Twenty-Nine

655 14 0
                                    

Nelle's POV

"Wooaaahhhh!"

"Sana ol maganda!"

"Nelle!"

"Best wala pa tayo nito sa loob pero pinagtitinginan kana. Paano na kaya sa loob?"

Tumawa pa ito na ikinailing ko na lamang. Heto na nga kaming dalawa, matapos ang ilang minuto na manatili roon para saa seryosong usapan na nauwi sa tuksuhan ay nagpasya na kaming bumalik.

"Gaga ka kasi. Bakit kapa naglagay ng mga bulaklak na ito sa buhok natin?"

Nilingon ako nito ng nakangiti at nag side view pa para mas maipakita sa akin ang bulaklak sa buhok nito.

"Tawag rito ay aesthetics best. Uso yun ngayon. Wag ka nga, maganda naman tayo"

Napailing na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. May point naman ito at talagang mas nakakaganda nga ang bulaklak na nilagay nito na nakuha namin kanina roon at pinalibot sa buhok.

Nagpatuloy na lang kaming maglakad hanggang makapasok sa loob, kung saan nasa bungad pa lamang kami ay tinukso na agad kaming dalawang magkaibigan.

Hindi ko iyon pinansin at hinanap ng aking mata ang aking mag ama. Natagpuan ko ito na nasa pwesto namin kanina at sinasabayan kumain si Xhaito ng pananghalian na ata, habang ang iba naman ay tila wala pa.

"Dun kana sa table namin pumwesto Cherry"

Nilingon ko ito ng hindi ito tumugon, para lang makitang may tinititigan itong lalaki sa hindi kalayuan. I looked at the man she's looking at napatango naman ako, he looks fine at halatang mapera rin, sa uri ba naman ng suot nitong tuxedo kahit nasa beach eh.

"Kilala mo?" bulong ko pa rito.

Umiling ito pero hindi nilulubayan ng tingin ang lalaking iyon na tila nakikipagtitigan rin sa kaibigan ko.

"Bet mo?" tanong ko pa.

Tsaka lang ito napalingon sa akin at tumango-tango pang sumagot ng oo na ikinatawa ko naman. Ang babaeng ito talaga kahit kailan, napakatalas ng mata kapag lalaki ang hahanapin eh.

"Mamaya mo na landiin. Tara na munang kumain" aya ko pa rito ng tila nakikipag titigan pa ulit.

"Sige"

Nakita ko itong ngumiti muna sa lalaki at nauna ng magbawi ng tingin at sumabay sa akin.

"Ang landi ah" bulong ko pa rito at kinurot ng bahagya ang tagiliran nito.

Tumawa naman ito at nag flip pa ng buhok saa harap ko na ikinatawa ko na lamang. Nagpapaganda ang gaga.

"Ma'am Nelle!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita kong kasama ni Joy sila Manang at Ate Mildred at ang iba pa na ngayon ay nagsisipasukan pa lamang sa dining area ng resort na ito.

I smiled at her at kumaway pa bilang sign, hindi naman nagtagal ay nakalapit na ang mga ito sa akin na halatang nagulat sa itsura ko.

"Ma'am ang ganda mo. Sobra ho" namamanghang sabi nito na hindi maalis ang mata sa akin.

"Kayanga. Tama itong si Joy. Grabe mukha kang artista" dagdag pa ni Ate Mildred na akin namang ikinangiti na lamang.

"Sigurado tutuksuhin ka nanaman niyan Ma'am Nelle" sabi pa ng aming driver kanina na ikinailing ko na lamang.

"Nako sari-sari naman kayo. Halika na at mananghalian na tayong lahat" pag aaya ko na lamang sa mga ito.

On our way to the table ay hindi ako tinigilan ng lahat ng aking kasama na tuksuhin at purihin. At ng makita rin ng iba ako ay mas lalo pang nadagdagan, kasama rin sa tinutukso si Cherry na ngiti-ngiti lang at sinasabi na "thank you" raw.

Owned by HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora