OS- Kabanata 34

1.1K 31 2
                                    


"What? Paano nangyare iyon?" Gulat na gulat na tanong ko. I even looked at him to see if he's joking pero walang bakas ng pagbibiro ang mga mata niya.

"It's real, Gotica. Lets sit and I will tell you the whole thing." Hinila niya ako sa may gilid ng gazebo kung saan tahimik. Hindi ko namalayan na masyado na palang malalim ang gabi.

Kumawala ako mula sa pagkakahawak niya. Bahagya pa akong nakaramdam ng awa kay Raj dahil sa pamamayat niya at pagkakaroon ng malalim na mga mata.

Halata mo sa kanya na hindi rin siya nagkaroon ng kapayapaan noon mga nakaraan. Ngumuso si Raj kahit hindi niya ako tinitignan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang mga mata sa malawak na kalangitan.

"Remember when we were younger?" He suddenly asked. Tumango ako sa kanya. Iyon yung mga araw na tinatago niya ako sa mundo. Mga araw na paulit ulit kong inaamin na mahal ko siya at paulit ulit niya akong tinatanggihan.

Mga araw na baliw ako sa pagamamahal pero binabalewa niya. Mga araw na palagi ko siyang pinipili kahit hindi ako ang pinipili niya.

"My mom and dad always fight kaya ang gulo gulo din ng kabataan ko. I don't know what's the reason hanggang sa nalaman ko na may karelasyon si Daddy at nagka- anak sa iba." Salita niya.

Hindi ako nagsasalita. Nanatili akong tahimik sa harap niya. Nasasaktan din ako kase akala ko ang perpekto ng buhay niya pero hindi naman pala. Ako yung bata na sinasabi ni Raj. Ako ang batang nag papangit at nagpahirap sa kanya nung kabataan niya.

Bumuntong hininga siya tila ba nag iisip kung itutuloy niya ba magsalita o ano.

"Until I met you. Unang kita ko palang sayo ay gusto na kita. I just don't have the balls before dahil mas bata ka." Patuloy niya.

Tandang tanda ko ang araw na iyon. Birthday ko noon at inaya lang ako ni Alice na maglakwatsa sa clubhouse para libangin ako sa paghihintay sa pagdating ng mga magulang. Araw na nagustuhan ko na si Raj.

Bahagyang ngumiti si Raj. "I was totally smitten sa isang junior highschool na babae while I was in college. Kaio even teased me pero kahit minsan ay hindi ako umamin." He smiled at shooked his head. Tila ba may inaalala na mga bagay na nahihiya siya.

I don't know what to feel. Alam kong may special sa pagtrato niya sa akin noon at minsan ko na din binigyan ng label o laman. Kahit kasi paulit ulit itanggi ni Raj na may feelings siya sa akin noon. Iba pa din yung ginagawa at pinaparamdam niya sa lumalabas sa bibig niya.

"Alam kong alam niya iyon because he knows me well. Pero dahil hindi pwede, I kept it myself." Bumuntong hininga si Raj. Tila ba ang dami niyang iniisip at gusto sabihin pero hindi niya alam kung paano uumpisahan lahat. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

Umiwas siya ng tingin sa akin at marahan piniga ang kamay ko. "Day by day, I always search for you. Naasar sa mga kabalastugan ginagawa mo. I want to control you and tell you that I'm here..."

Naalala ko tuloy yung nahuli niya kami ni Jace sa garden. Yumuko ang bahagya dahil sa kahihiyan. Natatawa sa mga kagagahan noong kanabataan.

"Gusto kitang bawalan at pagalitan pero pinalaya pa din kita. As much as I want to keep you, I always ended up freeing you." Ngumiti ulit siya na parang madaming inaalala. I smiled too. Memories from our younger years was not quite good pero masasabi mo na for keeps. Kase, kung hindi naman namin pinagdaanan iyon noon. Wala kami sa kung ano man ang meron at nasaan kami ngaun.

"But then, Fate played us well. I was willing to confess to you pero nalaman ko na ikaw ang anak ni daddy. Wala na si daddy ng malaman ko na ikaw ang bata na iyon. By accident. Nakita ko ang profile mo sa kwarto ni mama confirming that you are the real Esquivel." He said painfully. Nagbago ang expresyon ng mukha niya at napalitan ng sakit. I can the pain he felt long time ago.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon