Chapter 1 - [Firstday First Friend]

23.5K 529 26
                                    

Chapter 1

"Oi, gising na!" Alog sa aking balikat ng kasama ko sa kwarto.

"Ayaw pa" sagot ko dito at mas hinigpitan ko pa ang pagkaka kumot ko sa sarili.

"Sinabi ng gumising ka na ee! Late ka na sa first class mo! First day na first day ng klase malalate ka?!" Sabi niya sabay hugot ng kumot sa akin.

Bigla naman akong napasigaw dahil sa sobrang lamig ng kwarto. June na june tapos malamig?! Pag tingin ko sa labas ng bintana umuulan pala.

"Maliligo kaba oh ako mag papaligo sayo?" Hamon niya sa akin habang naka ngisi at hawak pa rin ang hinilang kumot.

Siya nga pala si Earl Anthony Rodriguez, parehas kaming freshman sa St. Therese University. 17 years old, gwapo, matalino, matangkad at higit sa lahat chinito! Kinukuha niyang course sa university ay Med-tech.

Ako nga pala si Atkin Leeroy (Lee-roy) Madriaga. 17 years old, average built ang katawan, may abs pero hindi lang halata and i'm taking up HRM!

"Oh ano? Titignan mo nalang ba ung abs ko o maliligo kana?" Bigala naman naibalik ang isipan ko sa realidad. Nakaharap kasi siya sa akin at naka boxer shorts lang kaya kitang kita ko ang maputi niyang katawan at mga abs niya.

Oo nga pala, may isang bagay pala ako na hindi ko nasasabi sa inyo, I'm Gay. Matagal ng alam to Earl.

Actually, Bestfriend ko pa noon si Earl magmula nung highschool kaya naman magkasangga kami hanggang ngayon. Walang sikreto na hindi namin alam sa isa't-isa kaya dahil doon, mas matibay ang friendship namin!

Hindi ako ung mga baklang nag cro-crossdress! Ang pangit ko kayang tignan! Haha

Dahil sa sobrang pagka taranta ko ay ako na ata ang nakatalo sa taong pinaka mabilis ang ligo! Dali-dali kong kinuha ang bag ko at agad lumabas ng apartment naming dalawa. Kinuha ko ung payong ko sa bag ko at binuksan ito at dali daling pumasok sa university.

Walking distance lang naman ito kaya nakarating ako agad dito. Naka civilian lahat ng estudyante dito. Maliban nga lang doon sa mga nakauniform na mukhang student council na nag a-assist ng mga bagong student.

Kinuha ko sa bag ko ung schedule ko para malaman ko kung anong building at classroom ko. Today is monday kaya naman ang first subject ko ay english 7:30-10:30 am. Jusko! Mapapasabak ako sa englishan ng tatlong oras!

Agad-agad kong ipinasok sa bag ko ang schedule ko ng nabunggo ako sa isang matigas na wall at napa upo ako.

"Aray!" At agad kong hinawakan ang pwetan ko dahil masakit.

"Tumingin-tingin ka kasi sa dinadaanan mo" sabi nung wall.

Teka? Ung wall nagsasalita? Pag angat ko ng ulo ay para akong nakakita ng anghel sa sobrang gwapo. Kulay brown na mata, maitim na buhok, matangos na ilong at mapupulang labi. Pero sa sobrang ka gwapuhan niya ay kabaligtaran naman ang ugali niya.

"Tumabi ka jan, baka gusto mong maapakan"

Agad ko naman sinunuod iyon at tsaka siya lumakad, pag ka daan niya sa akin ay narinig ko nalang ang salitang  'Loser' kasama ng dalawa pang gwapong lalake.

Ung isa matangkad, kulay brown ang buhok, brown na mata, matangos na ilong at pink na labi.

Ung isa naman black na buhok na may konting brown. Highlights siguro yon? Brown na mata, isang pink na labi at dalawang dimples. Hapon ata ito ee.

Tinignan ako nung hapon at nag bow ito. Sorry ata sa kanila yun ee.

Kung hindi lang nag sorry sa akin ung hapon baka inaway ko na ung mayabang na yun! Pero chill lang, ayoko mag karoon ng record sa first day ko.

Pagka alis nila ay agad akong tumayo pero wrong move dahil mas sumakit pa ulit ung pwetan ko. Ugh!

Pagkapasok ko ng classroom ay wala pa ung proff kaya naman nagpasalamat ako sa itaas! Hayyysss. Ikaw ba naman umakyat hanggang 5th floor ng building! Kung hindi lang kakaunti ung naka pila sa elevator kanina edi sana nag elevator nalang ako. Pero okay na rin ito atleast hindi ako late.

"Hi!!!" sigaw sa aking babae na nasa tabi ko. Hmmmm cute siya. Singkit na mata at curly hairs with dimples.

"Ako nga pala si Yuri Nakazato, nice to neet you!" Sabay abot ng kamay niya.

"Atkin Leeroy Madriaga nga pala" sabay abot ng kamay niya.

"Nice meeting you!"

"Nice meeting you rin!" sagot ko sabay ngiti.

Nagkwentuhan muna kaming dalawa dahil wala pa naman ung proff. Napag alaman ko sa kanya na magmula kinder ay dito na sila ng kuya niya pumapasok.

"Freshman ka din ba?" Tanong niya sa akin habang naglalaro siya sa phone niya.

"Oo ee" sagot ko naman dito na nag lalaro din sa phone ko.

"Tsk tsk," rinig ko sa kanya kaya naman ay pinause ko ang nilalaro ko at napatingin sa kanya.

"Mag iingat ka dito, lalo na kung may nakasalubong kang tatlong ugok! Hehehe" sabi niya at siya naman ikina tunog ng bell.

"Lunch na!" Sigaw ni Yuri sa tabi ko at tsaka niya ako hinila pababa papuntang canteen.

~~
"Gosh! Try mo tong siomai nila" subo sa akin ni Yuri.

Kanina pa kami dito sa canteen dahil may 3 hour break kami. Mag kaparehas pala kami ni yuri ng schedule kaya naman hindi ako maboboring sa iba pa naming mga subject.

"Oo nga masarap!" Sagot ko sa kanya dito.

"Wait lang at bibili lang ako ng maiinom natin." Sabay alis doon sa kina uupuan namin. Maya maya pa ay may mga hiyawan akong naririnig, Which consist of mga hiyawan ng mga girls and gays...

"Oh eto para sayo" abot sa akin ni yuri ng buko juice.

"Bat anong meron doon?" Tanong ko sa kanya sabay turo doon sa mga babaeng nagkakagulo.

"Ahhh, yun ba?" Sabay turo doon sa mga babaeng naghihiyawan. Tumango ako. " Yun ung sinasabi ko sayo kanina. Mag iingat ka sa tatlong ugok na yun!"

Napa tingin ako ulit doon sa mga nagwawalang babae at nakita ko na medjo nag giveway sila ng daanan para sa 'tatlong ugok'.

Shit. Sila ung 'tatlong ugok' na nakasalamuha ko kanina...

~^[A/N]

Comment? vote?

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now