OS- kabanata 28

1.4K 42 2
                                    


Tahimik ako sa sasakyan niya at ganun din si Raj. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa akin.

He was in deep thoughs. Dama ko iyon kaya tumahimik nalang ako at hindi na siya sinabayan pa. Napagkasunduan din namin na dahan dahanin ang lahat.

Sabay namin ipapakilala siya kay Riley at unti unting ipapaliwanag sa anak ang lahat.

"Uh, saan tayo?" Tanong ko sa kanya. Tumigin muna sa akin si Raj at saka sumagot.

"Sa condo ko." Sagot niya. Tumango ako at kinagat ang pang ibabang labi. Kahit hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ay tumango nalang ako sa kanya.

"Is our son will be fine?" Tanong niya ulit. Para bang iniisip niya kung okay lang si Riley na wala kami. Makikita mo din na nag-aalala siya para sa anak.

"Oo. Hindi siya papabayaan ni Alice at Raffy. They are also his family. I trust them. Sila ang katuwang ko noon kay Riley." Mahabang sabi ko. Mabilis na nag iwas ng tingin si Raj habang nag iigting ang panga.

"I'm sorry. I wasn't there." Sagot niya. Para pa ngang nag sisi siya na hindi ko maipaliwanag. Huminga ako ng malalim at hinaplos ng marahan ang braso niya. Now I can't control my feelings for him. Kusa itong lumalabas naturally and I can't help it. Siguro kung susugal ulit ako sa kanya ngaun. Maybe it's all worth it this time. I just hope so.

"Tapos na yun. Ang mahalaga kilala mo at tanggap mo si Riley ngaun. Yun lang naman ang importante sakin Raj." Sagot ko.

Tumango si Raj. " I know. Hindi ko lang siya tanggap. I will give him what I supposed to give him. I will support you and our son. Hindi kana mag isa ngaun, Icai." Sabi niya. The gentleness of his voice somehow comforts me. Parang pinipiga ang puso ko sa mga salita niya. I hope you're true to your words this time Raj. Pakiramdam ko ay hindi na ako mahihirapan o magiging mag -isa.

Sa panahon ngaun. Wala akong naiisip na iba kundi ang kasiyahan. Happiness that I always wanted and dreamt about. Sa lahat ng hirap na dinanas ko noon. I never expected that I will be this happy lalo na para sa anak ko. Second happiness ko na kase ang sarili ko. But then, maybe God is still good to me kase sinama niya din ibigay sa akin ang kaligayahan ko.

Lumiko ang sasakyan niya sa isang basement sa isang malaking building near BCG. The place is dark ang quiet. Parang ang pribado masyado ng lugar at hindi ka basta basta lang makakapasok.

Mabilis na bumaba si Raj sa sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan. I'm not used of this. May ilan pang tao na kakababa lang din sa sasakyan so nagdadalawang isip ako kung bababa naba ako.

"What's wrong?" He asked. Tila ba naguguluhan.

"May tao." Sagot ko sabay kagat ng pang ibabang labi.  Tinitigan ako ni Raj sabay taas ng kilay. "So?" He said innocently. Umirap ako. Siya lang naman din ang iniisip ko. At literal na wala na talaga siyang pakialam sa ibang tao.

"Diba.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Stop worrying about other people lalo na kung walang ambag sa buhay mo." Hinila niya ako palabas ng sasakyan kaya wala na akong nagawa.

Ang ilan kakababa lang ng sasakyan ay nakipag tanguan pa sa kanya sabay tingin sa akin.

"I'm not used to this." Pag amin ko. Ayoko ng atensyon ng tao na binibigay aa akin dahil sa kanya.

Umigting ang panga niya. "From now on, get used to this. I wont hide you anymore. Akin ka lang, Icai." Sagot niya tsaka ako tuluyan hinila.

Para akong bata na nakasunod sa kanya. Hindi niya din naman binitawan ang kamay ko kaya hinayaan ko nalang para wala nang usap. Bawat hakbang ko at bawat nakakasalubong namin ay parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon