Two

2.3K 49 0
                                    

Nelle's POV

Nagtatali na ako ng buhok ko ng biglang may kumatok sa pintuan at nagsalita.

"Ate gising kana ba? Ano ba lulutuin ngayon?"

Inayos ko muna ang suot ko at tsaka inayos ang pagkakahiga ng anak ko at lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pintuan bumungad sakin ang magulong buhok ni sherlock at antok pang itsura nito.

Napailing na lang ako sa naisip ko.

"Ako na ang magluluto, gumayak kana lamang at papasok ka pa diba? Sige na at baka malate kapa" tumango ito at bumalik ulit sa kwarto niyang katapat lang din kwarto namin.

Bumaba na ako at naghanda ng lulutuin, habang nakasalang ang sinaing ko ay nag gagayat na ako ng mga rekados na kakailanganin.

Matatapos na ako sa pagluluto ng ulam ng biglang may sumigaw at nakita ko si Sherlock na nakatapis pa ng tuwalya na nasa sala.

"Bakit? Anong nangyare sayo at nagkakanda sigaw kapa dyan?"

"Kasi naman ate may gagamba na malaki sa banyo! Di ako makaligo"

"Nako naman, hala sya doon kana lamang sa kwarto namin maligo. Dalian mo na at mamaya magigising na yung isa at bigla yun napasok ng cr"

Tumango naman ito at umakyat na sa kwarto namin. Pinagpatuloy ko lamamg ang naudlot kong ginagawa kanina.

Tapos na ako sa pagluluto at paghahain ng dumating ng sabay ang dalawa. Naka school uniform na si Sherlock samantalang ang anak ko naman ay gulo-gulo pa ang buhok at halatang bagong gising.

"Mommy" ungot nito sakin at biglang yumakap sa may binti ko. Binuhat ko ito kahit na ang bigat-bigat na.

"Yes anak?" Nagkusot kusot pa ito ng mata nya tsaka humilig sa balikat ko. At pabulong bulong na nagsasalita.

"Mommy I'm still sleepy, I don't want to go to school" matamlay nitong sabi at humikab pa na halatang antok na antok pa nga.

Nilingon ko si Sherlock at ito ay kumakain na. Hinagod ko ang likod ng anak ko at tsaka umupo, iniharap ko ito at pipikit pikit pa nga.

"Baby you need to go to school, mommy still needs to work besides you love learning another things right?" Hindi ito sumagot at lalo lamang isinubsob ang mukha sa dibdiban ko.

"Is there a problem anak?" Hindi ulit ito sumagot kaya naman nilingon ko ang nasa harapan ko at naintindihan niya na agad ang ibig kong sabihin.

"Nako teh walang gana yan ngayon pumasok kasi inaasar raw sya ng mga kaklase nya bakit wala siyang daddy. Nako teh una na muna ako ah? Malalate na ako eh"

Tumango ako ng wala sa oras at napalingon sa kandong kong bata.

Bigla naman akong naawa sa anak ko, ilang beses na rin akong tinatanong nito nasaan ang daddy nya na pilit kong nilulusutan.

And he's not bringing that topic again, ngayon na lamang ulit.

Nagpaalam na si Sherlock bago isarado ang pintuan kaya tumango na lamang ako, at binalingan ko naman ang anak kong ayaw pa din umalis sa pagkakandong sa akin.

"Baby just don't mind  your classmates ok? Come on cheer up, ako susundo sayo mamaya sa school mo and you know what?" Bigla itong nag angat ng tingin at walang kagana-gana na nagtanong na ano.

"I'm planning on taking you to your favorite place" biglang nagliwanag ang mukha nito at halatang natutuwa.

"Really mommy? We're going to arcades? You're not joking right?"

"Nope I'm not" hinawi ko pa ang buhok nito na may kahabaan na at pinisil ang pisngi. He's so cute.

"So come on hurry up, eat your breakfast and go to the bathroom, ok?" Tumango ito at nagsimula ng kumain ng magana.

Owned by HimWhere stories live. Discover now