Thirty-Three

648 14 0
                                    

Nelle's POV

It's been a week after that short vacation kasama ang lahat and now we're preparing for Xhaito's christening. Ng makauwi kami ay biglang nagsabi sa akin si Airon na kailangan ng mabinyagan ng anak niya. Oo 'niya' dahil sinabi niya na kaniya talaga.

Wala pa man akong nasasabi ay nakapagsalita na ulit ito na siya na mismo ang bahala sa lahat. I just need to list down the godmathers at ilang godfather raw dahil may ilan na itong naisip pa.

Hindi pa man lumilipas ang isang araw ay hiningi na rin agad sa akin ni Airon ang listahan, nagtataka man ay binigay ko na lamang ito. Pasalamat ko na lamang at nakapaglista agad ako.

Ito na rin ang punong abala sa lahat, literal na siya dahil wala naman akong ginawa kundi ang pumili ng design para sa cake, pagkain and sa reception ng binyagan. Other than that, siya na halos ang gumawa pa, kasama ang mga taong kinuha nito.

At isang araw ay nagulat na lamang ako ng biglang sabihin nito ang mismong araw na bibinyagan ang anak namin. And that is tomorrow morning bago sumapit ang pananghalian. Imagine my shock ng sabihin nito sa akin na bibinyagan na ang anak namin bukas rin mismo.

Nakita ko na hindi lang ako ang nagulat ngunit ang lahat rin ng tao sa bahay, maliban yata sa aking anak na mukhang alam na ang mangyayare dahil tuloy lang ito sa pagkain ng hapunan. Mukhang magkakuntsaba ang mag ama sa pagplano.

"Bakit ang bilis naman yata? You just start to plan this ng makauwi tayo rito sa bahay, and that is actually 3 days ago"

Nakita ko itong nilingon ako at ngumiti lang ng bahagya at hindi na nagsalita pa. Nilingon ko naman ang mga kasama naming kumakain pero mukhang pati sila ay walang alam sa nangyayare.

"Hey I'm asking you Airon" at kinulbit ko pa ito para lumingon sa akin.

I saw him sigh and put down his fork and spoon at nagpunas ng bibig nito at tsaka lumingon sa akin. Kung ako lang ang guro nito sa etiquette ay mabibigyan ko ito ng mataas na grado.

"Wala naman sigurong masama diba? I mean our son is with us, he's turning six sooner and yet he's not baptised"

Napaarko naman ang kilay ko sa sagot nito. Is he questioning me bakit hindi pa ito binyag?

I was about to say it loud ng sumagot naman ito, tila alam ang nasa isip ko.

"I'm not questioning you love"

"Then why? I mean it looks to me you're rushing things"

I saw him avoid my eyes for a second and returned it to me. May tinatago nanaman ba ito sa akin?

"I am not. I have money so bakit pa natin papatagalin kung pupwede naman agad, hindi ba? And don't try to think of me hiding things from you again Nelle. I'm not doing anything na ikakasakit mo, I've learn my lessons alright?"

Nakarinig naman ako ng mga mahinang pagbubulungan sa paligid kaya naman tinaasan ko ng kilay sila Sherlock at Joy at ilan pang kasambahay, tila kinikilig sa nakikita at naririnig mula sa aming dalawa ni Airon. Akala ata ng mga ito ay kdrama ang pinapanood. I sighed on that thought, malalala na ang impluwensya ni Joy sa kapatid ko, na dinagdagan pa ni Cherry.

Sumang ayon na lang ako sa sinabi ni Airon at muling kumain at ganun rin ang lahat. Napatingin naman akong muli sa daliri ko na suot ang engagement ring ko. Up until now hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare sa akin, para itong panaginip kung sabihin ng iba.

Kalat na rin sa buong opisina ang nangyaring proposal dahil pinagkalandakan ito ni Airon. At sinundan naman ni Cherry kaya ganun na lamang ako tuksuhin ng lahat ng gabing iyon.

Sa opisina naman ay wala naman halos nagbago simula ng malaman nila na fiancé ko na ang isang Airon Adrastos Estevan. Maliban na lang sa mas mabait na pakikitungo nila sa akin, hindi na pag uutos or pakikisuyo at ang mas mataray na tingin sa akin nila Nari at kaibigan nito. But whenever I faced them ay ganiyon na lamang ang mga nakapaskil na ngiti sa kanilang mga labi, akala mo naman talaga ay totoo. Samantalang pagkatalikod o hindi ako nakatingin sa kanila ay nag iiba ang mga itsura nito. I saw it in my peripheral vision and Cherry and others can even testify to it.

Owned by HimWhere stories live. Discover now