Prologue

12.8K 280 39
                                    

Mangunguna na po ako. Maraming conyo na tao sa totoong buhay, hindi lang dito sa wattpad world hehe. Wala po sanang comparison na maganap. Always remember to be kind and respectful. Salamat! ^_^

----------

TININGALA ko ang mga nagkikinangang bituin sa madilim na kalangitan. Isang malungkot na ngiti ang pumorma sa mga labi ko. I remembered one particular person again. Were we looking at the same stars right now? Does he remember me every time he was looking at the them?

Because I do. Every time. Not just at night when the moon and stars are alive.

Every day. Every second.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at isinara na ang pinto ng veranda. Muli akong pumasok sa kwarto ko at pinilit nang matulog dahil maaga pa ako tomorrow.

"Manang Lou, can you tell Mang Rico to prepare my car na? So I can go inside na lang and leave immediately," magalang kong pakikisuyo sa caretaker ng bahay namin. "Here's the key."

"Walang problema, hija." Kinuha niya ang susi mula sa akin at agad nang lumabas upang sundin ang sinabi ko.

My 3 inches wedge heels were not creating any noise as I graced through the kitchen. Nakakatuwa talaga ang shoes na 'to. Bukod sa magaan at malambot sa paa, hindi pa maingay ilakad. I should order another pair of this from France again. Pero ibang style naman.

Uminom lang ako ng tubig sa kitchen at sa backdoor na ako lumabas. Nadaanan ko ang balcony bago ko narating ang mataas at malaking gate ng bahay namin na naka-open na. My car was already there. Manong Rico was now holding the gate. Manang Lou was standing beside the car.

"Bye, Manang and Manong! I'll see you later!" paalam ko.

Manang warmly smiled at me. "Ingat ka, Jaeda."

Manang Lou had been working for us since I was a little. She had been taking care of our house here in Isla Contejo when my parents and I were living in the States before. Magpahanggang ngayon na matanda na ako't nagtatrabaho, she was still here -- still loyal and never got tired serving my family.

Inabot na sa akin ng security guard naming si Mang Rico ang susi ng kotse. Hindi katulad ni Manang na sobrang tagal na sa amin, si Mang Rico ay na-hire lang noong isang taon. Nagkasakit kasi iyong security guard namin before, so he needed to resign. Sayang tuloy. Matagal na rin iyon sa amin, e.

I immediately drove my way to La Contejo Resort. I was a bit excited to see it and be there again. I've missed it! Isa 'yon sa mga resort ng mga Contejo na madalas naming puntahan noon ni...

Mariin akong napapikit at napairap sa kawalan.

"What, Jaeda? You can't say his name ulit?" parang tangang pagkausap ko sa sarili habang nagmamaneho. "E 'di ba nga you always love remembering him? Plus, you're now in his place again. Just the name of this place is already enough to make you remember him again and again! Bakit hindi mo ma-say ang name niya?"

I knew I probably looked a lunatic talking to myself right now, but I just couldn't help it. Gusto ko naman siyang nare-remember palagi pati na ang memories namin together, but I didn't know why I never tried saying his name again after we broke up.

Siguro kasi hanggang ngayon... masakit pa rin.

Saying his name felt like a sharp metal hurting my tongue.

20 minutes lang ang itinagal ng pagda-drive ko patungo sa resort. I parked my car sa isang open space parking lot na ilang hakbang lang ang layo sa resort. When I entered the resort, I immediately felt nostalgic. The ambiance was so familiar that it triggered some memories I had in the past.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon