Five

1.8K 46 3
                                    

Nelle's POV

Napatingala ako sa sobrang taas ng building na kaharap ko ngayon. Ilang palapag kaya meron ito?

Busy ako sa pagtatanya kung ilang palapag meron ang building na at pag admire sa kagandahang mayroon ito ng bigla akong mapasigaw sa gulat dahil sa isang busina. Nilingon ko ang pinangalingan nito at nakita ko ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ko.

Bumaba ang driver ng kotse at galit na lumapit sa akin.

"Kung balak mong magpakamatay huwag naman dito miss, sa daraanan talaga ng mga sasakyan? Nakakaabala ka eh" napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya sakin.

Ako magpapakamatay? Malabo pa sa mata ng bulag na gagawin ko iyon lalo na't may dalawa akong binubuhay.

Tinaasan ko ito at nakapamaywang na hinarap tsaka inayos ang pagkakasabit ng bag na suot ko.

"For your information kupal na lalaki, di po ako magpapakamatay at lalong hindi ko babalakin rito. Lalo na kung andito lang din naman ang isang walang modong lalaki na katulad mo"

Napangisi naman ito sa turan ko at lumapit pa lalo sakin na siyang ikinataas pa lalo ng kilay ko, akala ata neto matatakot ako sa paganito-ganito niya.

"Talaga lang ah?"

"Talagang-talaga"

"Then why are you just standing here? In the middle of the entrance of this building ah?"

Napatameme naman ako sa tanong niya, di ko alam ang dapat sabihin. Alangan naman kasing sahihin kong wala at iniisip ko lang ilang palapag meron ang building na ito. Kahiya-hiya iyon.

Katangahan ko naman kasi ngayon pa umiral, bakit ko pa kasi iniisip ilang palapag meron ang building na ito.

Napaiwas na lang ako ng tingin at mahinang sinabi ang sagot ko.

"I was just looking for something"

"Busy looking for something eh? Hindi mo ba alam na mayron akong kasabay na importanteng tao and you just—" napatol ang sinasabi nito ng mayrong tumunong na ring ng cellphone.

Nakita kong kaniya iyon at umiilaw sa pocket nya, kinuha niya ito at sinagot. Mukha itong natigilan at mamaya pa ay lumingon sa kotse niya at tumango tsaka pinatay ang ilaw.

Napailing na lang ito at parang may binubulong pa tsaka ngumiti sa akin na parang tanga na nakapag pakunot noo ko.

Anong meron sa lalaking ito? Kanina lang parang handa pa manakit tas ngayon parang tangang ngumingiti.

"Sorry for what I've said. Just don't mind it please. And please if you may move aside and I really need to go"

Tiningnan ko lang ito ng naka kunot noo at tsaka tumango at gumilid. Sumakay na ulit ito sa sasakyan niya at mabilis na pumasok sa parking lot ng building na ito. Napalingon ako sa kapaligiran ko at nanlaki ang mata sa nakita ko.

Pineg pe-fiestahan kami ng mga tao, kanina pa ata sila nanunuod. Nakakahiya jusmeee, kaya naman pumasok na lang agad ako sa loob.

Sinabi ko ang pangalan ko and pinakita ko yung papel na hawak ko na binigay sakin ni ma'am Revy at pinaakyat na agad ako.

Ng maakayat ako sa itaas ay pinag titinginan ako na siya namang ikinailang ko. May mali ba sa suot ko? Eh simpleng dress lang ito at rubber shoes, hindi ko naman kasing inaasahan na mapupunta ako sa ibang company at akala ko nga pasok na ako kaya ganito na lang sinuot ko.

Naglakad na lamang ako at sumunod sa babaeng nasa unahan ko at tahimik na nakikiramdam. Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin nila ako nilulubayan ng titig at mga pakemeng bulungan kaya naman nagtanong na ako sa babaeng nasa unahan ko. I just really can't take it anymore.

Owned by HimTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang