Chapter Four

4.5K 134 1
                                    

Chapter 4

"SCARLETT, okay lang ba talaga sa'yo na isangla natin ang hikaw mo?" Hindi halos makatingin si Scarlett sa binata. Kinakabahan siya na malaman nitong sinisilipan niya ang binata.

Silip nga ba? She was just checking him out.

"Scarlett?" Ulit na saad ni Sebastian nang hindi sumagot ang dalaga.

Feeling ni Scarlett ay nabuhol ang dila niya dahil sa narinig pagkapahiya.

"Scarlett, nakikinig ka ba?" Napugto na nga ng tuluyan ang kaniyang hininga ng hawakan ni Sebastian ang panga niya. She gulp and looked at his beautiful face.

Bakit ganoon kahit alam niya kung paano hinulma ng kahirapan ang lalaki'y iba parin ang dating nito sa kaniya. He was like a living god. Nakaka akit ang bawat tingin.

"Scarlett?" Sa pang-apat na pagtawag ng lalaki sa kaniya ay napaatras siya.

"A-ano nga 'yon Seb? I didn't hear it clearly kasi e." She lied and get up from the wooden chair.

"Okay ka lang ba? Namumula ka a." He said at muling hinawakan ang pisngi ng dalaga. Halos manlaki ang mata ni Scarlett at nilagay ang dalawang kamay sa pisngi.

Namumula siya?

E paano ba naman! Ang lapit lapit ni Seb. Hindi siya sanay na biglaan itong naging gentleman. Diba nakilala niya ito bilang lalaking gusto siyang itaboy?

"H-hindi kaya!" Saad niya at muling lumayo.

Huminga siya ng malalim.

Come on, Scarlett don't act like a teenager. Naranasan mo a ngang ikasal diba?

"Sige sabi mo e. Pero sigurado ka ba na isasangla natin ang hikaw mo?" Ulit nitong tanong. Agad siyang tumango.

"Yup, I'm sure magagamit natin 'yan sa pangangailangan natin." She spat and went back at him. Sa puntong iyon ay okay na siya. Hindi na masyadong namumula ang mga pisngi niya.

When Sebastian nodded natahimik na sila. Wala silang naging usapan hanggang sa makatawid sila sa dagat at makarating sa sentro.

It took a couple of hours before they got there. Tama talaga si Seb sa desisyon na umaga sila magtungo.

"Ate isasangla ko po." Saad ni Seb sa babaeng nasa loob ng pawnshop. Agad naman na kinuha ng babae ang hikaw at sinuri muna ito.

Scarlett is enjoying herself looking around. Bago sa kaniya ang tanawin ng palengke. She used to buy stuff inside the mall. Medyo messy ang paligid at nalalagkitan na din siya sa init pero iniinda niya. Nakakahiya naman kay Sebastian kung magreklamo pa siya.

Napaigtad siya ng may umupo sa tabi niya. Nilingon niya si Sebastian at lumawak ang mga mata niya.

"Ang mahal pala nung hikaw mo no?" Rinig niyang saad nito.

"Ang dami kong pera." Muling saad nito.

"Nadadamihan ka diyan? Ang liit nga niyan e." She said that made Sebastian looked at her.

"Para saaming mahihirap malaking bagay na 'to. Tara na nga mamili tayo ng mga damit mo." Saad nito at hinila siya upang makatayo.

They went to an open market place of clothes.

"Kumuha ka ng tatlong dress." Saad nito na ikinatango niya. Namili siya ng swak sa taste niya. Kulay navy blue at kulay peach. Sunod naman na pinapili siya ni Seb ng bra at panty. Namili din siya ng shorts, pantalon at t-shirt. All in all they spend 3k for her things and it amaze her.

"Wow! Feeling ko wala akong mabibiling damit na tatlong libo as favorite shop ko." She said while admiringly looked at him.

"Ewan ko ba sainyong mayayaman, bumibili kayo ng mamahaling damit na mabibili naman sa murang halaga. Pero hindi ko kayo masisisi. Kung marami ka nga namang pera bakit ka mag se-settle sa mumurahin?" Tanong nito na siyang ikinatahimik ni Scarlett.

"Galit na galit ka sa mayayaman no?" She out of the blue ask.

"Tch."

Pagkatapos nilang mamili ng mga damit niya ay nagtungo sila sa wet market. They bought fresh veggies, meat and condiments. Marami silang dala kaya't napabili narin sila ng bayong na siyang hawak hawak ni Sebastian.

"Pagod ka na ba? Gusto mo upo muna tayo dun?" He ask and point a small plaza. She nodded and they went there. Halos alas nuebe palang ng umaga.

Umalis muna saglit si Seb upang bumili ng dirty ice cream. She was hesitant when Seb ask her about buying it pero ng makitang mukhang normal naman ito para kay Seb ay hindi na siya nagreklamo. If dirty ice cream can kill bakit buhay pa si Sebastian? Siguro masyado lang talagang OA ang ibang nakakaangat sa buhay.

"Ice cream mo." He said at agad niya namang inabot.

"Thank you Seb." She replied and they both started to lick the ice cream on their hands.

Napalunok si Scarlett ng magkatitigan silang dalawa habang kapwa dinidilaan ang ice cream sa apa. Unang umiwas ng tingin si Sebastian habang siya'y naiwang nakatitig dito.

She can feel her body heating up.

Bakit ganoon? Kahit malamig ang ice cream init na init parin siya.

"Kuya sigarilyo po." Biglang lapit ng isang batang may dalang panindang sigarilyo.

"Hindi ako naninigarilyo toy." Saad ni Sebastian na ikinangiwi ng bata.

She admiringly looked at Sebastian. Who on Earth don't smoke? Akala ni Scarlett lahat ng kaedaran niya naninigarilyo. Almost of her friends are smoking. Ito ang tumatak sa isipan niya dahil halos sa bar siya mamalagi noon kung saan napaka-raming cigarette sucker.

"Kendi nalang kuya, bili ka na." Saad nito, agad na bumunot ng wallet si Sebastian at naglabas ng ten peso coin.

"Oh limang candy at limang bubble gum." Saad niya na agad na ibinigay ng bata.

Her throat dried while looking at Sebastian kaya she cleared her throat.

"Bata may tubig ba kayo na malamig?" She ask. Busy parin ito sa pagpulot sa mga candy.

"Ice water ba ate? May kakilala ako--"

"No, no. Bottled water ang gusto ko." Agad na lumiwanag ang mukha nito at tumango.

"Tatawagin ko po." Saad nito at umalis na.

Bumuntong-hininga siya ng umalis na ito at lumingon kay Seb. Her heart ragged when she meet his gaze.

Her brows up.

"What?" She annoyingly asked. Sinadya niyang malditahan ito upang di makahalata na kinakabahan siya.

"Wala." He said and shook his head. Agad siyang umiwas ng tingin dahil pakiramdam niya namumula siya.

Bakit sa simpleng pagtitig o pagtingin ni Seb sa kaniya tils kinikilig siya?

Ilang araw pa nga ba siya sa puder ng lalaki?

Ah, dalawa.

"Ate bente pesos." Saad ng bata na may kasamang babaeng bata rin. Agad silang inabutan ng twenty pesos ni Sebastian.

"Mag-asawa po kayo?" Tanong ulit nito na agad niyang ikinailing.

"Bakit bagay ba kami?" Tanong ni Sebastian na halos nagbigay ng mini heart attack sa kaniya.

Nilingon niya si Sebastian na may ngiti sa labi.

"Sobrang bagay!" Sabay na saad ng dalawa at umalis na.

Muli siyang tumingin kay Sebastian.

"Bagay daw tayo." Saad nito na may ngisi sa labi.

"Che!" She spat and throw her gaze away.

___

Trapped with the Lost Billionaire R-18 ✓Where stories live. Discover now