OS- Simula

13.3K 291 99
                                    

"Gotica Dior Gatchalian! You are so wanted outside!" malakas na sigaw ni Alice.

"Mama... They're noisy..." ngumuso ang anak kong si Riley. Itinaas ko ang comforter hanggang leeg niya.

"I will make them leave. Sleep kana baby..." sagot ko.

"No! Let them stay. Diba po despedida nila ito for you? We're leaving tomorrow, Mama. You go there. I'll sleep now."

Tumingin ako sa anak at sa huli ay bumuntong hininga. He's growing too fast. I'm scared that he might leave me too. Ayokong iwanan din ako ni Riley. He's my life.

Lumaki akong mag isa at sikreto ng mga magulang. Ayokong lumaki si Riley sa ganoon paraan. As much I want him to meet his father, I don't know how.

My entire life was a big secret. Madilim ang mundo ko until my son came. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at sikreto ako ng lahat.

Though... His father gave color to my life. Kahit alam kong hindi niya naman talaga ako mahal ay ibinigay ko pa din ang lahat. Ganoon talaga siguro kapag sabik ka sa lahat. I fell for him kahit alam kong hindi niya ako gusto. Bata ako noon, nagmahal at nakita ang kalinga sa kanya.

Hinalikan ko ang noo ng anak. "Are you sure?" tanong kong nag-aalala. Over protective ako sa anak ko at ayaw kong maramdaman niya na hindi siya ang priority ko.

"Yes Mama. I'm a big boy na!" he said. Bit annoyed. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinalita ng anak. He looks like his father.

"You're just four, baby.. I don't want you to grow fast. I want you to stay this way."

"But I want to grow fast. I want to protect you and help you Mama. You really look tired."

Parang may nagbara sa lalamunan ko. Paano ito nasasabi ng isang apat na taon na bata? Nagsisikap ako para buhayin at maibigay ang pangangailangan niya. Hindi naman ako nagkulang sa kanya sa pagmamahal kahit abalang abala ako sa pagtatrabaho.

"I won't get tired. Ikaw ang lakas ko Riley. You sleep. Maaga pa ang alis natin bukas." umiwas ako ng tingin at hindi pinahalata ang pamumula ng mga mata ko.

"Okay. Enjoy the night Mama. Yabyu." salita niya tsaka pinikit ang mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko habang titig na titig sa anak.

Bukas ang balik namin sa Pilipinas. Paano kung makita ko doon ang papa niya? Paano kung itakwil niya ang anak ko? Iniisip ko palang ay parang nawawasak na ako. I won't let that happen to my son. Nabuhay kaming dalawa at mananatili kaming dalawa lang.

His father has a girlfriend. Yun ang huli kong balita. Nasa Seattle siya nakabase ngaun kasama ang kasintahan.

I was lucky that Riley never asked for his father. Kasi kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot sa kanya kung sakali. Pero alam ko at dama ko na hinahanap niya ang kanyang ama.

"Ang tagal mo!" salubong sa aking ni Alice. Maingay ang sala ng pad ko at biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng kalat.

"Pinatulog ko si Riley. Ang ingay mo." sagot ko sabay dampot ng mga bote ng alak sa sahig. Kita ko ang mga kaibigan na talagang lasing na at wala sa katinuan.

"Nako naman Icai! aalis ka na nga ang sungit mo pa din. Hindi mo ba ako ma-mimiss?" madramang salita ng kaibigan. Umirap ako sa kanya at umiling kaya natawa siya.

"Susunod ka naman. Why would I miss you?" sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"That's the thing. Kung hindi ko lang kayo mahal ng inaanak ko ay hindi ko
iiwanan ang buhay ko dito sa Australia."

Umirap nalang ako sa drama ni Alice. I told her that we're going to be fine pero hindi ko siya mapigilan. Well... Hindi ko naman siya masisisi dahil halos magkapatid na ang turingan namin.

"Plano mo ba sabihin sa tatay niya na may anak kayo?" biglang salita niya na ikinatigil ko.

"Wala akong plano." sagot ko at umiwas ng tingin.

"Sure, babe. Ipagkait mo ang magandang buhay para sa anak mo. First born ng Esquivel si Riley. Damn... His father is a CEO of an airline."

"I can give Riley his needs. Hindi ko siya kailangan." sagot ko. Ayokong isipin nila na pera lang ang habol ko kaya ko ililitaw si Riley. And besides.... Hindi nga niya alam that Riley is even existing!

"Ikaw hindi. Pero ang anak mo ay kailangan siya. Wake up Gotica! Hindi kapa ba nakakamove on  kay Rajan?"

Napatingin ako sa paligid at pinanlakihan siya ng mata. "Shhh.. You're drunk, Alice! Go home." salita ko.

Walang nakakaalam na si Rajan Duke Esquivel ang ama ng anak ko. He's a high profile business tycoon and a monster in the industry.

Believe me, sobrang proud ako sa kung ano man ang narating niya. I don't blame him for anything kasi hindi naman niya ako pinaasa. Sadyang sarili ko lang ang pinaasa ko at umasa.

I was his big secret. I'm always a secret. Ayokong guluhin ang maayos na buhay ni Raj. I know that my son deserve to know his father pero hindi ako handa. Hindi ako handa sa pwedeng mangyari kapag nangyari iyon.

"Oh... You don't want the Duke to meet the Prince Riley? Bala ka jan!" iritable na umiling si Alice at tinalikuran ako.

Ilan taon akong lumayo at nagtago. But now... Handa naba talaga akong bumalik? Tinakasan ko siya pero hindi ko siya matatakasan habang buhay dahil si Riley ang nag uugnay sa amin dalawa. Kahit tumakas ako, Riley is our strings.

But then... Maybe, I really want Rajan to meet our son. Hindi ko man mabigyan ng pamilya ang anak ko, gusto ko man lang tanggapin siya ng ama niya. Nothing at all. Yun lang.

Pero siguro.. Mas ayos na kaming dalawa nalang ni Riley. I can handle the pain. Pero hindi ko kayang ang anak ko ang masaktan kung sakali.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon