OS- kabanata 53

1K 29 0
                                    

Somehow, maybe Raj was right for giving space for ourselves. Simula ng nagka-space kami ay madami akong natutunan at natuklasan sa sarili. Maybe I was just miserable kase palagi kong dinidepende ang kasiyahan ko sa ibang tao. Palagi akong naghahanap ng wala o kulang when infact, ang daming tao na nagbibigay sakin noon. I forgot to appreciate things.

Palagi akong naghahanap ng kulang sa buhay ko simula bata palang ako. But then, after what I've been through all my life. Ngaun ko lang nalaman na nasa sarili ko pala ang totoong kaligayahan. Ako mismo ang magbibigay nito sa sarili ko.

All I need is contentment and acceptance. Huwag tayong mag expect at maghanap sa ibang tao. The thing I've learned is tayo mismo ang unang dapat magmahal sa sarili natin bago tayo mahalin ng iba.

Hindi ko inakala na magiging masaya ako being alone. Mas nakilala ko ang sarili at mas natutunan mahalin.

Unti unti ay natutunan kong tanggapin ang mga nawala at yakapin ang dadating at nandyan.

Ang sabi sakin ng doctor ay pwede na akong manganak sa kahit na anong oras. Naging abala ako sa pag- aaral at sa negosyo na unti unti kong natutunan. Paminsan minsan ay dinadalaw o kinakamusta ako ni Raj. I'm so thankful despite of what we've been through, our strings is still there.

"Ugh," ngumiwi ako dahil sa pagkirot mg balakang. I need to go to Esquivel airlines para i-check ang ilang bagay. Ang sabi kase sa akin ng secretary ay may ilang mali sa reports at finance department ng company. I forgot that I need to ask that to ate Reese.

Rajan was also busy with his company. I know it's not surprising but Rajan is doing great. I know that he mourned for Riley also but then, marunong lang talaga magdala si Raj kaysa sa akin.

Nang matapos ako mag gayak ay mabilis akong nag luto para kumain ng kaonti. I'm not allowed to eat many dahil nga any time soon ay pwede na lumabas ang baby.

Dinampot ko ang bag ko ng biglang mag ring ang doorbell mula sa labas. The house is slighty huge so medyo natagalan ako sa paglalakad dahil na din mabigat ang aking tyan. Mayroon akong isang kasambahay na marahil ay nasa palengke ngaun.

"Gotica!" bungad ni mommy sa akin. Ang okay na mood ko kanina ay nawala nalang bigla.

"Why are you here?" Tanong ko. Alam ko naman kung bakit siya nandito. It was always like that. Hindi naman genuine ang pangangamusta o pagdalaw niya sa akin. Palagi nalang may kapalit.

"Visiting you. Why are you so mean?" Umirap siya at inayos ang malaking aviator na nakatakip sa mga mata niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at pinipigilan ang iritasyon na nadadama.

"Magkano kailangan mo?" Tanong ko. Wala na akong panahon para sa drama ng ina. Alam ko naman na pera lang ang kailangan niya. Aa Ilan beses nya akong dinalaw ay Hindi siya umuuwi na walang napapala.

"Gotica, shut up!" Pumasok siya sa bahay ay prenteng nilibot ang mata sa kabahayan. Napatigil pa nga siya sa malaking portrait ni tita Salve at Riley sa hallway papuntang sala. But then, umiwas siya agad ng tingin sa portrait at nagpatuloy maglakad.

Inis na inis akong sumunod sa kanya. Bukod sa mabagal ako at hirap maglakad ay may aasikasuhin ako ngaung araw.

"What do you want mom?" Tanong ko ng umupo siya sa sala. She looked at me with disbelief. Nakipagtitigan ako sa kanya pero sa huli ay siya din ang nag iwas ng tingin.

"Dito paba nakatira si Reese?" She suddenly asked. Kumunot ang noo ko at bahagyang nagtaka. She never asked anything from the people around me. Nagulat ako kase ngaun lang siya nagtanong.

"What about her?" Tanong ko pabalik. Umirap ulit si mommy sa mommy pero sumeryoso ang mukha.

"Tinanong kita, binalikan moko ng tanong. Are you serious?" She said. Ramdam ko din ang kaonting iritasyon sa boses niya.

Huminga ako ng malalim. Ayan na naman ang pagkirot ng aking balakang. Umupo ako sa couch na nasa harap niya. Mom is seriously watching me kaya naiilang ako ng bahagya.

"Hindi. I left her at Rajan's condo unit. Why asking though?" Sagot ko. Tumango si mommy. Somehow, nakitaan ko ng relief ang mukha niya. Nakuha pa niyang ngumiti at tumango.

"You gave her power of attorney to manage your assets right?" Tanong niya ulit. Nagtataka man ako ay tumango nalang ako sa kanya.

"You've done it wrong." Salita niya. Titig na titig ako sa kanya at saka ako natawa ng bahagya. Isang sarkastikong tawa. At ano ang tama?

"Why? Because that should be you?" Tanong ko. Nanunuya. Umiling si mommy paulit ulit. She gave me a creepy smile. Kung tumawa ako ng sarkastiko ay mas lalo na siya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Sumasabay pa ang paghilab ng tyan at pagkirot ng balakang.

"I never intended to handle any of your businesses, Gotica. What's the point? Pwede naman akong humingi nalang sayo di'ba?" She said blauntly. This is one of the thing why I'm still giving her whims. Pranka siya at hindi nagpapanggap.

"So.. what's your point then?" Tanong ko.

" You trusted a stranger, anak." Panimula niya. Nakaramdam ako ng kakaibang feelings dahil ngaun niya lang ako tinawag na anak. But then, I let her continue. Hindi kami magkakaintindihan kung sasabayan ko siya.

"Hindi mo ba alam kung ano ang pagkatao ng babae na iyon? Yes it's legit na kapatid siya ni Raj. But they grew up differently. She grew up the hard way. You never doubt her intensions dahil kapatid siya ni Raj. But, Gotica. Do you really know her?"tanong nita ulit. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa mga sinasabi ni mommy. Somehow, part of me knows that she is right.

But then, wala naman pinakita sakin masama ang tao. She never showed any bad intensions. Infact, she was there for me at lowest. Siya ang matyagang nagtiis sa ugali ko nung nawala si Riley. 

"Of course she will show good for you not to see her real intension." Sabi ni mommy. Ang tanong sa utak ko ay Lalong dumami. Hindi na ako makasagot dahil masyado na siyang seryoso.

"Ninanakwan niya ang company mo. I may look like a gold digger to you pero hindi ko hinangad ang kapahamakan mo. So pina-investigate ko ang taong pinagkakatiwalaan mo." She said.

Napanganga ako sa sobrang gulat. Ngumisi si mommy sa akin at umiling. "You are so nice and still naive. Naloloka kase ang bilis mo magtiwala."

Humawak ako sa tyan ko dahil pabalik balik na pagsakit. Mommy is little bit worried but she managed to continued.

"And this will break you but you need to know." Tumingin ulit sa akin si mommy at bumuntong hininga.

"Your accident was not a real accident. That car was intendly going to smash you. Sa kasamaan palad, si Riley ang nawala. That was not an accident. It was intentional. And you wanna know who's behind that?" Pabitin niyang sabi. Kumuyom ang kamao ko ng maala ko ang gabi na iyon. Ang gabi na nawala si Riley.

"The car is owned by Camille Esquivel because it was her rental car. It was rented by a guy and that is connected to Reese Alfonso. It was Reese boyfriend, Gotica." Diretso at seryosong sabi ni mommy.

"Hindi mo alam na kasama mo pala ang papatay sayo. She killed Riley anak. It was supposed to be you. It's just that Riley turned into collateral damage when they failed to kill you."

What the hell?

Pareho kaming napasinghap ni mommy ng may marahas na nagbukas ng pinto. Pareho kaming napatingin sa armadong mga lalake na mabilis kaming pinalibutan.

Napahawak ako sa tyan ko para protektahan. Nagulat ako ng lumitaw si ate Reese. "Game over, Gotica."

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon