Chapter - 20

3.7K 143 7
                                    

Lee

"Good afternoon. We're looking for Mr. Angeles." Bungad ni mama sa receptionist na naka assign dito. Saglit itong tumigil sa kanyang ginagawa at tinignan si mama ng may ngiti.

"Hello and welcome to Angeles Enterprises. Your name is?" Pagtatanong niya.

"Leesandra" maikiling tugon neto sa kausap.

"Just a moment maam." Sabay kuha ng telepono at pag tipa sa kepad neto.

"Hello sir, Ms. Leesandra's already at the lobby. Ok sir. Noted po." Sabay baba ng telepono at nginitian si mama. Lumabas ito sa reception desk. "Have a seat first. Pababa na po si sir." Pag aya niya sa amin sa mga upuan na nandito.

"Thank you." Tugon ni mama.

Pumunta si ateng receptionist sa isa sa mga pinto na nasa likod lamang nang reception desk at maya maya pa'y dumating ito na may juice at mga baso.

"Refreshments po muna habang hinihintay niyo si sir." May ngiting sabi nito sa amin.

"Thank you ulit." Sabi ni mama. Bumalik naman si ate sa kanyang ginagawa.

"Ma," pag tawag pansin ko dito. "Anong ginagawa natin dito?" Pagtatanong ko.

"Malalaman mo rin mamaya."

Di naman kami nag hintay ng matagal dahil may bumanggit sa pangalan ni mama.

"Leesandra? Is that really you?! Oh my god!" Sabay yakap naman nito kay mama.

"Ako nga Eizen. My god. How long has it been?" Tugon na yakap naman ni mama.

"I dont know and i dont care dahil andito ka na ngayon ulit." Sabay aklas ni mama sa kanya. Pinunsan pa niya ang maluha-luhang mata nung lalake.

"Shh don't cry. Hanggang ngayon iyakin ka pa rin nakakahiya sa kanila oh." Sabay turo sa amin.

"My god! Viceroy?"

"In the flesh!" Sabay bro hug nila.

"Aldrin? Ang mature mo nang tignan!" Sabay bro hug din dito.

"Hello po. Ako po si Earl. A family friend." Pag papakilala niya dito ng kumalas ito sa pagkakayakap kay kuya at bumaling ang tingin dito.

"Nice meeting you" sabay shakehands.

"Eto na ba si Atkin? Wow. Ang laki-laki mo na." Sabay yakap nito sa akin. "Sana nakita kitang lumaki at nakalaro ang anak ko."

Tinugon ko naman ang yakap nito pero sa isip ko ay gulong gulo na ako. Sino ba siya sa buhay namin?

"Ano kaba, di ka kilala ng anak kong yan." Komento ni mama.

"Ay oo nga pala. Im your Tito Eizen. Keel Eizen Angeles. Your mother's younger brother."

Younger brother? Sa pagkaka alam ko ay walang kapatid si mama dahil wala naman siyang binanggit sa akin. Kahit mga family celebrations ay kami kami lang din ang nag ce-celebrate. Ni minsan ay hindi ko sila nakita.

"I know you have a lot of questions. Why dont we talk during dinner?" Sabay tingin nito kay mama.

"Sure!"

"Im sure andun na silang lahat." Dagdag pa niya.

Tahimik naming tinahak ang daan papuntang restaurant. Kanina ko pa kinukulit sina mama at papa kung ano ba talagang meron. Pero ang sabi lang ni mama sa akin ay mamaya na't malalaman mo rin mamaya. Pati si kuya may alam. Ako lang ang hindi. Feel ko tuloy na out of place ako.

Pinark ni kuya sa isang magarbong restaurant ang sasakyan. Lumabas na kami dito at tinungo ang loob neto.

"Hello and welcome, table for?" Bungad ng isang gwapong lalake.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now