OS- Kabanata 20

1.4K 36 0
                                    


Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makalapit ang sasakyan ni  Raffy sa akin. Nanatiling nakatingin sa akin si Raj at ang mommy niya. Kagat ang labi ko ay umiwas ako ng tingin sa kanila.

Bumaba si Raffy sa sasakyan kasunod si Riley at Alice na mukhang masayang masaya at walang napansin kakaiba.

"Oh, bat parang nakakita ka ng multo?" Bungad ni Raffy sabay halik sa ulo ko. Mga ilang hakbang nalang ang layo ni Alice at Riley ng marinig kong umandar ang sasakyan ni Raj na nakahinto sa harap ko.

Hindi pa din ako gumagalaw o humihinga. Kumunot ang noo ni Raffy. "Are you sick?" Nag aalalang tanong niya. Hindi ako sumagot. Inignora ko si Raffy.

Nang makalapit sa amin si Riley at Alice at mabilis yumakap sa akin ang anak. "Miss you, mama!" Salita ni Riley na nagpabalik sa akin sa sarili. Pagod akong yumuko at yumakap sa anak. "I miss you more, Riley." Salita ko.

Kumawala ako sa anak ng hilahin ito ni Raffy. Nagkatingin pa sila ni Alice. Tumaas ang kilay ni Alice kay Raffy at nagkibit balikat lang si Raffy. Para silang nag uusap gamit ang mga mata lamang.

I heaved a sigh. "What was that?" Seryosong tanong ni Alice. Hinayaan pa namin mauna maglakad sa sasakyan ang anak ko at si Raffy.

"It was Raj and her mom." Sagot ko. This thing,  hiding Riley from him will soon kill me. Pakiramdam ko kase ay aatakihin ako sa puso kanina sa sobrang kaba. It was almost their meeting at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakali.

Nakita ko ang mga mata ng mommy niya. Her eyes were evidence of still disliking me. Paano pa ang anak ko?

I know that time will come my secrets will explode and I will not control it. It's inevitable. I don't know either why I'm scared. Pakiramam ko kase ay hindi nila matatanggap ang anak ko.

Yung ang bagay na hindi ko makayanan. Ayokong masaktan si Riley because a part of him, his father will reject him.

"Oh tapos?" Tanong ulit ni Alice. Kumpara kanina ay may halo nang intriga ang tono ng boses niya. "Alam niyang may anak kayo?" Tanong ulit niya.

Pinaulanan ako ng tanong ni Alice hanggang makarating kami sa sasakyan. Bumuntong hininga muna ako at hinarap siya." Yun lang. Tapos na." Sagot ko sabay pasok sa sasakyan.

Madramang umirap si Alice ng magkatinginan kami pag pasok niya ng sasakyan.

"Mama, look tito Raffy gave me an Ipad." Kwento ni Riley habang kinakalikot ang Ipad na bigay ni Raffy. Pagod akong ngumiti sa kanya at saka siya hinalikan sa ulo.

Kinamusta ko ang byahe ni Alice at Raffy. Kinamusta ko din ang araw ng anak ko.

Wala ako sa sarili buong gabi. Halos limitado ang salita ko. Kung may itatanong sila ay sasagutin ko. Even sometimes Alice is asking me things, alam kong hindi ko ito nasagot ng tama.

I felt like I ruined the night for us. Naging buhay lang gabi na iyon dahil kay Riley at Raffy na magdamag naglalaro at harutan.

Pumasok na si Alice sa trabaho. I don't know na mayroon na pala siyang  trabaho pag uwi dito. Si Raffy naman ay naghihintay pa ng confirmation sa trabaho na inapplayan dito.

Sa ngaun, nasa bahay siya at matyagang inaagalaan ang anak ko.

Mag aalas syete na ng umaga at maayos na ako. Natapos ko na din ang mga research at assignments ko sa school. Papasok ako sa Ibanez ngaun araw.

Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong nag-retouch. The usual things na ginagaw ko sa umaga bago pumasok. Tinawagan ko din si Riley pero sabi ni manang ay tulog pa daw sila ni Raffy.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon