin lang naman akong sandali jan."

"Osige sige. Text ka nalang mamaya after mong gawin ung mga dapat mong gawin dito sa schoo. Okay?" Utos ni Earls sa akin na siya namang kinaikot ng mata ko pagkatapos nun ay chineck ko ung mga mahahalagang gamit ko katulad ng pera at susi at nilagay ko ito sa bag na dala ko. After kong lumabas at ma lock ang pinto ay nilakad ko na ang daan papunta sa school.

Pagkatapos ng dalwang kanta ay nakarating na ako sa tapat ng gate ng school namin. Papasok na sana ako ng bigla akong sinita ni maong guard.

"Psssst, oi! Linggo ngayon at walang pasok. Pwera nalang kung may nstp ka ngayon." Pagsita sa akin nung guard with mathing turo ng stick.

"Ahhh kuya. May pinapagawa po kasi sa akin ung friend ko. Nanjan po siya ngayon sa loob ng cafe" pag rarason ko kay manong guard. Sana naman kagatin niya ung rason ko.

"Hindi po pwede ee. Bawal po ang estudyante pag linggo." Sagot niya sa akin sabay upo duon sa booth nila.

"Hala. Pero kailangan ko po talagang pumasok ngayon ee." Pag mamakaawa ko kay manong gurad.

"May nstp ka ba ngayon?" Tanong ni manong guard.

"Wala po" sagot ko naman.

"Pinapapunta ka ba ng dean niyo?" Tanong niya ulit.

"Hindi po"

"May nagpapapunta ba sayo na proffessor mo?"

"Wala po"

Magbabayad ka ba ng tuition?"

"Hindi po"

"Ee wala kanaman palang importanteng gagawin dito ee bat ka pa papasok?"

"Pinapapunta po kasi ako ng friend ko dito dahil may pinapagawa po siya sa akin." sagot ko ulit sa kanya na tila ba nawawalan na ako ng pag asa at tuluyang gawing miserable ang buhay ko ni Lance.

"Ano bang gagawin niyo dito sa loob ng campus?"

"Hindi ko po alam ee, basta po ang sabi niya sa akin pumunta nalang daw ako dito sa loob ng campus para makausap siya."

"Naku hijo. Hindi talaga kita mapapapasok kung hindi naman importante ang gagawin mo. Tsaka pakisabi nalang din sa friend mo na dapat may waiver ka or kahit anong patunay na pwede kang makapasok ngayon."

"Hala sige na nga po" sabi ko kay manong guard aakma na sana akong aalis pero nagtanong siya ulit sa akin.

"Teka hijo. Sino ba yung kaibigan mo na nandito ngayon?"

"Lance Anthiny Marquez po" sagot ko sa kanya. Tial nanlaki ang mata ni manong guard nung pagkasabi ko ng pangalan niya.

"Hala, bat di mo agad sinabi sa akin! Osiya pumasok kana at baka ako ay matanggalan pa ng trabaho." Utos niya sa akin na ikinatuwa ko naman. Pucha. Ganon lang naman kasimple pumasok pinahirapan pa namin ung sarili namin ni manong guard na mag laro ng isang tanong, isang sagot. Leche. Mapapatay ko dala ung hianayupak na yun! Lance Anrhiny Marquez! Humanda na yang bayag mo at sisipain ko yan ng hindi ka na makapaganak!

~
[A/A]

Hello there!

Pagpasensyahan niyo na po ang pag ty-type ko at diretso na po ito sa publishing! Hindi ko na siya binabasa kaya ganyan. Haha. Anyhow, kamusta na kayo? Paramdam naman jan. Comment comment din pag may time. Okay? Pero srysly. May nagbabasa ba ng mga author note ko? Haha. Mag comment nga kayo ng "Dyosa" kung meron man. Okie?

P.s. Dahil sa summer vacation ngayon, baka matuloy tuloy ko na ang pag update ng story.
P.s.s depende nalang kung busy, tinatamad or iba ang ginagawa ko. Haha

You know the drill.
VOTE. COMMENT. AND BE A FAN!

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon