Chapter - 23

3.7K 160 9
                                    

Lance

"Hala, anong nangyari sa dalawang yan?" Usisa ng isang estudyante sa katabi niya.

"Di ko alam mars, sinend lang sa akin to. Baka daw kilala ko, pero mga mukhang 1st year tong mga to tapos 4th year."

"Jusko kawawa naman. Patulan ba naman mas bata sa kanila." Sagot ng isa.

"Tapos parang sila Mia patong nambubully."

Napatingin nalang ako bigla sa kanila nung marinig ko ang pangalan ni Mia. Andito ako ngayon sa NRH building 5th floor, the gym to be exact nag papa-pawis. Wala naman nang masyadong ginagawa sa Student council kaya eto muna libangan ko.

"Huy! Ano yang pinapanuod niyo?" Tanong ng isa pang babaeng estudyante papalapit sa kanila.

"Look, dalawang first years pinag diskitahan ng mga fourth years." Pakita nung babaeng may hawak ng cellphone sa bagong dating na babae.

"Isn't that Yuri Nakazato?" Tanong ng babae.

Nagkakutob na ako kung sino kasama niya. Pero why? I specifically told them not to mess with Lee.

I exited the gym and into the locker rooms. Di ko na inabalang maligo pa at nagbihis nalang. Today's monday, lunch time to be exact. Sa pagkakaalam ko ay nasa science building ang klase ni Mia.

Tumakbo ako papunta duon. Magkabilang dulo ang building kung nasan ako ngayon. Sa lawak ba naman ng university grounds ay talagang matatagalan ka.

When I entered the cafeteria all eyes were on me. Diko sila pinasin at nakita ang isang janitor na naglilinis ng kalat.

"Excuse me kuya, anong nangyari dito?"

"Ah hijo. Sa pagkaka alam ko may tatlong babaeng nambully ng dalawang first year students dito. Grabe nga daw ang eksena dito kanina." Sagot niya habang tuloy parin sa pag mo-mop ng sahig.

Kung ganun nga ang nangyari ay malamang nasa cr ang mga eto. Tinakbo ko ang pinakamalapit na cr ngunit walang Lee sa loob.

Sinunod ko ang Clinic dahil malapit din naman pero walang katao-tao sa loob. Nawawalan na ako ng pagasa dahil hindi ko na mahanap si Lee nang maalala ko ang shower rooms sa may Varsity locker.

Dali-dali akong tumakbo patungo kung saan ang showers. Hindi iniinda na pinagpapawisan at pinagtitinginan na ng iba pang estudyante. I need to find him first then ill settle things with Mia later.
Di na ako nag atubili at pinasok ang showers pero sa di inaasahang tagpo ay nadatnan ko si Lee na nakapatong kay Patrick sa sahig.

"AND WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Bulyaw ko sa kanilang dalawa. I clenched my fist and stared at patrick. "You of all people know that I dont like people touching my things right?!" Sabay higit ng kamay ni Lee patayo at ipinunta sa likod ko.

Dali-dali kong kinuha yung tuwalya sa bag ko at ipinulupot kay Lee. Fuck! It's supposed to be only me! Only me that can see his body! With the idea in mind tinignan ko ulit si Patrick na nakatayo na.

"If this happens again i'll make sure you know your place!" And with that, hinigit ko ang kamay ni Lee at lumabas. Hindi alintana na naka tapis lang siya ng tuwalya pero i'm sure walang tao dito ngayon dahil madalang mag klase dito dahil malapit lang ito sa court kung saan kami nag pra-practice.

Ipinasok ko siya sa isang bakanteng classroom. Ni lock ang pintuan bago siya harapin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napakakinis at maputi. Katamtaman lang ang sukat ng katawan niya.

"What are you doing?" He asked. With a hint of fear in his voice.

"What do you want me to do?." I answered while moving closer.

He backed away. If looks could kill, i'd be dead by now. He hit his back against the cold wall and i took it as a chance to put my arms on both of his sides. Fear was evident on his face.

With one hand on his left side and my right hand touched his face. He shivered. I don't know why i'm doing this but earlier i was angry but know... I dont know myself anymore. I caressed his face and wiped the tears that have fallen with my thumb. Its like my body has a mind of its own. My hand went down to his neck then turned his face opposite of mine so i could have more access to it. He didnt fight it. I inhaled his scent.

Di ko alam kung bakit ako nagagalit ngayon. He smells just like Patrick. And i hate it. Lumayo na ako sa kanya at kinalkal ang laman ng dala kong bag at tinapunan ko ng extra shirt and pants nagagamitin ko sanang pampalit after kong mag gym.

"Wear this." Maiksi kong utos sa kanya. Mabilisan niya din namang sinuot iyon. Di alintana na nasa harap niya lang ako't pinagmamasdan siya.

"Thank you." Usal niya habang papalapit sa akin.

Nilabas ko ang pabango ko sa bag at nag spray ako sa kanya. Umubo-ubo pa ito.

"The next time i see you on top of another man, alam mo na ang mangyayari sa buhay mo. Understood?" Ma-otoridad kong sabi sa kanya. Tumango nalang ito. "Good. Get my bag and follow me."

Lumabas na ako ng room at dire diretsong pumunta sa café ng school. Di ko na nilingon pa si Lee at alam ko namang susmusunod siya sa akin. Ipinasok ko siya sa office and told him to stay there. Dumiretso naman ako sa counter at kumuha ng chicken pesto sandwich at isang iced caramel latte at bumalik sa office.

"Eat." Maikli kong tugon. Tinignan niya lang ang pagkain sa harapan niya. "I know you haven't eaten lunch kaya kainin mo na yan."

Unti-unting umangat ang mukha niya sa akin. Our eyes met for a split second bago siya umiwas. Kinuha niya naman ang sandwich at sinimulan nang kumain habang ako ay nag aayos ng mga papers.

"Oh." Bigkas niya.

Umangat ang mukha ko sa kanya at kita kong nag ooffer siya ng tinapay sa kamay niya.

"Sa walang kagat ako kumuha." Dugtong niya pa.

Tinitigan ko muna siya amd our eyes met again. But this time hindi naputol iyon. His eyes are like a milk-chocolate color with a hint of goldness if you stare at it. His prominent nose line down to his kissable lips. I moved my face towards him never breaking our eyes. Sinubo ko ang tinapay at pinahagudan pa ng dila ko ang daliri niyang nakahawak dito. Tila nahimasmasan naman siya at iniiwas ang mukha niya ulit sa akin. Why does this guy makes me feel something?

"Is it good?" Pagtatanong ko na ikinapula naman ng mukha niya. Cute. Di nalang siya umimik at uminom nalang. Di ko nalang iyon pinansin at hinarap ulit ang mga documents sa table.

"Ang cute mo pala no?"pagtatanong kona mas ikinapula pang mukha niya.

"Ewan ko sayo Lance!" Sabay walkout niya.

[A/N]

Late upload.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now