Chapter 16

6.4K 230 52
                                    

Nang makauwi ako sa bahay kinahapunan ay nagluluto si Earl ng merienda naming carbonara. Favorite ko.

"Ui. Mukhang masarap yan ahh." Komento ko habang nag sasalok sa baso ng juice na nasa table.

"Ako pa ba? Favorite mo to diba?" Sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa niluluto niya.

"Oo naman! Lalo't ikaw nag luto." Pambobola ko dito.

"Mag prepare kana. Patapos narin to."

Ginawa ko naman ang inutos niya. Maya maya pa at nag inilapag niya na ang niluto niya sa lamesa. Enjoy kaming kumain. Usap dito, asaran dun. Nang matapos ay nag presenta na akong maghugas ng plato. Sumang ayon siya at dumiretso sa kwarto upang mag review.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapag handa papuntang school. Walang pasok si Earl ngayon kaya't natutulog pa ito, marahil sa puyat kaka review kagabi.

Mabilis natapos ang klase at hindi ko namalayan na uwian na pala. Nag bigay lang ng mga reviewers ang mga professors at ung iba naman ay pinag self study kami. Dahil mahaba ang oras ko para maka pag aral ay minabuti kong dumaan sa practice ng music nation ng department namin.

Pag ka labas ko palang ng elevator ng building namin ay rinig mo na ang musika na nanggagaling sa loob ng classroom kung saan sila nag pra-practice. Tunog ng gitara at yung pang accousstic na box ang maririnig mo.

Sa pag lapit ko sa pintuan ng music room ay biglang lumabas si James. Nakasuot ito ng itim na tshirt at pants ng school. Makikita mo sa damit niya ang magandang hubog ng katawan niya.

"Ui! Glad you could make it" saad niya pag lapit sa akin.

"Marami kasi akong oras kaya i've decided to check the practice" sagot ko.

"Well now that you're here, come inside!" Sabay hila sa kamay ko papasok ng classroom.

Maingay sa loob pero masaya naman sila. Kantahan dito, gitara duon. Pinunta ako ni James sa grupo ng dalawang lalaki at isang babae.

"Guys, I want you to meet Atkin" pag papakilala sa akin ni james sa grupo.

"Hello, I'm Atkin Leeroy Madriaga" pag prisenta ko sa kanila.

"New recruit?" Pag tatanong nung isang girl kay James.

"Nah, he's just visiting and my guest and he sings very well"

"Oh really? He can sing with us if he wants to" dag dag pa nung babae kanina.

"Want to sing for them?" Pagtatanong sa akin ni James. Medyo nahihiya ako kaya nung una ay humindi ako pero sa pag pupumilit nila ay um-oo nalang ako aa huli.

"Umuwi nang tila bang lahat nagbago na." Panimula ko sa kanta.

"Nawalan na ng sigla ang iyong mga mata. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi kahit na magdamag na tayong magkatabi"

"Bakit ka nag-iba? Meron na bang iba?" At this moment lahat na sila ay naka tingin sa akin.

"Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli."

"Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis"

"Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli"

"Sana sinabi mo hahayaan namang kitang umalis." At dito ko na tinapos ang kanta.

Bigla naman silang nag palakpakan na ang pasimuno James. Tinitignan niya ako't ngini-ngitian. Nginitian ko nalang din siya pati na rin yung mga taong na sa loob.

"Wow. You have a beautiful voice Atkin. It would be such a same to not have you in our club." Sabi ni James.

"Thank you! I'm very flattered. Lalo na't galing sa president ng club."

"You will make a great addition to the club!" Sabi nung babae kanina.

"Naku. Nakakahiya naman kung bigla bigla nalang akong papasok." Sagot ko sa kanya.

"Naku wag kang mag alala. Nagustuhan nila ang boses mo kaya keri lang sa mga yan na pumasok ka"

"Naku--

Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan.

"Hey you!" Sigaw niya sa akin. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?!" Galit niyang saad. Wala na akong nagawa kundi puntahan nalang siya para pigilan siyang mag eskandalo.

"Hey Cous!" Bati ni James sa kanya.

Wait.

Mag pinsan sila?

"Don't 'Hey Cous' me!" Pinandilatan niya si James.

"Woah, chill lang. I was just borrowing him for a moment" taas kamay na sabi niya.

"Wala akong matandaan na ipinaalam mo si Atkin sa akin. As far as I know, what is mine is MINE." Bigla nalang akong hinila Lance papunta sa kung saan.

"Lance ano ba! Masakit na yung pag hila mo" pag pupumiglas ko sa kanya.

"Know your place 'PET' . I'm your fucking master and you should always be at my side! Naiintindihan mo ba?!"

"Gago! Hindi pet ang kailangan mo! Security Guard!"

"Naiintindihan mo ba?!" Pag uulit niya na siya namang ikinatigil namin at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Pinnandilatan niya ako.

"Y-yes master" Wala na akong nagawa kundi um-oo nalang sa sinabi niya. Nakakatakot ang kanyang mata.

"Good" at bigla nalang niya akong hinila papalapit sa kanya at biglang niyakap.

Medyo natulala ako sa mga pangyayari. Di ko inaasahan na makakayakap ko siya. Ang bango bango niya. Amoy pawis at pabango niyang pinaghalo. Sarap sa feeling na ang isang Lance Anthony Marquez ang kayakap mo.

"Lets go." Imbes na hilain niya ang kamay ko ay inakbayan niya nalang ako papasok sa elevator. Di ko alam pero sa mga panahon na yun ay kinikilig ako sa mga nagaganap. Di ko alam kung bakit pero kinikilig talaga ako.

---
Short :)

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now