Chapter 2

5.9K 187 21
                                    


MALAKAS na buntonghininga ang pinakawalan ko nang sa wakas ay makarating ako sa bahay namin sa Isla Contejo. Sinalubong ako ng caretaker ng bahay na si Manang Lou. I remembered her. When I was 7 years old kasi, we visited here at siya na ang caretaker. Hanggang ngayon pala ay siya pa rin.

"Welcome back, hija," nakangiting aniya.

Ngumiti na lamang ako kahit hindi naman ako happy na makabalik dito. Si Mommy ang nasunod. Talagang gusto niyang dito na muna ako tumira hanggang sa maka-graduate ako ng college. It was still April, so I had more time to adjust before I enter college according to her. I-enjoy ko raw ang summer ko here. Madami naman daw magagandang paggalaan dito and the people were also good, so I should make some friends daw.

Hmp! For sure, people here were so old-fashioned and boring compared to the U.S. This place is a probinsiya! Malamang, puro manang and nerds ang narito. I didn't think I could get along with them. I was used of having loud and fun friends.

"Natatandaan mo pa ba ang kuwarto mo rito?" tanong pa ni Manang Lou habang dala ang iilang bagahe ko.

Tumango ako. "Opo, I still remember it pa."

"O, sige. Umakyat ka na lang doon kung gusto mo na. Iaakyat ko na itong mga gamit mo roon."

Ngumiti ako. "Thank you po."

Nang makaakyat siya dala ang mga gamit ko ay muli kong nilibot ng tingin ang buong bahay. It was still the same from what I remembered years ago. It looked antique and almost all the furniture were made of expensive woods. Ang living room ay hindi ganoong kalawak, but it still looked comfy. The wooden couch was long enough to accommodate 4 people. On both sides of it were two single wooden couches, as well. Sa gitna ay isang mababang lamesa na gawa rin sa kahoy.

Nagtungo ako sa dining area. 6 seater ang hapagkainan na gawa rin sa kahoy. Ilang hakbang pakaliwa ay ang sliding door papunta sa garden. Lumabas ako ro'n. I smiled when I saw different kinds of flowers. The garden looked so colorful and very refreshing because of it. Ang sarap sigurong mag-paint dito ng madaling araw. I'll do it some other time.

Nang malibot ko na ang buong unang palapag, saka pa lamang ako umakyat sa aking room. It still looked the same. Not that huge, but already enough for me. May closet ako pero hindi kasing laki ng closet ko sa U.S.

Binuksan ko ang sliding door ng terrace. Wala naman akong ibang makitang magandang tanawin kundi ang window ng isang room din sa katabing bahay. Pumangalumbaba ako at pinagmasdan ang kwarto na nakikita ko. Kung sino man ang may-ari ng kuwartong ito, he or she couldn't blame me for looking through because there wasn't a curtain and the window was even open wide.

Ang stupid naman. Hindi ba siya natatakot na baka may bad people na umakyat sa window at nakawan siya? Tsk.

Maganda ang room. Parang panlalaki rin since I was only seeing grey and black walls. Iyong bed din, kulay grey ang mga pillow at white ang bedsheet. Sa kabilang banda, naroon ang study table. Isiningkit ko ang mga mata ko upang mas makita nang mabuti ang nakapatong sa table. May malaking white paper doon na parang pang-architecture. Siguro'y isang Architect ang may-ari ng kuwarto.

Hindi na rin naman na ako nagtagal sa terrace. Muli akong pumasok sa kuwarto at nag-start nang ayusin ang mga gamit ko. Nang mag-hapon, I decided to go out of the house to look for some interesting things. Papalabas na ako ng gate nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang katabi naming bahay. Kita mula sa medyo mababa naming fence ang kanilang bahay at mukhang kita rin nila mula sa kanila ang amin.

I saw a guy who was probably just my age. He was playing with his golden retriever dog. May ibinabato siyang maliit na bola at kukunin naman iyon ng dog niya at ibabalik sa kaniya. Mayâ-mayâ ay napatingin siya sa gawi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tuluyan nang lumabas ng gate. Nagsimula na akong maglakad-lakad. Nadaanan ko ang katabing bahay at hindi ko muling naiwasang mapatingin dito.

Nagtama tuloy ang mga mata namin no'ng lalaking nakikipaglaro sa aso niya. He had a hazel upturned eyes and he looked a bit serious and mature in his age. Though I could really say that he was also just the same age as me because of his built, still, he looked mature and manly enough. Itim na itim ang mga kilay niya at hindi naman sobrang kapal. Maganda ang pagkakatangos ng ilong at medyo my kanipisan ang mga labi.

"Cade!"

Hindi ko napansin ang papalapit niyang aso kaya nabangga ako nito. Halos matumba ako ngunit mabuti na lang ay naibalanse ko ang aking sarili. Bumalik 'yong aso sa amo niya upang ibalik ang maliit na bola. Hindi naman ito pinansin dahil lumalapit na sa akin ngayon iyong lalaki.

"Hey," he said when he finally came closer. "Sorry about Cade."

Ngumiti ako. "It's okay. Mukhang he's a good dog naman."

Umawang ang bibig niya at mukhang hindi inaasahan ang pananalita ko. Kalaunan ay palakaibigan siyang ngumiti at tumango. Nilingon niya ang bahay namin bago muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Parang ngayon lang kita nakita rito."

"Uh, oo." Tumango ako. "This is our hometown. I actually live in the States, but... I need to live here for now."

Tumaas ang kilay niya at sandali akong pinasadahan ng tingin.

"Bakit naman?"

Tinitigan ko siya nang mabuti habang sandaling nag-iisip kung sasabihin ko sa kaniya ang rason. Should I share it with him? He looked a nice person naman. I also wanted to have friends here kahit pa naiisip kong boring ang mga tao rito. E ang isang 'to, mukhang okay naman at baka masayang kasama at kausap.

Handsome pa.

"My parents want to take me away from my friends in the States. Bad influence daw sila for me and they also want to teach me a lesson. As a punishment, dito nila ako itinapon. Dito na ako mag-study ng college."

Marahan siyang napatango-tango at lumalim ang pagkakatitig sa akin. Pumamulsa siya sa suot niyang shorts.

"Well, they did the right thing if your friends were really bad influence," sagot niya.

Bahagya ko siyang sinimangutan. "I'm not joining them naman every time they're doing something bad."

Kumunot ang noo niya. "Something bad such as?"

I pouted and shrugged. "Like drugs and hardcore liquor."

Mas lalong nagdilim ang mga mata niya at nakita ko pang medyo gumalaw ang panga. Bumuntonghininga siya at tinitigan ako ng diretso.

"Just because you're not joining them doesn't mean that you should still surround yourself to those kind of people. They're doing bad things. That's an enough reason to stay away from them."

Mas lalo ko siyang sinimangutan. Bakit ba nagle-lecture ang isang 'to? Kakakilala pa lang namin!

"They're not bad people."

"But they're doing bad and illegal things."

I pouted. Well... he had a point, though. Pero of course, hindi pa rin naman magandang mag-judge ng tao especially if hindi mo pa nakikilala in person.

I sighed and glanced at some of the houses and fields of Isla Contejo. I slightly caressed my arms when the cold breeze touched my skin. I eventually turned my eyes on him.

"May important ka bang gagawin today?" I asked.

Umiling siya.

"Wala naman."

I smiled. "Puwede mo ba 'kong samahan mag-tour around?"

He chuckled a little. "No problem."

Lumaki ang ngiti ko bago naglahad ng kamay sa kaniya.

"I'm Jaeda, by the way."

Tinanggap naman agad niya ang kamay ko.

"Arsen."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon