Forty-Five

495 9 1
                                    

Nelle's POV

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero parang iba ang atmosphere ngayon, hindi lang sa opisina ngunit ngayon rin dito sa bahay.

Pansin ko iyon sa mga tinginan at mahinang bulungan ng katrabaho ko at ngayon pati ang guard ng bahay ay kakaiba rin ang tingin sa akin.

I wonder what's wrong.

Ngayon na kakauwi ko lang, usually ang madadatnan ko ay sila Joy at iba pang kasambahay namin na pakalat kalat sa labas ng bahay at may kaniya-kaniyang gawa or nagchichikahan, ngayon wala akong nadatnan kahit na isa.

Bagkus nadatnan ko sa sala ang anak ko na tila may sinusulat sa papel nito.

Nilapitan ko ito at tiningnan ang ginagawa, I saw a list of names na mga hindi ko kilala.

"Is that your friends anak?" tanong ko pa rito matapos halikan ang pisngi.

Lumingon ito sa akin na tila nagulat at tinago pa sa likuran niya ang papel na akala mo ay hindi ko pa nakikita.

"Are you surprised I'm here already? Bakit gulat na gulat ka?" natatawang tanong ko pa rito.

Umiwas lang ito ng tingin na ikinataas ng kilay ko. Is he hiding something from me?

"Why don't you look at mommy's eyes baby? You're avoiding my eyes, I know that. Did you do something again? Got into trouble? Or you're hiding something from me? Alin sa mga yan?"

Napalunok naman ito na animo ay kinakabahan talaga. Ano ba ang meron sa batang ito? Akala mo naman ay kakainin kung umakto.

Mas lalo akong naghinala sa kinikilos nito kaya naman pinamay-awangan ko na ito.

"Xhaito I'm talking to you, look at me and answer me. Don't you dare lie at kilala kita, now tell me, what happened? Why are you hiding that paper of yours from me?"

Mas lalo naman itong napalunok dahil sa napapalakas kong boses na sinamahan pa ng pagtaas ng kilay.

"Mommy kasi po—"

"Love you're scaring our son. Look at his expression, stop it, will you?" pagputol naman ng kadarating na si Airon galing sa kusina.

"I was just asking him love, I didn't mean to scare him. It was just he's hiding that paper from me—"

Hinarap ako ni Airon ng bitbit na sa bisig nito si Xhaito na nakasiksik ang mukha sa leeg ng ama nito.

"Love lalaki ang anak natin. Nagbibinata na kaya ganan. Besides it is just names, can we just stop making it a big of deal?"

He said while as if he's tired from saying those words. Ano ba ang meron?

"I am not making it a big deal, I just don't want my son to hide something from me. Bakit ba tila kinakampihan mo ang anak mo aber? Baka naman may kinalaman ka rito?" pagtaas ko pa ng kilay.

Nakita ko na saglit itong natigilan at mukhang nagulat at napaiwas pa ng tingin. Sa pag iwas niya ng tingin ay nakita kong nakasilip sa may gilid ang ilang katulong na tila nanunuod at nakikinig sa argumento namin ni Airon.

Mga nagulat naman ito ng makita na nakatingin ako sa kanila at sabay-sabay na nagsialisan sa pwesto na iyon, at bumalik sa ginagawa.

Ano ba talaga ang meron? Nakakainis na. Pakiramdam ko ako lang ang walang alam sa nangyayari.

"Hindi ko kinakampihan ang anak natin, I am just protecting him—"

Itinaas ko ang kamay ko sandali sa harapan ng mukha nito at pinagkataasaan ng kilay.

"From me? Na nanay niya? Ganun ba?"

I waited for his reponse but I just received a sigh.

"Love it looks like you we're just tired from work. Mukhang lahat kami napapag initan mo rito sa bahay. Just rest, will you?"

Owned by HimWhere stories live. Discover now