Chapter 4

26K 1.1K 105
                                    

"Long time no see, Shann."

Napatingin ako sa taong nagsalita. I smiled when I recognized the girl who just called my name after I opened the gate of our house. Dali-dali ko siyang niyakap. God, I missed this girl! "Rain!"

"Woah, chill there, lady!" Awat niya sa'kin dahil halos mapahiga na kami sa impact ng yakap ko.

"I missed you so much!" My voice was laced with happiness as I let myself to stare at her caramel eyes. I really find it beautiful ever since but of course nothing can beat my Star's black orbs.

She finally hugged me back and gave me a pat on my head. She's always treating me like a kid kahit hindi naman kami nalalayo sa edad. Bumitaw na kami sa yakapan. She was smiling at me. "Miss din kita."

I noticed na may accent na ang Tagalog niya. I think she got used too much in English. Ang tagal niya rin kasing wala rito sa Pinas.

Lumayo ako sa kanya. I almost forgot na may kasama pala ako. Ito naman kasing si Rain, bigla-bigla  na lang magpapakita. She's staying abroad for a long time, wala man lang itong pasabi na nakauwi na siya. I bet she's actually planning to surprise me.

Lumapit ako kay Kris. I noticed na nakatingin lang ang kaibigan ko kay Rain and she seriously looked stunned. Para bang gandang-ganda siya sa dalaga. Sabagay, ngayon lang naman kasi niya nakita ito at maganda nga talaga. Of course, it runs in the blood.

Mukhang nagulat pa ito nang tapikin ko siya sa balikat. Natawa tuloy ako. "Natulala ka, Kris?"

Napailing siya ng mabilis at ngumiti sa'kin. Tinaasan ko siya ng isang kilay at nakatanggap naman ako ng isang hampas sa braso. "Hindi, ah!"

"Ang sakit, ah?" Reklamo ko. Hinimas ko ang braso. Ang bigat ng kamay. "Okay. Anyway, Kris, she's Rain, my cousin." Tumingin naman ako sa pinsan ko. She's staring at my friend as well with this funny expression on her face. Nakangiting ewan. "Rain, si Kris, best friend ko."

Lumapit si Rain kay Kris. I almost heard my friend heaved a breath when she was kissed by my cousin on her left cheek. Mukhang nagulat yata sa ginawa nang isa. Halata kasi ang biglang pamumula ng pisngi nito. "Hi, Kris, nice meeting you."

"N-nice meeting you, too—" She cleared her throat. "Rain."

"Kris?" I called.

She looked at me, mukha pa siyang nagulat. "Bakit, Shann?"

"You're blushing." I just said. Para kasi talaga siyang nag-blush on.

Mukhang nataranta naman ito kaya agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi. She was frowning at me. "Huwag ka ngang mag-joke ng ganyan!"

"Sinasabi ko lang, eh." Nagkibit lang ako ng balikat. I'm just telling the truth, eh.

But seriously, this is the first time to see my best friend—Kris—to blushed like that. Maybe she was overwhelmed with my cousin's presence. There's many beautiful people in our school pero iba ang dating ni Rain, akala mo kakatapos lang rumampa sa stage kahit simple lang naman ang suot. She was taller than me, ka-height ko lang si Kris na 5'5 lang din. I think Rain is 5'7 or 8. I remembered Star, I'm taller than her.

Tiningnan ko naman si Rain. Nakatingin lang siya kay Kris na parang aliw na aliw sa pamumula ng isa. She seemed to like my friend's reaction—heavens, I almost forgot that she's not straight! Kaya naman pala. Napailing na lang ako.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now