SC

6.3K 211 43
                                    

I missed JaeSen! Here's a short special chapter hehe ^_^

"Wow! Another certificate and award?" I walked towards my wife and hugged her from behind.

She chuckled and reached for my cheek to gently caress it. Nakangiti kong pinagmasdan ang panibagong award plaque at certificate of recognition na idini-display niya sa mahabang lamesa na naglalaman pa ng iba't ibang awards naming dalawa.

"Congratulations," I said before planting a kiss on her cheek.

"Thank you, Ga."

Inilagay niya sa panibagong frame ang certificate at saka siya naghanap ng espasyo sa pader upang pagsabitan nito. Halos punong-puno na kasi ng mga certificate ang pader na katapat ng lamesa ng awards kaya medyo mahirap nang humanap ng puwesto.

A felt like a soft hand was caressing my heart while looking at all the certificates and plaques in front of us. Ngayon ko na lamang ulit napagtuunan ng pansin ang mga ito -- dumadami na pala. Parehong sa amin ni Jaeda ang mga naroon kaya hindi ko na mabilang pa kung ilan.

Ang sayang tingnan na lahat ng achievements namin ni Jaeda, magkakasama at mas dumadami pa sa bawat taon na lumilipas.

"There you go!" natutuwang saad ni Jaeda nang sa wakas ay maisabit niya ang panibagong frame ng certificate sa pader.

She walked back to me and immediately clung her arms around my nape. My hands, on the other hand, encircled her tiny waist. Dalawa na ang anak namin ngunit ang katawan niya ay ganoon pa rin. She still looked sexy and it seemed like she didn't have any children at all.

Every time I looked at her, I was always being reminded of how bless I was that she's my wife and the mother of my kids. Wala na akong maihihiling pa. Nasa akin na ang lahat.

"I think we should get a tall and huge glass display cabinet for our plaques. Para mas maluwag at mas maraming space for the awards," aniya.

I brushed the tip of my nose against hers. "Uh-huh? How about the certificates?"

"Diyan na lang sila sa pader. Malawak pa naman, e."

"Madadagdagan pa 'yan, Ga. Ano, bawat pader sa bahay na 'to, may nakasabit na certificate?"

She laughed shortly and I couldn't help but smile at how good her laugh sounded.

"Saka na lang tayo bumili ng glass cabinet for them kapag hindi na nagkasya sa parteng 'to ng pader." She pointed at that certain wall where the certificates were placed at.

Tumango ako at pinatakan siya ng mababaw na halik sa mga labi. "Alright. Whatever you want, Langga."

Ang akala ko'y palalagpasin na lang niya ang mababaw kong halik ngunit pilyo akong napangisi nang hinabol ng mga labi niya ang mga labi ko. I opened my mouth to welcome her kiss and she didn't disappoint me. She kissed me deeply right away and all I could do was to give her the same intensity she was giving me.

"My wand got broken!"

Agad kaming tumigil sa paghahalikan nang marinig ang atungal ng bunso naming anak. Umiiyak itong lumapit sa amin habang dala-dala ang magic wand na laruan nito. Natanggal 'yong star mula sa hawakan.

Agad akong nag-squat sa harap ni Jia at pinunsan ang mga luha sa matambok niyang pisngi.

"What happened, baby?" I gently asked.

"K-Kuya broke it..." humihikbing sagot niya.

Mukha siyang kaawa-awa, pero hindi ko rin maseryoso nang lubos ang pag-iyak niya. She's just so cute. Her cute, chubby cheeks were flushed. Her little wide eyes that filled with tears looked very pleading and soft. Her cute nose were a bit red because of crying. Her thin lips were pouting and quivering from time to time.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon