Chapter 13 - [Secrets]

8.6K 271 22
                                    

Nagising ako ng dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tinignan ko ung kabilang side ng kama at nakita kong wala na siya. Naligo muna ako at nag bihis bago lumabas ng kwarto patungo sa breakfast buffet ng hotel.

Habang kumakain ay na alala ko ung mga pangyayari kagabi na siya namang ikinapula ng mukha ko. After kong kumain ay mag pa baba na muna ako ng kinain. Minabuti ko na ring mag libot dito sa hotel na pintuntahan namin. May mga infinity pool na tanaw na ang taal volcano at magagandang garden ang nakapalibot dito.

Sa aking pag mu muni-muni ay hindi maiwasang pumasok sa isip ko kung bakit ang dalawa sa pinaka gwapo at habulin ng chiks sa university ay binibigyan ako ng pansin. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka nantri-trip lang yung mga yun pero hindi ko rin naman maikakaila na gusto ko ang atensyon ma binibigay nila para sa akin. Simula kasi nung elementary ako ay may pagkamahiyain ako. Hindi din ako masyadong nakikipagkaibigan kumbaga pili lang ang circle of friends ko kaya bago lang sa akin ang lahat ng pinapakita nilang dalawa sa akin.

Napakasarap ng simoy ng hangin dito sa tagaytay pero nag pabalik sa ulirat ko ang tunog ng aking relo na hudyat na 12 na. Bumalik muna ako sa kwarto namin dahil di ko alam kung hanggang kailan kami dito at para na rin tingan kung nandun na si Lance sa kwarto. Pero pag dating ko dun ay wala pa siya kaya nag pasya muna akaong amag ayos ng gamit ko. Mga 20 minutes ang nakalipas ay bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang napaka gwapomg nilalang. Sino pa ba kundi si Lance na naka ngiti. Naka puti siyang t-shirt, red na boardshorts at flip-flops. Kahit simple ang ayos niya ay napaka kisig niyang tignan.

"Mukhang maganda yata gising mo ah?" Pag tatanong ko sa kanya habang nag aayos ako ng gamit ko sa kama.

"Ah, wala to. Wag mo tong pansinin" sagot niya habang nilalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa. "Tara mag swimming!" Yaya niya sa akin habang nakangiti at papalapit sa kama.

"Ayoko" pag tanggi ko sa alok niya."di ako marunong lumangoy." Pahabol ko pa.

"Walang problema, turuan nalang kita. Madali lang naman." Pag pupumilit niya.

"Eh? Ayoko talaga. Pwedeng iba nalang?" Suhestyon ko sa kanya.

"Halika na. Inuutusan kita bilang master mo na sumama sa akin mag swimming"

Hays. Eto nanaman tayo sa pagiging master-and-slave contract. Wala na akong nagawa kundi sundin nalang siya baka kasi kung ano nanaman ang gawin niya sa akin. Nag balik namaman ang mga tagpong nangyari kagabi na siya namang ikinapula ng mukha ko.

"Oh bat ka numumula jan? May naalala ka ba?" Pag tatanong ni Lance ng naka ngisi. Parang alam niya na kung ano yung nasa isip ko.

Tinignan ko siya sabay hablot sa isang unanan na malapit sa akin tapos hinagis ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko ngunit mabilis niyang nasalo ang unan at tumawa ng malakas.

"Halika na. Hintayin kita sa lobby." Utos niya sabay lagay ng unan sa upuan na malapit sa kanya pag katapos ay lumabas na ng kwarto namin.

Wala na din along nagawa at nag palit nalang ako ng aking shorts kasabay nun ay kumuha na rin ako ng tuwalya at sunblock na galing sa hotel at pumunta na sa lobby kung saan nag hihintay ang master ko.

Pag ka baba ko ay nakita ko siyang nag aabang. Nung nag tama ang mga mata namin ay ngumiti nalang siya ng napaka tamis. Ewan ko kung bakit pero kinilig ako dun.

"Ano tara na?" Tanong niya habang papalakad papunta sa isa sa mga pool.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Ngumiti nalang siya pabalik sa akin at dina nag salita pa.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now