Thirty-One

706 12 0
                                    

Nelle's POV

"Put me down Airon" naiinis kong sabi rito pero mukhang mas nang iinis pa ito lalo sa sagot niya.

"No"

"Isa. I said put me down" ulit ko pa, nagbabakasaling ibababa na ako nito.

"Dalawa and no"

"Arrgghhh! Nakakainis ka!"

Hinampas ko ang likuran at sinabutan ang buhok nito pero wala ring epekto. Kanina lang buhat niya pa as a bride, ngayon buhat niya na ako na akala mo sako akong isinampay sa balikat niya.

Sa ano kamong dahilan? Dahil pasaway raw ako. Buwiset talaga. What do I even expect? Bihira naman talaga ito makinig sa akin. Napakapasaway rin talaga. May pinagmanahan talaga ang anak ko.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko wala talaga itong balak ibaba ako.

"So kailan mo ako ibababa aber?" tanong ko na lang rito para naman hindi mapanis ang laway ko at malayo-layo rin ang cabin namin.

"So now you're talking to me?"

I even heard him chuckle kahit wala namang nakakatawa. Baliw na ata ang isang ito eh.

"Oo kasi di tulad mo ayokong mapanis ang laway ko. Isa pa gusto kita makausap sa paandar mo nanaman kanina"

Narinig ko ulit na tumawa ito kaya naman napairap na lang ako. Kanina pa ito tawa ng tawag, parang tanga lang.

"You mean to say marupok ka lang? That's what they called, right?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Dahil roon ay sinabanutan ko muli ang buhok nito sa inis. Kailan pa nito natutunan ang mga bagay na ganun?

"Baliw ka hindi. Baka ikaw kamo. And where did you even learn that word huh?"

He just laugh and said he heard it somewhere.

Matapos niyon ay hindi na nasundan pa ang usapan namin. Mukhang malalim na ang iniisip nito at gayun rin naman ako, iniisip ko kung ano naman ang kakalabasan ng pagpunta namin sa cabin.

Are we going to talk about it? Is he ready to tell it to me na? Or binobola lang nitong muli ang isipan ko? I don't know what to think sa totoo lang.

A minutes after ay nakarating na rin kami sa cabin namin, he locked the door ng makapasok rin agad kami. And walkes directly to our room na hindi pa rin ako binababa.

So I assume ibababa lang ako nito kapag nasa kwarto na kami. Akala mo naman tatakasan ko.

At tama nga ang hinala ko. Dahil matapos makapasok sa kwarto ay ni-lock agad nito ang pinto at pabalang pa akong binagsak sa kama. Sinamaan ko ng tingin ito pero walang epekto at umupo lang sa tabi ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at naghintay na ito ang magsimula ng pag uusapan namin. Pero lumipas ang limang minuto ay wala pa rin itong sinasabi.

I turned to him and saw his eyes were closed, as if preparing hinself to confess something. Ngayon na nakapikit ang mata nito, mas nakikita ko ang kagandahang lalaki nito. Ang matangos nitong ilong na nakuha ni Xhaito, ang hugis ng mukha nito, ang kaputian nito, ang makapal na kilay at pilikmata nito.

Halos lahat ng nakuha ni Xhaito ay galing sa lalaking ito. Ang nakuha lang nito sa akin ay ang maliit kong labi at ang taling sa baba ng kaniyang kaliwang mata.

"I know saying sorry is not enough"

Nagulat naman ako ng bigla itong magsalita, tumango ako bilang pagpapahawatig na nakikinig ako.

"I know I'm a jerk and asshole to left you hangging in there five years ago"

Napangiti ako ng bahagya sa tinuran nito at tumango.

Owned by HimWhere stories live. Discover now