Chapter 12 - [Pleasure]

9.5K 300 20
                                    

Natapos na din ang tour namin at at naglibot-libot kami sa park ng mga new friends namin ni Yuri. Selfie dito, selfie duon. Hanggang sa kailangan na naming bumalik sa school. Tahimik kaming lahat na nasa loob ng bus. Dahil na rin siguro na napagod kaming mag ta ta-takbo sa buong park hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog pala ako. Nagising nalang ako ng dahil sa inaalog na ako ni Yuri.

"Lee, dito na tayo sa school. Halika na at hinihintay na ako ni kuya sa parking. Sama ka na rin ng maihatid ka na namin." Pag aalok niya.

"Nope, no need. Malapit lang naman yung apartment namin ee." Pag sagot ko sa kanya.

"Halika na lang at sabay na tayong bumaba." Pumayag nalang ako at tumato sa kinauupuan ko kasama ng aking backpack. Sinundan ko si Yuri hanggang sa parking lot ng school at nakita kong naghihintay sa kanya si Hiro sa labas ng sasakyan. Lumapit si Yuri sa sasakyan at dere-deretsyong sumakay sa passenger seat sa harapan.

"Kamusta lakad niyo?" Pag tatanong sa akin ni Hiro.

"Enjoy kaso nakakapagod"

"Ok lang yan. Hindi lang naman ikaw nakaranas ng pagod ee. Atleast nag enjoy kayo diba?"

"Oo nakakapagod talaga. Tignan mo nalang si Yuri. Tulog agad oh" pag tuturo ko kay Yuri na nakatulog na sa loob ng sasakyan. "Enjoy din dahil ang daming pinagawa. Marami din akong nakilalang bagong friends dun"

"Mabuti naman nag enjoy ka. Sumabay ka na rin sa amin pauwi? Madadaanan naman namin yung street niyo" pag aalok niya sa akin. Pero katulad pa rin ng sagot ko kay Yuri ay tumanggi ako.

"Wag na. Malapit lang naman yung apartment namin. Maaabala lang kita sa pag dri-drive"

"Sige na nga. Di ka mapilit ee. Mag iingat ka nalang sa daan. Maraming manloloko jan pero ako? Di kita lolokohin." Pag banat niya sa akin na siya namang ikinapula ng pisngi ko. Mabuti nalang at medyo madilim dito sa parking area. Sana hindi niya nakita ang pag blush ko.

"O siya. Mauna na kami at pagod na pagod na tong kapatid ko." Pag sabi niya sa akin. Pero bago pa man siya pumasok sa loob ng sasakyan ay pinabaunan niya ako ng kiss sa cheeks. Dali dali naman siyang umkyat sa may drivers seat at pinaandar ang sasakyan. Nakatulala pa rin ako sa nangyari kanina na siya naman na kinakilig ko.

Mga ilang minuto pa ay nakatulala pa rin ako sa kinatatayuan ko. Bumalik nalang ang ulirat ko mg may bumusina sa likod. Pag tingin ko ay sasakyan ni Lance. Ano nanamang problema ng mamang yan? Pag tatanong ko sa sarili.

"Ano? Tititigan mo nalang ba yung gwapo kong mukha o sasakay ka dito?" Pag sasagot niya sa akin. Tinignan ko nalang siya ng masama at ere-deretchong lumakad papunta sa main gate ng university.

"Get in or else" pag threaten niya sa akin.

"Or else what?" Pag tataray ko sa kanya habang nag lalakad parin  ay sinusundan niya ako.

"I'll make your whole life a living hell" dahil sa takotn ko ay huminto ako sa pag lalakad at pumunta sa kabilang side ng sasakyan. Kinatok ko ang bintana at binaba niya naman ang window para makausap ako.

"Buksan mo yung lock at papasok na ako. Gusto ko pa pong mabuhay." Sarcastikong sagot ko sa kanya. Pag ka rinig ko ng click ng sasakyan ay pumasok na ako at nilagay ko sa backseat ang dala kong bag.

"Tsk, sasama naman din pa hard to get pa." Bulong niya sa sarili pero narinig ko iyon.

"Hoy naririnig kita. Tsaka saan mo kasi ako dadalhin?" Pag tatanong ko sa kanya sabay tingin sa daan.

"It's for you to find out" he said.

"Heller!? Gabi na kaya tsaka pag late ako umuwi mag susumbong yung kasama ko sa bahay na late na inumaga ako ng uwi."

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon