OS- kabanata 45

978 27 2
                                    


Masaya ako para kay Brent at Lakan pero hindi ko alam bakit hindi ko makuha maging lubusan masaya. Simula ng sumagot kanina si Raj kay ate Reese ay nawala ako sa mood. Sumasagot ako kapag tinatanong at ngumingiti ng tipid kapag may bumabati.

Nagsisimula ang kasiyahan ang araw ay sikat na sikat na at ang iba naman ay nakasuot na ng kanilang two piece para magsaya sa dagat.

Pinanuod ko si Riley na masayang masaya na nagtatampisaw sa dagat kasama si ate Reese. Si Raj naman ay may kausap na iba tungkol sa negosyo at ano pa man.

"Are you okay?" Halos mapalundag ako ng lumitaw si Bree sa gilid ko. Hindi ko pa maiwasan mamangha sa suot niyang itim na pares na two piece. Kitang kita ang hubog ng katawan niya at kumikinang ang mala porcelana niyang balat. Ang buhok niya din ay sumasayaw sa bawat hampas ng hangin.

Manghang mangha akong nakatingin sa kanya. She is perfect and indeed a goddess.

"Yup, okay lang ako," sagot ko at ngumit ng tipid. She's all smiling. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang maliit na umbok ng tyan ko.

"Can't believe you and Raj will have your second baby." Salita niya. Mayroon na silang anak ni Anton. Kambal na babae. At hindi mo maipagkakaila na sila ang magulang dahil sobrang ganda ng kambal nila.

Pag tinignan mo pa siya ay muka siyang bata at dalaga. Paano niya kaya naalagaan ng gangyan ang sarili niya kahit may anak na siya?

Wala talaga akong masabi kaya ngiti lang ang naibigay ko. I know Bree will get offended and will find me rude pero wala talaga akong maisip na sabihin sa kanya.

"Relax ka lang and enjoy. I will just find my daughters." Sabi niya. Tumango lang ulit ako at ngumiti. Nagsimulang maglakad si Bree na parang artista na pinagkaguluhan ng mga lalake. Not literally pero lahat ng mata ay halos nasa kanya. I even saw Raj na napatingin din sa kanya.

Mabilis ako nag iwas ng tingin at hinanap si Riley. Nakita ko na masaya pa din na naglalaro ang anak kasama si ate Reese.

Bumaling ako sa lugar ni Raj at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya.

Nagsimula akong maglakad lakad sa lugar. Hindi naman ako masyadong lumalayo dahil sa init ng tirik na tirik na araw. Nakita ko sir Bree kasama na ang anak niya na ilang buwan palang. Si Antonia at Bianca.

Tumingin ako sa dagat at nilanghap ang sariwang hangin. Napasinghap ako ulit ng may yumakap sa beywang ko mula sa likuran. Alam ko na kung sino ito. Amoy palang niya ay kilalang kilala ko na.

"Why are you quite?" Tanong niya. Umirap ako kahit hindi nakikita ni Raj. What he expect? Mag-ingay ako dito at makipag usap sa Hindi kilala?

Hinawakan niya ang baba ko para iharap sa mukha niya at magtama ang mga mata namin.

"May problema ba?" Tanong niya. Worried is all over his face pero wala talaga ako sa mood ngaun. Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako ng bahagya.

"Okay lang naman ako." Sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya. Kumunot ang noo niya at halatang hindi naniniwala. Bala ka jan!

"Hindi ka okay. You're off. Bakit?" Tanong niya ulit. Medyo seryoso na siya ngaun. Wala akong pakealam! Nataamaan kase ako ng sinabi ni ate Reese kanina at sagot niya.

Yes we were engaged pero bakit wala pa din kaming pag uusap about sa kasal? Bakit wala pa din plano? Hindi naman sa atat na atat ako pero nagtaka din ako kung bakit wala.

Hindi na ako sumagot. Narinig ko ang buntong hininga niya at hawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang puno na hindi masyadong matao kaya nagpatianod nalang ako.

"Now talk. Ano ang problema, Gotica?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang sincerity at pag aalala niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi nilalaban kung sasabihin ko ito o hindi. But then, mas okay na din siguro for me to clarify things.

"Why are we still don't have plans or talked about or wedding?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya na agad naman nawala.

"Uhuh," he said sabay tango. Dinilaan pa niya ang pang ibabang labi. "Coz I think, hindi kapa handa. You have goals that you haven't achieved yet. Gusto kong makuha mo muna ang gusto mo at mag enjoy bago kita itali." He said.

Yumuko ako dahil alam kong tama siya at dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o pinapagaan lang niya ang loob ko pero nakakatulong iyon.

"I stole your childhood, Gotica. Faced it all alone and never enjoyed your younger years. Gusto ko maranasan mo ito ngaun. Kaso, ayan na buntis ka ulit. But then, I still want you to get your dreams and fulfilled the taken years. Ako na bahala sa mga bata."sabi niya. Somehow, naiintindihan ko siya at tama siya. I want to be succesful on my own.

Kaso hirap ako. Lahat ng bagay ng ginagawa ko ay nakukuha ko sa mahirap na paraan dahil mahirap lang ako. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tumikhim si Raj at iniangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.

" Hindi kana mag isa at mahihirapan  ngaun, Icai. I'm your partner in everything. Don't worry about our wedding okay?" Salita niya. Para akong bata na tumango nalang sa kanya. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

"I love all of you. And I want to be your partner, forever. But I want to make it happen with the right intensions and for the right reasons." He said. Tumango ako at yumakap sa kanya kahit hindi ko naman siya naiintindihan.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon