OS kabanata 56

1.2K 43 1
                                    


"Reign Scarlet Esquivel." Tuwang tuwa si Alice sa pangalan ng anak ko kaya palaging buong buo kong tawagin. Umiling ako sa kanya habang natatawa.

We are now living in my old house. Ang iba nga lang ngaun ay pina-renovate ito at mas pinaganda. Nagkaroon din ng swimming pool sa may likuran kaya ayos naman na.

Limang buwan na si Scarlet simula ng pinanganak ko. Dinagdag ko lang din ang pangalan ni Scarlet because that was Riley's wanted. Hindi nga ako nag paultrasound para surprise ang gender. Sinasabi lang ni Riley noon na  babae ang magiging kapatid niya. Suprisingly, babae nga.

Mas tanggap ko na ngaun ang pagkawala ni Riley. But then, hindi mo pa din maalis sa akin ang ma-miss at hanapin siya sa bawat araw at Oras.

Dalawang buwan na din kaming kasal ni Raj. Like I've asked him, simpleng civil wedding lang ang naganap. Well, we are still planning for church wedding pero napag kasunduan namin saka nalang.

Si Raffy naman ay bumalik sa Australia para doon na ituloy ang career at mamuhay. Hindi na kami kumontra ni Alice. He is still mourning for our loss of Riley.

I can't blame him because he was almost a father to Riley. Hahayaan ko siya. I know someday he will forgive and he will heal from the tragedy.

We are also fixing the merge of the airlines and Raj's aviation company. He wants to make a plane that he will name after Riley. Natuwa ako sa balita because I know that Riley will be surely happy.

"Nasan pala si Raj?" Tanong sa akin ni Alice. Dumaan lang naman siya dito para kamustahin kami. I'm happy because she succeeded on the path she took. Ang alam ko din ay engaged na siya with Jace and they are planning the wedding next year.

"In our room. Hindi pa tapos maligo." Sagot ko. Siya kase ang nagbantay kay Scarlet nung nag aayos ako. May kasambahay kami pero hindi kami kumuha ng yaya.

We wanted to be on hands to our daughter. Hindi na nga muna ako pinapapasok ni Raj sa company but I'm still studying online. Sinusuportahan niya pa din ako sa gusto ko. And he want me to finish my degree also.

"So paano, aalis na ako. Mag ingat kayo at enjoy." Salita ni Alice. Hinalikan niya pa ang noo ni Scarlet. She even hug me before she walks away.

Pinanood ko ang kaibigan na naglalakad palabas at pasakay sa sasakyan.

Ito ang bagay na hindi ko na-appreciate noon. I always wanted to have a family while they were there always for me as a family.

Hindi ako nagkaroon ng contentment noon kaya palagi akong naghahanap. Palagi kong sinasabi na kulang when infact, my friends are too much to called my family.

Kumaway ako sa kanya ng bumusina siya at tuluyan ng nawala. I kissed Scarlet when she giggled. Kuhang kuha niya ang features ni Riley na kamukang kamuka ng papa nila.

Papasok na sana ako sa bahay ng may humintong sasakyan. Napabuga ako sa hangin ng makita na si mommy pala ang lumalabas sa sasakyan.

Somehow, a part of me forgave her for neglecting me. She's not a perfect mother but somehow, I know that there's part of her that still care for me and value me as her daughter.

Siguro, kagaya ko. Hindi niya alam kung paano iyon ipapakita dahil hindi naman talaga ako lumaki sa kanya o hindi naman talaga niya ako naalagaan.

But then, natuto akong tanggapin siya at patawarin. Bigyan ng chance para bumawi at ramdam ko na ginagawa niya ang best niya not just for me. Para din sa asawa at anak ko.

"Good morning baby!" Malakas na salita niya kaya nagulat si Scarlet. Ngumuso pa ang anak ko nagbabadya ng pag iyak kaya nagulat si mommy. In an instant her voice became soft at kinuha sa akin ang anak.

"Shhh, sorry don't cry. Mamita is here." Pang aalo niya sa anak ko. Umiling ako habang nakangiti habang sinasayaw niya si Scarlet.

Ang nagbabadyang iyak ng anak ko ay bigla nalang nawala. Inaya ko si mommy sa loob ng bahay. She went inside first habang isasara ko sana ang gate.

Natigilan ako ng may isang puting kotse ang huminto sa harap. We are  not expecting anyone at wala akong kilala na ganitong sasakyan. Hindi ko alam kung trauma ba ito dahil bigla akong kinabahan.

Bumukas ang pinto ng sasakyan. Humigpit ang hawak ko sa gate. Titig na titig ako sa bumaba sa driver's seat hangang napanganga ako.

It's Rajan's mom. Walang nagbago sa kanya. Hindi siya mukang nawalan ng lahat. Well, alam ko naman na dahil ito kay Raj. Kahit ganun ang nangyari ay hindi niya natiis ang mommy niya. It's fine with me though. Naiintindihan ko at hindi ako nagagalit. At alam ko din naman kung ano ang pinaggalingan ng isang Camille Esquivel kung bakit siya nagalit sa akin.

Lumunok ako ng magtama ang mata namin. Unlike noon, hindi na ganun katapang ang mga mata niya. She looks normal and nicer.

"Goo--d morning po," I don't know why I stuttered. May parte kase sa akin ang kinakabahan.

Tumango siya ng makalapit. "Goodmorning," she said. Para akong nabunutan ng tinik. Buong buhay ko yata ay ngaun lang ako kinausap ng maayos ng isang Camille Esquivel.

"Si Raj po ba? Pasok po kayo." Salita ko. Umiling lang siya at tipid na ngumiti. " I personally went here to talk to you." Sabi niya. Hindi ko man maintindihan ay tumango akom binuksan ko pa ang gate para papasukin siya pero di niya ginawa.

"I wanna say sorry for everything, Gotica. I hope it's not late." Paunang sabi niya. Hindi ko alam kung ilang beses ako magugulat sa presensya at sinasabi ng mommy ni Raj. But then, I chose to listen. Hindi pa man siya humihingi ng tawad ay pinatawad ko na siya. Iba pala ang feeling kapag makuha mo yung bagay na hindi mo naman na inaasahan.

"I've been harsh to you all your life for my childish reasons. I'm sorry for everything. I'm sorry for your loss and such. I'm sorry kung masyado mataas ang tingin ko sa sarili. When I lost everything, madami akong bagay na natutunan. Madami kang bagay na itinuro sa akin." Diretsong sabi niya. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita o sasagot sa kanya.

"Please forgive me. I still want to be part of the family. Ayokong mag isa." She said with eyes teary. Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanya at niyakap siya. I know the feeling of being alone at ayoko ng may makaramdam ng ganoon.

"You are always welcome, madaam. You are family." Sabi ko. Lalong napaiyak ang mommy ni Raj. Tahimik siyang umiyak halata ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya. Kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako at saka siya ngumiti. "I understand why my son loved you eversince. Thank you." She said. Pinunasan niya Ang luha niya at ilong na bahagyang namula. She even tapped my shoulder and smiled weakly.

"And call me mama, Gotica." Pahabol niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti. I am too overwhelmed to say anything. Her sorry was a blow for me. Yun Ang bagay na Hindi ko na inasam o inasahan pero nangyari pa din. Maybe, lahat ng nangyari sa Amin ay Isang dahilan para matuto kaming umintindi at magpatawad.

Pinanood ko ang pag alis niya hanggang mawala ang sasakyan niya. Hindi ko alam na mas may aayos pa pala sa pakiramdam ko. Totoo palang mas mabubuhay ka ng tahimik kapag wala kang kaaway at natuto tayo magpatawad.

"Love!" Sigaw ni Raj mula sa pinto. He was holding all the basket I prepared para sa pagdalaw namin kay Riley. Si mommy naman ay nasa likod niya karga si Scarlet. Ngumingiti ako at tumango sa kanya. Pagkalapit ko kay Raj ay hinapit niya ang beywang ko sabay halik sa noo ko.

"Who were you talking to?" He asked. Umiling ako sa kanya."Wala, sinara ko lang gate." Sabi ko. Our talk is between me and his mom. Tumango lang si Raj.

"Lets go?" Ngiti niya sabay bukas ng pinto ng sasakyan.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon