Forty-Six

507 7 0
                                    

Nelle's POV

Makalipas ang isang buwan mula ng nangyaring iyon sa bahay, naging maayos naman na ulit ang pakikitungo sa akin ng lahat.

Hindi ko na nararamdaman pa ang kakaibang pakiramdam na iyon, tuwing makikita ko ang lahat. Iba na ngayon, magaan lang sa pakiramdam, at sa tingin ko ay bumalik naman na ang lahat sa dati.

Pero napairap na lang ako ng maalalang muli kung nasaan nga ba ako.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang nadadanan ng taxi na sinasakyan ko ngayon, mukhang ilang minuto pa bago ako makarating sa lugar na pupuntahan ko.

Kasalanan ito ng magaling kong kaibigan, hindi pumasok ng biglaan kung kailan may malaking appointment sa isang kilalang tao.

Siya talaga ang naatasan ni Airon na magpunta roon habang ako ay sa opisina lamang at ginagawa ang iba pang trabaho na iniwan muli ni Airon. Dahil sa biglaang business trip nito sa Japan kasama ang isa ring magaling kong anak, na nangako namang makakabalik rin bukas.

At first, I did not agree dahil syempre bata pa ang anak ko, matalino man ito at matanda na kung mag isip ng mga bagay-bagay, bata pa lang rin ito sa paningin ko, my one and only baby boy.

But then Airon said it is just for a day, kailangan lang niya makasama ang anak naming dalawa dahil sa gusto rin raw itong makilala ni Mr. Nakishimoto.

I was even invited in that business trip, but I refused to join, knowing mas matatambakan ang aming gagawin kapag nagsama-sama kaming tatlo. Walang trabaho na matatapos.

Kaya naman kahit hindi ayos sa akin ang ideya na mawawala ang anak ko sa akin ng buong araw, pinayagan ko na rin. Kasama naman niya ang ama niya, and J am sure he will take care of our son, I know him.

Now it's been three hours since they left, and here I am rushing myself to get in to Quezon dahil sa kabaliwan ng kaibigan ko.

I look at my wrist watch and sighed. There is still an hour, pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kakapusin ang oras na mayroon ako.

Napalingon akong muli sa labas ng bintana at napabuntong hininga. Traffic.

Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, nakita kong tumatawag ang gaga kong kaibigan.

Napataas pa ako ng kilay ng makita na tumatawag ito, pagkatapos ng ilang oras na hindi ako pansinin. Kahit na nag iinit ang ulo ko rito ay sinagot ko pa rin ang tawag ng nakakunot na nga lang ang noo.

"Ano nanaman?" bungad ko pa rito bago pa man ito makapagsalita.

Narinig ko ang mahing pagtawa nito na lalong ikinainit ng ulo ko. Pero hindi ko ito pinahalata.

"I was just checking on you best, huwag ka na kasi magalit" paglalambing pa nito.

"Paanong hindi ako magagalit Cherry? First, I was busy doing my job dahil tambak nanaman ang gawain at hindi ka pa pumasok. Second, sa akin mo pa ipinasa ang dapat na ikaw ang gumagawa ngayon, dahil lang sa ano? Dahil magkikita kamo kayo ng jowa mo? Gaga ka bang tunay? Third, ngayon tatawag ka at para ka pang nang aasar riyan sa tono at pagtawag mo"

Huminto ako sandali at huminga ng malalim.

"And last but not the least, traffic ngayon, kakapusin ako panigurado ng oras para makarating roon sa meeting place"

Natahimik ito sa kabilang linya dahil sa pag rant ako ng wala sa oras, pero maya-maya lamang ay nakarinig ako muli ng mahinang hagikhik.

Nang aasar talaga ang babaeng ito. Masasapak ko na ito tamo.

"Sige tumawa ka lamang riyan ng tumawa Cherry, kapag nakita kita may sapak ka sa akin. Nakakainis kamo iyang tawa mong iyan"

"Sorry na best, nakakatawa lang kasi pag rant mo. Ang cute mo eh"

Owned by HimWhere stories live. Discover now