OS- kabanata 1

5.8K 132 41
                                    

"Icai! kumain kana..." napatingin ako kay Tita Salve ng tawagin ako. Nakaupo ako sa sala habang naghihintay sa pagdating ni Mama o Papa.

"Hihintayin ko po si Mama... Oh kaya po ay si Papa..." pumiyok ang boses ko. Birthday ko ngaun at labing tatlong taon gulang na.

Anak ako sa labas ng Mama at Papa ko. No one wants me to be with them dahil masisira ang kanya kanya nilang pamilya. May asawa ang Mama ko at may asawa na din ang Papa ko.

Walang nakaka alam na anak ako ng isang sikat na Fashion Designer at isang Senador. Of course, kung may makakaalam man nito ay masisira ang pangalan nila na kanilang pinangalagaan sa mahabang panahon.

Binibigay nila ang pangagailangan ko pero wala silang oras para sa akin. Si tita Salve lang ang nag alaga sa akin mula bata pa ako. Panganay na kapatid siya ni Mama at siya na din ang tumayong nanay ko.

Nakita ko ang malalim na buntong hininga niya. Halata ang pag aalala at lungkot sa mga mata ni tita Salve para sa akin.

"Nako... Baka hindi sila makapunta. Alam mo naman madami silang ginagawa di'ba?" salita niya sabay upo sa tabi ko at malamyos na hinimas ang buhok ko.

Tumitig ako kay tita Salve at pinilit maging matatag at masaya. Ayoko naman masayang ang hinanda niya. Alam ko naman na tama siya. Ilan birthday ko na ba ang hindi manlang naalala ng mga magulang? Kahit ako ay hindi ko na ito matandaan.

"Tita, baka po kasi ngaun bigyan nila ng panahon ang birthday ko. Kahit po isang salo salo lang... O kahit sandali lang..." sagot ko. Pinanatili kong malamig ang expresyon ko kahit ang totoo ay ang sakit ng nararamdaman ko.

Nakukuha ko ang lahat ng materyal na bagay mula sa magulang ko pero hindi ko makuha yung kalinga at pagmamahal mula sa kanila. Minsan, naiisip ko na sana ay hindi nalang nila ako binuhay kung pagkakamali lang ang tingin nila sa akin.

Palagi nalang sinasabi sa akin ni tita Salve na mahal ako ng magulang ko pero bakit hindi ko maramdaman? Kung mahal nila ako bakit ako mag isa? Nasaan sila? Ganun ba ang pagmamahal?

"Tadaaa!" sabay kaming napatingin ni tita Salve kay Alice na bigla nalang lumitaw. Ang kaninang sasabihin ni tita Salve ay biglang nawala.

"Oh, bakit malungkot ang kapatid ko?" humagikgik si Alice kaya bigla akong napangiti kahit papaano. Mas matanda sa akin si Alice ng dalawang taon at magkapit bahay lang kami dito sa subdivision.

Limang taon gulang palang ako ay kaibigan ko na siya. Kagaya ko, palagi din wala ang mga magulang niya dahil sa trabaho kaya kami na din ni tita Salve ang naging pamilya niya.

"Kumain kana ba, Alice?" si tita Salve ang sumagot kay Alice.

"Tita naman... kaya nga po ako nandito para makikain. Tsaka, birthday kaya ni Icai!" masiglang masigla si Alice na may kasama pang paghagikgik. Kahit kailan ay hindi ko iyan nakitang malungkot o mahina. Sa amin dalawa, siya palagi ang nagpapaintindi sa akin kung bakit mag isa ako at iniwan ng magulang. Positive thinker yan, e. Palagi nalang niyang tinitignan yung bright side even when in reality, everything is dark for the both of us.

"Happy birthday!!  Ayiee... Dalaga kana! Ano? Nireregla ka naba?" walang prenong salita niya kaya pinamulahan ako ng pisngi. Si tita Salve ay halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero dahil sanay na siya kay Alice ay napangiti nalang ito at umiling.

"Nako! Kung ano ano ang lumalabas sa bibig mong bata ka! Tara na Icai, kumain na tayo." tinayo ako ni tita Salve kaya tumayo na din ako. Si Alice naman ay kinawit ang braso niya sa braso ko.

"Punta tayo sa clubhouse mamaya ha." bulong niya sa akin. Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya.

"Ano ang gagawin natin doon?" Nagtatakang sagot ko.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon