Chapter 38

4.6K 166 30
                                    


IPINAHINGA ni Arsen ang pisngi niya sa dibdib ko kasabay ng pagpulupot ng braso niya sa tiyan ko. Napangiti ako dahil naalala ko iyong dati. Ganitong-ganito siya noon. Kapag may ginagawa ako sa laptop at katabi ko siya, bigla-bigla na lang siyang lilingkis sa akin.

Pareho kaming walang pasok dahil weekend. Dito na naman siya natulog sa condo ko kagabi at hindi ko alam kung kailan planong umuwi. May mga damit na nga siya rito e.

"What are you doing, Ga?" he asked while looking at the screen of my laptop.

We were sitting on the couch. He was watching a movie a while ago, but I think he got bored. He just decided to hug me and watched me work.

"I'm reading the details Engineer Gonzaga sent me about the renovation," sagot ko sa tanong niya.

Hindi na siya nagsalita ulit at pinanood lang akong mag-type ng reply kay Engineer. His cheek against my chest felt soft. He looked like a baby resting his head on me.

"How about you? You don't have any work to do today?" I asked.

He slightly shook his head. "It's my rest day. I don't wanna work."

I chuckled. He glanced up at me and furrowed his brows.

"It's your off, too," he said. "You shouldn't be working right now. Babe time dapat."

I bit my lower lip to suppress my teasing smile. He was getting more clingy each day.

"I'm just reading emails," katwiran ko.

"Kahit na," tunog nagtatampong saad niya.

I chuckled once again. I just decided to send my reply to Engineer Gonzaga for the meantime and read the remaining emails later. Ipinatong ko na ang laptop ko sa pandak na coffee table sa harap namin at sinapo ang pisngi niya upang angatin.

"Sige na nga, babe time na. Tampo 'yang baby na 'yan?" I asked in a small tone.

He smiled and leveled our faces to kiss me repeatedly on the cheek. Ang isang kamay niya ay kiniliti ang tiyan ko kaya humagalpak ako ng tawa.

"Stop," natatawang pigil ko.

Ang isang pisngi ko naman ang pinupog niya ng halik at isang kamay ay naglakbay patungo sa batok ko upang mangiliti. Napatili ako na sinundan agad ng malakas na halakhak.

"Nakikiliti ako--s-stop!" hindi ko na halos masabi iyon dahil sa kabubungisngis.

Natatawa siyang tumigil at kinurot ang pisngi kong pulang-pula na siguro dahil sa katatawa.

"Nanggigigil ako sa 'yo, ang cute mo!" aniya at muli akong niyakap.

Iilang mahihinang tawa pa ang kumawala sa bibig ko bago unti-unting nakaahon sa pangingiliti niya kanina.

"Magluluto ako," aniya matapos ang ilang saglit. "Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw."

"Ano?!" Gulat niya akong tiningnan na para siyang naeskandalo nang sobra. "Ikaw ha. Bawal naughty dito."

Bahagya akong natawa at hinampas siya braso. "What are you talking about? I said, what about you? Anong gusto mong kainin?"

Tinaasan niya ako ng kilay na mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Weh? 'Di naman patanong 'yong tono mo."

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "Patanong 'yon! You just have dirty mind."

"Sus. Gusto mo lang talaga yata akong kainin--"

"Shut up! I didn't say that!"

Natatawa siyang tumayo at nagtungo na sa kusina. Nakasimangot ko siyang pinagmasdan. Bakas na bakas pa rin ang tuwa at pang-aasar sa mukha niya.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon