Chapter 3 - [Bad Day]

15.5K 467 33
                                    

Chapter 3

"Ugh" ang tanging nasambit ko habang papaupo sa upuan ko na katabi ni Yuri sa may bandang likuran. Ngarag ako ngayong umaga, pati si Earl nasungitan ko.

"Oh? Kasali ka ba sa the walking dead? Mukha kang zombie ah?" Pagtatanong ni Yuri sa akin habang ine-examine ang mukha ko ng kaliwa niyang kamay. Tinabig ko ito ar sabay patong ng ulo ko sa may armchair.

Shet. Unang kita ko palang sa kanya at nagkaroon na ako ng isang masamang panaginip na patungkol sa kanya. Shet talaga.

"Oi, magkwekwento kaba o hindi?" Pangungulit niya sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Mamaya mo nalang ako kulitin. Gisingin mo nalang ako pagnatapos na ung klase" pagkatapos nun ay nilapag ko ulit ang ulo ko sa lamesa at sinimulang matulog.

Ganito ang eksena naming dalawa ni Yuri hanggang sa mag lunch na kaming dalawa.

"Oh, ano na? May booking ka kagabi noh? Sino ung lalaking kasama mo kagabi? Nag date ba kayo? Matanda ba siya or medyo bata pa? Sagutin mo na kasi tanong ko!" Sunod sunod niyang tanong habang umuupo kami sa dati naming pwesto.

Medyo napa aga ng dismissal ung last subject namin kaya kakaunti palang ang tao dito sa canteen kaya naman ay bumili na kami agad ni Yuri bago pa man magka stampede dito sa sobrang dami ng tao.

"Pwedeng isa isa lang ang tanong mo? Mahina kalaban ee" pambabara ko sa kanya na ikina ngiti niya lang.

"May booking ka kagabi ano?" Unang tanong niya. Sumubo muna ako ng shark's fin bago siya sinagot.

"Wala akong booking! Pano mo pala nalaman na bakla ako? Hindi ko naman nasabi sayo un ah?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Nag assume lang ako dahil sa mga ikinikilos mo." Sagot niya sabay inom sa coke. Tumango nalang ako at kumain ng shark's fin.

"Kung wala kang booking kagabi, wala ka ding lalaking kasama?"

"Kasama ko ung bestfriend kong si Earl sa apartment." Pag putol ko sa kanya.

"Gwapo ba si Earl?" Tanong niya sabay lapit sa akin at tila hinihintay ang sagot.

"Hmmmmm gwapo siya. Chinito tsaka singkit." Sagot ko sa kanya at naka tanggap ako ng palo sa braso na nag mula sa kanya.

"Adik kaba? Saan ka nakakita ng chinito na hindi singkit?" Pambabara niya sa akin.

"Ano kaba! Nag bi-bir-" naudlot ang sasabihin ko ng inunahan niya ako.

"Hay nako! Utak paganahin" sabay subo sa tacos niya.

Hayss. Medyo tanga lungs. Sabi na nga bang nakakatakot din tong si Yuri ee.

"Bat pala mukha kang zombie kaninang pag pasok mo?" Bigla niya tanong sa akin na siya namang ikina pula ng mukha ko.

"A-a-ano kasi. U-u-uhmmmm." Sabay kamot sa batok ko. Shet lungs. Mas lalo tuloy nag iinit ang mukha ko. "Nagka nightmare ako ee" pag sisinungaling ko.

"Nightmare talaga? Katanda-tanda mong tao nagkaka night are ka! Haha". Pagtawa ni yuri sa akin na siya namang ikina tingin sa amin ng mga students dito sa canteen.

"Tumigil ka nga sa pagtawa! Pinag titinginan tayo oh!" Sabay nguso ko sa mga students na nakatingin sa amin.

"Ano kaba! Ok lang yan! Di naman nila tayo kilala ee!" Sabay tawa ulitng malakas.

Hayyyyyysss. Second day na second day napapahiya na ako.

"Omg ayan na sila!" Sigaw ng isang babae na nakaupo malapit sa may entrance ng canteen. Nag tinginan naman ung iba pang estudyante sa kanyang tinutukoy at dali-dali naman silang nag punta duon.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon