Chapter 28

4.8K 179 27
                                    


NAGPATULOY ang trabaho ko sa La Contejo Resort sa sumunod pang mga araw. Pansin ko rin ang araw-araw na pagpunta ni Arsen sa hardin. Minsan ay kinakausap muna si Engineer at ang ilang trabahador 'tapos ay sa akin na pupunta. Nagtataka na nga ako dahil parang araw-araw na lang yata ay may meeting siya sa taas.

Nabanggit kasi ni Engineer sa akin na hindi naman sa La Contejo Resort nagtatrabaho si Arsen. May mga meeting siyang ina-attend-an pero imposible naman daw na umaabot ng ilang araw iyon.

"He's one of the highest paid architects in Villamor Architects Partner and Associates," I remembered Engineer Gonzaga said one time.

"Oh, that's where he work? That's in Manila, right?"

He laughed shortly. "Yeah. See? Balita ko'y tapos na ang mga meeting niya rito kaya ano ang dahilan kung bakit naririto pa siya? E ang trabaho niya'y nasa Maynila. Wala rin namang akong nasagap na balita na may tinatrabaho siyang building o bahay rito."

Napaisip ako roon. Kung wala na siyang meeting na pinupuntahan dito, bakit pabalik-balik pa rin siya rito sa resort, kung ganoon?

"Well, baka he's having a vacation here or something, Engineer. And after all, he's also one of the owners of La Contejo Resort, so wala naman sigurong problem na narito siya palagi. 'Tsaka his dad is here and his relatives."

"Hmm..." Mapang-asar na ngumisi sa akin si Engineer bago umiling-iling. "Baka nga, pero... baka gusto ka lang din makita."

Tinawanan ko na lamang ang sinabi niya at inilingan siya. Gusto lang talaga niyang mang-asar dahil alam niyang mag-ex kami ni Arsen.

"Bye, Architect Mortel! Ingat po!" paalam nina Kristoff at Daniel.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila bago tuluyang nilisan ang garden. It was already 5:45 PM and we're done with our work for today. Engineer Gonzaga left early because he needed to attend a meeting.

I went to the parking lot and noticed that Arsen's Mercedes Benz was beside my car again. My lips twisted as I made my way to my car. Nang makapasok ako roon ay agad kong binuhay ang makina ngunit nangunot ang noo ko nang biglang ayaw nitong mag-start. I tried more, but it just kept on stopping.

"What the hell is your problem?" I
hissed.

Napapalatak ako at inis na lumabas. I forcefully opened the hood and immediately step back and covered my nose when black smoke welcomed me.

Hinawi ko ang usok hanggang sa humalo na ito sa hangin. Saka ko tiningnan ang makina at sinubukang hanapin kung saan may mali. Unfortunately, I didn't have any knowledge about mechanical things like this, so I just stood there, looking so stupid and waiting for a miracle.

Napatingin ako sa sasakyan ni Arsen nang may makita ako sa gilid ng mga mata ko na lumapit dito. Arsen was curiously looking at me and my car. He slid his car key in his pocket and walked towards me. I blinked and suddenly felt embarrassed that he saw me in this unfortunate state.

"What happened?" he asked.

"It's not starting."

Tinitigan niya pa ako nang ilang segundo bago niya nilapitan ang hood ng sasakyan ko. May hinawakan siyang kung ano roon. Ilang sandali'y napailing siya at umatras. Pinagpag niya ang mga palad niya bago tumingin sa akin.

"I think you need to have it checked."

I pouted a little. "I can't use it now?"

Marahan siyang umiling. "May problema sa makina."

Mabigat akong napabuntonghininga at inis na napakamot sa aking ulo. Ano ba 'yan! How would I be able to get home now?! May mga public transpo ba rito sa tapat ng resort? I needed to get home now dahil ayokong abutin ng gabi rito!

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon