Epilogue

8K 282 136
                                    

Someone once asked me: "do you sometimes feel insecure?" I said, of course I do. I am a human and insecurity is a normal feeling. We might call ourselves hypocrites if we tell that we never got insecure even once in our lives. It's part of being a human because we make mistakes and it's not all the time that we're being the best in almost everything. People often get insecure every time they see other people succeeding more and faster than them. But have we ever asked ourselves that maybe, that's just really how life works?

It's not wrong to feel insecure because that feeling is valid. We are just humans. But we must also keep remembering that we are not just the only ones who can be great in everything. No matter what we do in this life, there will always be someone out there who can do greater things than us -- and that is fine. There is nothing wrong with it as we can also do greater things than what they've done. I hope every time we feel envious, jealous, or insecure towards other people's success, we smile and tell ourselves that this is life. We don't always get to be on the top. It's not always our time to shine. The universe gives everyone a time to shine and it's not always our time.

We've finally reached the end, dear readers. Despite of all the doubts, insecurities, and failures... I am hoping that we always pat our shoulders and congratulate ourselves for every great thing we've done. All our hardworks and success matter. It always matter to ourselves and to the people around us.

---------------

Sanay akong ako palagi ang nasa tuktok.

Bata pa lang ako, nasanay na akong ginagalingan ko ang mga bagay na ginagawa ko. Palagi akong humihigit dahil iyon ang nararapat. Iyon ang dapat dahil doon mas magiging proud sa akin ang mga magulang ko.

"Wow! Ninety-eight? Very good, Silas! I'm so proud of you!" galak na galak na sambit ni Mama sabay halik sa pisngi ng kapatid kong si Silas.

Inihatid ako ni Papa rito sa bahay nina Mama dahil Sabado ngayon -- karaniwang araw ng pagdalaw ko sa kaniya. Kaso, parang wala rin namang saysay ang pagbisita ko rito dahil puro sina Silas at Rayana ang iniintindi niya. Sabi ko nga kay Papa ay hindi na ako pupunta pero mapilit siya at talagang hinatid ako rito. Magtatampo raw si Mama kung hindi ako makadalaw.

Mukhang hindi naman siya magtatampo. Para kasing hindi naman siya sabik na makita ako.

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang tinatanaw sina Mama at Silas na masayang nakatingin sa report card nito. Mayâ-mayâ ay napatingin sa akin si Mama at agad na naging tipid ang ngiti.

"How about you, Arsen? Where's your report card? I wanna see it."

Bumuntonghininga ako at kinuha ang card ko mula sa bag na dala. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang card ko at agad na gumala ang mga mata niya roon. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. Unti-unting nangungunot ang noo niya habang tumatagal ang paninitig doon.

Nang muli siyang magbaba ng tingin sa akin ay saka siya mabigat na bumuntonghininga.

"Ninety? Ninety-five? Ganito rin ang grade mo noong last grading period, ah? Hindi man lang tumaas?"

Napalunok ako at napakuyom ang kamay ko sa gilid ng suot kong pantalon.

"Hay naku, Arsen. You should do higher than this. Grade five ka na sa susunod na taon. Kita mo nga si Silas, grade three pa lang pero ang tataas na agad ng grades! Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?"

Kaya ayaw kong pumupunta rito sa kanila e. Palagi na lang kasing ganito. Parati na lang sinasabi ni Mama na mag-keep up ako sa mga achievements ng mga kapatid ko. Na dapat, tumulad ako sa kanila na palaging nasa top.

Ayos lang namang paalalahanan ako ng gano'n, pero minsan... nakakarindi rin.

Pati si Papa, minsan ay panay rin ang paalala. Ngunit kumpara naman kay Mama, kahit kailan ay hindi niya ako ikinumpara sa ibang tao o sa mga nakatatanda kong pinsan. Palagi lang siyang nagpapaalala na dapat ay pagbutihan ko ang pag-aaral.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon