Twenty-Three

783 11 0
                                    


Nelle's POV

"Is everyone here already?" tanong ni Airon at sinuri ang bawat isa.

I looked at everyone at binilang kaming lahat at saka tumango kay Airon at sinabing "oo".

"Come on let's go inside" sabi pang muli nito at pinauna ng papasukin sila Manang at ang ilang katulong bago kami.

"Ok na po ba kayo riyan Manang?" tanong ko pa rito ng makita na parang medyo sikip ang pwesto nito sa likod at nahihirapan.

"Ok lang ako iha, ibababa ko na lamang aring bag para mas maayos ang pwesto"

Tumango ako sa sinabi nito at nilingon naman sila Joy sa mas dulo pa ng sasakyan na inaayos ang pwesto nila.

"Kayo Joy ok na kayo riyan?"

"Opo ok na ma'am, kering-keri naman ari at mga sexy naman kami"

Nagsitawanan naman ang lahat sa sinabi nito kaya napailing na lang ako at pinauna ng papasukin sa loob ang anak ko.

"Ate dito na lang ako sa may tabi ni manong, ok lang ba? Mas bongga rito eh. Kitang-kita ang view para makapag labing labing rin kayo ni kuya Airon riyan sa likod. Basta huwag niyo lang susundan muna si Xhaito ah"

Natawa naman ang lahat sa sinabi nito kaya pinalo ko na lamang ito ng bahagya, nag peace sign lang ito at umupo na sa passenger seat.

Nauna na akong pumasok at sumunod si Airon na tumabi sa akin, ngayon napapag gitnaan ako ng mag amang ito.

"Ok na po sir?" tanong sa amin ni Manong Wilbert na siyang mag drive para sa amin ngayon.

Nilingon muna ni Airon ang lahat bago tumango at sinabing ok na para makaalis na.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan ng bigla namang kumalabit ang nasa kaliwa ko, paglingon ko rito ay nahikab na ito at tila antok na antok pa.

"Mommy I'm still sleepy po, can I sleep for awhile po muna?" tanong pa nito habang papikit-pikit na ang mata.

"Oo naman baby, go on sleep kana rito kay mommy" sabi ko pa rito at tinapik ang binti ko.

"Ma'am ako na po kay Xhaito" singit ng yaya nito na nasa dulo pero nginitian ko na lamang ito.

"Ako na po ate, magpahinga kana lang po at alam ko pagod ka pa po. Mahaba pa naman ang byahe kaya matulog po muna kayo"

Nilingon ko ang nasa likuran namin at ang iba ay halatang inaantok pa nga.

"Kayo rin matulog muna kayo, gigisingin na lang namin kayo kapag nasa airport na tayo"

Tumango naman ang lahat sa sinabi ko at nag kaniya-kaniyang pwesto na sa pagtulog ang mga ito.

Pahiga na sa binti ko ang anak ko ng bigla naman itong agawin sa akin ng ama nito. Tiningnan ko ito ng masama pero wala naman itong sinabi pa at inihiga na lamang si Xhaito sa braso niya.

"Let me. Mahihirapan ka riyan, mabigat na si Xhaito" sabi ko pa rito pero nilingon lang ako nito at ngumiti.

"It's ok. Pambawi ko manlang sa mga taon na wala ako sa tabi niya, go on matulog kana rin. Ako ng bahala sa anak natin"

"You sure kaya mo?" paninigurado ko pa rito.

"Yeah I am, now lay down your head on my shoulder"

"But you already got Xhaito in your arms"

"It's ok. I can handle it love, go on matulog kana. I'll look after you" and he smiled.

Napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi nito at hindi na nakipagtalo pa. I slowly lay my head on his shoulder and close my eyes.

Owned by HimWhere stories live. Discover now