Chapter 11 - [The Answer]

9.5K 329 32
                                    

Tahimik kaming dalawa. Nagtitigan ang aming mata. Di ko alam kung anong isaaagot ko. Di ko pa naman siya ganun kakilala. Bakit ako? Bakit ako pa napili niyang ligawan? Marami pa namang mas gwapo o maganda kaysa sa akin? Bakit ako pa? Ang alam ko din ay straight siya.

"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya habang ibinaling ko ang tingin sa labas. Maganda ang tanawin.

"Hindi ka naman mahirap mahalin" sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Di ko alam ang isasagot ko" ito ang katotohanan. Di ko alam kung pinaglalaruan lang ako ni Hiro.

"May mahal ka bang iba?" Tanong niya.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ako naisipan mong ligawan."

"Hindi mo naman kailangan pumayag ngayon. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

Bigla nalang nag ring ang phone ko. Pag tingin ko sa caller ID ay si Earl ang tumtawag. Sinagot ko ito.

"Oh napatawag ka? May problema ba?" Tanong ko sa kanya na may halong pag aalala. Hindi kasi mahilig tumawag si Earl. Kadalasan ay wala siyang load or text lang ang ginagamit niya.

"Wala naman. Kanina ka pa kasi wala dito sa apartment. Nag aalala lang ako. Nasaan kaba?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ok lang ako. Andito ako sa MOA ngayon may sinamahan lang na kaibigan. Uuwi rin ako after." Sagot lo sa kabilang linya.

"Sige sige. Dala mo naman siguro yung susi mo. Mamaya nalang." Dahil dun ay binaba niya na. Tinignan ko si Hiro na nakatingin sa labas.

"Pwedeng uwi na tayo after? Hinahanap na kasi ako ng kasama ko sa bahay."

"Sige sige. Hintayin pa natin tong ferriswheel matapos then i'll take you home."

"Thank you." Ang tanging nasambit ko nalang. Ilang minuto pa ay nakababa na kami at dumeretcho sa sasakyan.

Tahimik lang kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang guatong bumasag sa katahimikan hanggang sa naihatid niya na ako sa tapat ng apartment. Bumaba na ako at bumaba rin siya. Para akong babae sa ginagawa niya. Kung pinapakita niya sa akin ngayon na gentleman siya, paano nalang pag pinayagan ko siyang manligaw. Anong mga ipapakita niya sa akin?

"Salamat pala sa mga libre mo pati na rin sa pag hatid. Kaya ko namang umuwi mag isa."

"Ok lang yun. Basta makita kitang masaya ok na ako." Nakakakilig siya. Hindi din siyang mahirap mahalin.

"Sige pasok na ako. Maaga pa kami bukas nila Yuri aalis"

"Sige na. Aalis na rin ako at late na" paalan niya sa akin. Tumango nalang ako at lumapit siya. Hinalikan niya ako sa pisngi na siya namang ikinamula ng mukha ko. "Bye"

Pinanuod ko siya hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan niya. Pumasok na rin ako sa loob at dere-deretcho sa banyo upang maligo. Nakakapagod ang araw na to. Nasurprise ako sa mga nangyari ngayon. Ng matapos makapag bihis ay humiga na ako at tuluyan ng nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. May tour kasi ang mga freshmen sa isang park. Magkatabi kami ni Yuri sa bus. Siya kumakain habang ako ay inaantok pa rin.

"What's your problem? Ang aga aga inaantok ka" tanong niya sa akin habang kumakain ng junkfoods na baon niya. Nag baon din ako ng mga pagkain kaso wala akong gana.

"Yun na nga e, ang aga aga." Pabalang kong sagot sa kanya.

"Wow ah, may dalaw ka te? Ano nga kasi problema mo?"

"Yung kuya mo kasi nakaka nosebleed"

"Oh? Anong meron kay ku- OMG may nagyari sa inyo kagabi no?!" Gulat na tanong niya. Di ko alam kung masaya ba siya o naiinis sa exprresion ng mukha niya.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now