Seventeen

1K 25 1
                                    

Nelle's POV

After what happened in the dining room, hindi na kami sabay kumain. Kapag kakain ako lagi siyang aalis sa lamesa at sasabihing mamaya na lang siya kakain kahit na naabutan ko naman na siyang nakain.

Ganun rin sa iba pang bagay, katulad ng kapag nasa sala siya at uupo ako roon upang maglibang rin ay aalis ito, basta lagi siyang aalis kapag malapit ako siya na hindi ko alam pero I found it irritating.

Kung makaiwas kasi akala mo ako talaga ang may kasalanan, at kung ako man talaga hindi ko lang naman kasalanan iyon dahil kasama siya pero kung makaakto akala mo akin lang lahat.

Lahat ng tao sa bahay na ito ay napapansin ang istilo naming dalawa ni Airon at kahit na ang busy kong anak na si Xhaito sa pag aaral at paglalaro ay napapansin rin iyo at nagsisimula ng magtanong tulad ngayon.

"Mom why aren't Dad eating with us? And I noticed everytime you're near to him he'll go away. Inaway mo po ba siya mommy?"

My son is indeed smart, pero aba hindi ko naman ito inaway. I just asked him things na hindi niya kayang masagutan noon pa man hanggang ngayon and I just stated a fact tapos ito pa ang nagalit. What a jerk.

"No baby your dad is maybe just busy that is why. Don't worry he'll with us soon" sabi ko na lang rito at sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay ko.

"Soon? Kailan pong soon mommy? I miss him already, can you please talk to him mom? And convince him to eat with us na po everyday, please mommy? Please?" at nagpa cute pa ito habang magkadaop ang kamay na nakaharap sa akin.

Naawa naman ako sa anak ko, gusto ko rin na kausapin na si Airon para bumalik sa dating sigla ang bahay na ito lalo na ang anak namin pero every time I am attempting to go near him or talk to him lagi itong may mga dahilan.

Naasar pa din ako sa inakto nito nung nakaraan sa hapag kainan pero mas naasar ako na pakiramdam ko iniiwasan niya ako, actually iniiwasaan niya naman talaga ako, kita ng lahat ng tao rito sa bahay.

I am still mad at him but I am getting even mad whenever he go away, I feel like every time he go away nawawala na rin ang chance na magkaayos kami na hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil simula naman nung nangyare noon hanggang ngayon ay hindi na kami maayos pero ngayon gusto ko magkaayos kami.

It's been three days since what happened in the dining room and I feel like I miss him.

'Marupok'

Napairap naman ako sa sinabi ng kabila kong isip, heto nanaman siya.

'Manahimik ka' ganti ko na lang dahil wala ako saa mood na makipagtalo sa kabilang isip ko.

Tatlong araw na simula ang pangyayaring iyon at sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi maganda ang bungad ng araw sa akin, isang beses niya pa lang naman ginawa sa akin ang ganung pagbati ng "good morning"' pero pakiramdam ko namimiss ko na iyon.

Pakiramdam ko may nawala nanaman sakin eh, and I know what it is. Napabuntong hininga na lang ako.

"Alright I'll talk to your daddy so cheer up ok?"

Hindi ito ngumiti kahit na sinabi ko ng kakausapin ko ang daddy nito kaya nagtanong ako bakit malungkot pa rin siya.

"Kasi po hindi na natuloy yung dinner po dapat natin noon and yung pagpunta mong mall hindi rin po natuloy mommy"

It break me to see my son like this and hearing him say those things. Ang laki ng kasalanan na nagawa namin ng ama niya sa kaniya ngayon, pakiramdam ko tuloy kulang ang atensyon na naiibigay ko sa kaniya ngayon at hindi ako sapat na ina.

Owned by HimWhere stories live. Discover now