Kabanata 1

131 4 0
                                    

Kabanata 1

Damn it! Damn it! Damn it!

Who the heck was the reason that this guy is in here in my house?! Of course it's Mom! Pero alam naman niyang mainit ang dugo ko dito kay Sonje pero bakit?! Bakit kailangang dito siya sa bahay mamalagi?!

"Mayaman ka diba? Kumuha ka ng condo unit mo." I said in a matter of fact while I walk downstairs.

Ang hunghang, kinarer talaga ang pamamalagi dito na para bang siya ang may-ari. Palibhasa, paborito ni Mom at Dad kaya kung maka-asta ay parang anak nila.

"Ang sama mo naman, Zel. Bawal bang mamalagi dito kasama ka?"

I stopped and glare at him who stopped walking too. "Pwede naman. Pero bawal sa katulad mong mahangin. Sa sobrang lakas, baka biglang bumagyo dito sa bahay. Kaya shoo! Umalis kana dito!"

He clutched his chest at halos tumabigi ang labi ko sa ginawa niya na para bang nasaktan siya ng sobra sa sinabi ko.

"Ouch. Hindi mo ba ako gustong makita?"

"Hindi." Deretsong tugon ko bago ako tumalikod at iniwan siya duong parang baliw.

"Ang mean mo talaga!" He shouted but I just rolled my eyes saka ako dumeretso sa kusina.

My friends planned na mag bonding kami ngayon pero nag text na ako sa kanila na hindi ako makakasama. I'm one hundred percent sure that this guy would pester me non-stop. At ayokong makita siya ng nga kaibigan ko dahil alam ko na ang likaw ng mga utak nila.

I need to study too. Review everything. Dahil ibang course ang kukunin ko sa college, magiging mahirap ito sa para akin but I can do it. I need to do it. Mamayang hapon ang flight ni Dad kaya makakausap ko na siya tungkol sa gusto kong kunin.

Mom didn't know about this. Si Zarina palang ang nasabihan ko but I know she will keep it a secret. Maaasahan ko ang kapatid ko at may tiwala ako sa kanya.

"May lakad ka ba ngayon, Zel?"

My face crumpled when I heard that voice. Mabilis kong kinuha ang gatas sa ref saka ko siya pagod na nilingon.

"Why don't you explore things here, Sonje? Imbes na guluhin mo ako dito, bakit hindi ka lumabas dito at gumala?"

"Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Well, if it's okay for you, you can accompany me. I don't mind."

"Yun na nga ang point eh." Pinakatitigan ko siya at nginisihan. "hindi mo alam ang pasikot-sikot kaya pabor sa akin na maligaw ka. Isn't that fun?"

His forehead creased while looking at me. His liquid brown eyes glisten in unreadable emotion.

"You know I stay here for a long time, Zel. Marami mang nagbago pero alam ko parin ang daan pabalik at sa ayaw at sa gusto mo, babalik at babalik parin ako sayo."

My smile fell and cleared my throat. Nag-iwas ako ng tingin at tinalikuran siya. "Bahala ka sa buhay mo, Alcuizar."

"Wala na bang gatas?" He asked and I stopped walking. Napabuntong hininga ako bago bumalik sa paglalakad.

"Tumabi ka."

He pouted his lips before he step backward. Tumingkayad ako para abutin sana ang cupboard kung nasaan ang gatas nang hindi ko ito maabot.

I cursed my self. May gana pa akong magpabida pero hindi ko naman pala maabot?

"May problema ba, Zel?"

I glared at him and found him stopping his laugh. Kagat-kagat ang namumulang labi and I know right in then, he want to burst out laughing.

"May kamay ka diba? Ikaw kumuha ng gatas mo."

Frenemies Inlove [UNEDITED]Where stories live. Discover now