OS- Kabanata 16

2.4K 94 37
                                    


" Everything is okay. Be good Riley. Manang Ditas will take care of you while mama is working ha?" Hinalikan ko ang buhok ng anak ko na abalang abala sa pag do-drawing.

Ngumuso pa ako dahil hindi manlang niya ako tinapunan ng pansin. Nakakasama ng loob! Aalis na akp para mag-work pero parang wala pa din pakialam ang anak ko.

Nagpahinga kami ng ilang araw sa bahay nila Alice at para na din makasama ko si Riley. Masyado kasing malayo ang company ng Ibanez dito pati na din ang flat na kinuha nila sa akin. I don't see the place yet dahilan para hindi ko maisama si Riley. Besides hindi ko hawak ang oras ko kaya makakabuti na din siguro na dito lang muna siya para may kasama siya habang busy ako.

Ngumuso ako sa anak na hindi manlang nabobother na aalis ako at maiiwan siya ng matagal. "Riley, I'm leaving. Did you hear me?" Inarte ko pa ang boses ko na kunwaring nagtatampo.

Mabilis na napatingin sa akin ang anak." Of course mama, loud and clear. I'm just busy doing my airplane designs. Take care tho. Yabyu."

Binalik niya ang mata at atensyon niya sa ginagawa. Nalaglag ang panga ko at parang na offend sa inasal ng anak. He is growing so fast at hindi ako makapaniwala na nakakapagsalita ng ganyan ang isang apat na taong bata.

Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako. I don't know if I'm scared for my first day o dahil mapapalayo ako sa anak ko. Weekly ko lang madadalaw at makikita si Riley kaya parang nanlulumo ako.

Ang makita na ganito ang inasal niya ay nagpipigil sa akin na iwanan siya. Parang gusto ko nalang mahiga at tabihan ang anak. Ugh!

Ganon pa man, I need this. I needed this for us. Riley is smart kid. I'm pretty sure he will understand me. He will understand why I need to leave him here with manang.

Hiniram ko muna ang lumang sasakyan nila Alice. Lumingon muna ulit ako sa bahay nila sabay buntong hininga at pinaandar ang sasakyan.

The place is still the same. Meron lang ilang bahay na naabanduna. Dinaanan ko pa ang dati naming bahay. I stopped the car and looked for it. I'm so happy that this house never changed. Kung sino man ang nakabili at nag alaga ng bahay na ito ay nagpapasalamat ako. Kase, kitang kita ko kung paano minahal at inalagaan ng may ari ang dating bahay. At ang nakakatuwa pa ay halos wala siyang binago.

Hiniling ko din sa sarili na balang araw, mababawi ko din ito at dito papalakihin si Riley. Gusto kong makita ni Riley kung saan ako lumaki. Gusto ko din na sa bahay na iyon palakihan ang anak. Sana lang... kapag mayroon na akong sapat na pera para bilhin ito ay ibenta ito ng may ari sa akin.

Pinagpatuloy ko ang pag dadrive. Nadaanan ko pa ang mansyon nila Raj kaya binagalan ko ang pag andar ng sasakyan. Mas lalong lumaki at naging moderno ang bahay nila na sumisigaw ng karangyaan. Pain crosses me when I remembered the last time I was here.

Kung paano ako nagmakaawa na makita siya. Kung paano ako pinagtabuyan at hindi pinaniwalaan. Those memories are hurtful but those memories are the reason why I strive hard and chose to be strong.

Pero, kagaya ng prinsipyo ko. Yakapin mo lahat ng masasama at mapapait na pinagdaanan mo para maging lakas mo.

Nasan kaya si Raj? Hiniling ko sana na hindi ko na siya makita pero pag tapak ko palang ng bansa, siya agad ang nakita ko. Siguro mas maganda na huwag nalang ako humiling dahil kabaligtaran ang nagiging resulta nito.

I don't believe in coinsidence, if it's meant to be. It  will happen. Kahit takasan mo o layuan mo.

Wala tayong control sa mangyayare o sa tadhana kaya mas mabuti pa na sumabay tayo sa agos. We can't escape and faught for it. Just accept it and let it happen.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon