Chapter 17

5.5K 188 20
                                    

Hell week. Wala kaming ginawa kundi ang mag aral para sa exams namin. Sunog ng kilay dito, puyatan duon. Laging kaming magkasama ni Yuri para mag review. Hindi na muna ako inabala ni Gelo o ni James o kaya naman yung asungot kong master. Madali lang naman yung ibang exams namin pwera lang sa math. Di ata kami compatible ng numbers kaya mejo nahirapan ako duon. Pero in the end natapos na rin ang tatlong araw ng exams. Kaya naman mejo lumuwag na ang schedule namin.

"Oi Lee. Tara labas tayo!" Sabi ni Yuri habang kumakain ng siomai. Andito kami ngayon sa may cafeteria ng school. Lunch time namin.

"G ako jan. Buti nalang at tapos na ang hell week. Mejo sumakit ulo ko sa math. " Saad ko habang kumakain ng kanin at ulam.

"Wait. Text ko lang si Gelo kung G siya. Dun tayo sa Tomas."

"Mamaya na ba tayo lalabas?" Pag tatanong ko.

"Oo! Tutal, friday ngayon at tapos na ang exams."

"Sige kayo bahala. Pwede ko din bang isama yung ka dorm ko?"

"Sige sige. The more the merrier."

---

Mabilis natapos ang araw at wala naman masyadong ginawa sa mga subject. Ni review lang namin yung mga inexam namin at konting discussion para sa susunod na lesson.

Pag ka uwi ko ng bahay ay agad kong sinabihan si Earl na sumama. Pumayag naman siya agad dahil kailangan niyang mag unwind.

Natulog muna ako ng very light para mamaya ay may lakas akong lumabas. Nag pagising nalang ako kay Earl ng mga bandang 9 para makapag gayak.

Pagkatapos maligo ay nag suot ako ng isang black skinny jeans, isang white v-neck shirt at black vans. Si Earl naman isang Blue jeans, Black printed shirt at stan smith na white and green. 10 na kaya naman hinintay nalang namin si Yuri para sunduin kami.

After 20 minutes ay nag text si Yuri sa akin na nandito na daw sila sa baba. Inaya ko na si Earl para bumaba. Pag pasok ng sasakyan ay nakita ko na nag dri-drive si Yuri at nasa likod naman si Gelo.

"Earl, dito kana sa harap. Para naman makilala kita." Utos ni Yuri. Nag tinginan kami pero wala siyang nagawa kundi dun sa harap umupo.

Pagka upo at sara ng pintuan ay agad na rin kaming umalis sa apartment.

"Kamusta?" Tanong ni Gelo.

"Ok lang naman. Mejo nakakahinga na ng mabuti at tapos na ang hellweek. Ikaw?"

"Ok lang. kakatapos lang din ng exams namin kaya nakakahinga na rin ng maluwag."

"Mabuti naman kung ganon. San ba tayo sa Tomas?" Pag tatanong ko.

"Perfect spot" sagot ni Gelo.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa sinasabi ni Gelo. Madaming tao dahil na rin siguro sa friday ngayon at kakatapos lang ng mga exams. Nag park na si Yuri at sabay sabay na din kaming bumaba ng sasakyan.

Pag kaupo sa table ay agad namang nag order si Gelo ng dalawang bucket ng beer, isang hard na alcohol at sisig na pulutan. Masaya kaming nag kwe-kwentuhan, hindi naman na OP si Earl dahil lagi siyang kinakausap ni Yuri at ni Gelo.

"Oh shit." Biglang sabi ni Yuri na ilkinatingin naming tatlo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Andito ang tatlong ugok." Sabay turo so loob kung saan nandun ang mga table ng billiards. At saktong pag ka lingon ko ay nandun nga sila na napapalibutan ng mga babae at lalaki.

Hays. Akala ko naman hindi ko makikita tong asungot nato.

"Nakapag paalam ka ba sa kuya mo?" Tanong ni Gelo.

"Oo pero akala ko dun sila sa BGC pumunta kaya dito tayo sa Tomas. Pero bat nandiyan ang mga yan?" Maktol niya. "Wait lang. puntahan ko lang si kuya." At dahil dun ay bigla siyang tumayo para puntahan ang kapatid niya sa loob. Naiwan kaming tatlo na tuloy parin ang kwentuhan at pag inom ng beer.

Pag karaan ng ilang bote ay di namin namalayan na may humila sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Umupo naman na si Yuri sa pwesto niya kanina. Pag ka lingon ko sa tabi ko ay walang iba kundi si Lance.

"Hey pet." Paunang bati niya sa akin sabay inom sa boteng iniinuman niya.

"What now?" Pag mamataray kong sagot dito. Di ininda ang pag susungit ko sa kanya.

"Nagugutom ako. Tara kumain?" Pag aalok niya. Tinignan ko lang siya sabay irap. Anong nakain neto? Ay wala pala kaya nag aayang kumain.

"No need. Busog pa naman ako and also kasama ko sila. Hindi pwedeng iwan ko nalang sila basta basta ng dahil sayo."

"Whatever. After ng inuman pupuntahan kita dito sa table niyo at kakain tayo or else-"

"Pahihirapan mo buhay ko." Pag tatapos ko sa sasabihin niya. "Fine. I'll go but you'll pay."

"Its a deal then." After he said that ay agad siyang bumalik sa loob kasama pa ng ibang ugok.

Nag patuloy nalang kami sa pag iinom at pag kwe-kwentuhan na hindi iniinda ang mga tao. Nagiging malakas na kasi ang tawanan ng grupo kaya mejo may tumitingin sa amin.

"Okay, let's play a game!" Saad ni Yuri habang bitbit ang isang hard liquor bottle.

"I hope not truth or dare again." Sagot ko.

"We're not playing that game! Its called drink me once, drink me twice. Madali lang to, ill pour a shot sa glass then uutusan kita. If nagawa mo you'll drink once, if not you'll drink twice. Gets?"

Lahat kami napatingin sa kanya.

"What's the point of drinking if you're not gonna drink diba?" Dagdag pa niya.

"Ok. Si Gelo muna mag uumpisa dahil siya ang nasa right ko."

"Pero sino mag uutos?" Pag tatanong ko.

"We always play right kaya we play left pag mag uutos gets?"

At dahil nasa left ako ni Yuri ako ang mag uutos.

"Oh Lee? Anong utos mo?" Pagtatanong sa akin ni Yuri.

"Take a pic with a girl." Utos ko.

Bigla siyang tumayo at tinignan ang mga nagiinuman dito sa bar. Maya-maya pa'y nag lakad siya sa may bandang dulo at kinausap ang isang magandang babae. Di naman mahirap yun para kay Gelo dahil may itsura din naman siya.

At isang flash ng camera ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nag lakad na pabalik si Gelo sa table namin at ininom na ang shot.

"That was easy." Pag mamayabang niya.

"Talaga lang ahh. May naiwan pang lipstick yung babae." Pangungutya ni Yuri sa kanya sabay punas naman ni Gelo ng tissue sa pisngi niya.

"Okay my turn." Habang nag sasalin siya ng alak. "Ano pong utos mo Earl?" Panunukso niya.

"Get a guy's phone number"

At dahil dun ay tumayo na siya. She scanned the crowd until her eyes landed on the perfect target. Lumapit siya rito, hindi iniinda ang mga tingin na binigbigay ng babaeng nakapulupot sa lalake. She was Yuri Nakazato. A pretty girl with a powerful family. Kung ikukumpara mo sila nung babae, walang siyang binatbat.

Mula sa table namin ay nakita namin kung paano manlisik ang maya nung babae at kung pano mag kantywan yung mga kaibigan nila. Maya-maya pa ay bumalik na siya sa table namin.

"Easy peasy living breezy. Okay next!" Sabi niya habang nagsasalin ng inumin. At dahil dun ako naman ang bibinyagan.

"Anong utos mo Gelo?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Kiss me." Was all he said.

Para akong tuod na naka tingin sa kanya.

"Are you serious?" Tanong ko.

"Take 2 shots then." Utos niya.

Alam kong may tama na kami dahil nakaka ilang bote na kami ng beer pero nasa tamang katinuan panaman ako. Should i kiss him or take the 2 shots?

~~~
Henloo hoomans

P.s. POV ni Lance ang next :))

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Where stories live. Discover now