Chapter - 26

3.4K 137 16
                                    

Lee

Pagkapasok ko sa room namin ay sinabi ko kay Bernadette na pumayag yung mga pinsan kong mag meet and greet kahit wala nang Talent fee. Napa talon naman ito sa tuwa dahil sa ibinalita ko. Nagusap pa kami kung anong mangyayari sa 3 days na program.

"Sige, ise-send ko nalamg sa kanila mamaya yung schedule at kung anong mangyayari."

"Sige sige. Laking tulong talaga at baka tayo pa manalo."

Nginitian ako neto at ibinalik ko naman ang ngiti sa kanya bago tutluyang umupo sa aking upuan. Di rin naman nag tagal ay dumatin na din si Yuri.

"Oh kamusta?" Sabay hugot sa earphones niya at lagay ng bag neto sa upuan.

"Pumayag na sila Ate Misha at Argo na mag meet and greet."

"Omg. Makikita ko na din si Misha!"

"Bakit paramg mas excited ka pang makita si Misha kesa kay Argo?" Takang tanong ko dito.

"Duh! Girl crush ko kasi si Misha simula nung napanood ko yung indie film niya." Saad niya with twinkle in her eyes.

Di pa kami nakapag usap nang matagal dahil dumating na yung proff namin para sa umagang ito.

~

"Sakit ng ulo. Ugh." Ungol niya sabay pagsak ng ulo niya sa may lamesahan.

Andito kami ngayon sa may coffee shop sa may baba lang ng Buildin namin. Kelangan daw kasi ni Yuri ng pampagising.

Umorder lang ako ng isa sa mga ice blended coffees at tinapay na may palamang chicken at pesto.

"Ui Atkin!" Bungad ng isang boses. Nakatalikod kasi ako sa may pintuan kaya nilingon ko ito.

"James ikaw pala. Anong atin?" Pagtatanong ko.

"Nangunguha kasi kami ng volunteers na kakanta sa dadating na event. Baka gusto mong sumali."

Napatingin naman ako kay Yuri na naka angat na ang ulo neto at tinaasan lang ako ng kilay.

"Oh by the way, this is Yuri." Turo ko sa kaibigan ko.

"John James Marquez" sabay lahad ng kanyang kamay. Kinamayan niya naman ito.

"You're the cousin of Lance right?" Si Yuri.

"I am."

Napa 'oh' nalang siya at binitawan ang kamay niya.

"Marunong ka palang kumanta" komento ni Yuri. Nginitian ko lang ito.

"So, wanna join?" Baling ng tingin sa akin ni James.

"Uhm di ko sure. May gagawin din kasi kami. Di ko pa sure kung magkakaroon ako ng time for practice." Honest na sagot ko sa kanya.

"Well okay. Pero if you have time you should come sa practice." Sagot niya.

"Sige. Ti-tignan ko kung anong ganap sa amin then i'll try to come."

"Okay. Well, i have to get going. Bye" sabay kaway niya sa amin ng paalis ito.

"Gurl. Di mo sinabi na kaibigan mo pala yung pinsan ni Lance."

"Malay ko ba. Di mo din naman natatanong." Sabay inom ko.

Buong maghapon ay ganun parin. Kahit na pagod na sa pag aaral ay pinagpursige ko parin dahil ito ang course na gusto ko. Ayaw ko din namang masayang yung tuition ko dahil hindi naman ako yung nagbabayad.

Tahimik akong lumabas sa Library dala-dala ang mga hiniram kong libro at dahil na rin may inasikaso pa akong assignment. Nauna na sa akin si Yuri na umuwi dahil may gagawin pa daw ito.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now